Chapter 1- Number

2401 Words
Chapter 1 Halos mag-concert na ako dito sa banyo habang nagsho-shower. Masarap matulog sa gabi lalo na kapag bagong ligo. "Boy you got my heartbeat runnin' away, beating like a drum and it's coming your way. Can't you hear the boom, boom-badoom boom, boom-badoom boom?" Pagkalabas ko ng banyo ay agad kong nakita ang phone ko na umiilaw na nasa desk katabi ng aking kama. Patay-sindi ang ilaw nito kaya ang ibig sabihin ay may tumatawag. "Hello?!" Pasigaw kong sagot kasi baka hindi ako marinig dahil sa blower. "Bakit ang ingay? Asan ka ba?" Nakikisigaw na si Sofhia kahit parang radyo lang naman ang nasa background niya. "May helicopter kasi sa harap ko ngayon! Pupunta akong Eastwood. Bakit?" "Totoo ba yaaaaaan?" May isa pang sumigaw Mukhang naka-loudspeaker ang bruha at magkasama sila nung isa pang bruha. Nagtanong pa kung totoo. Sino ba namang maniniwala? Eastwood lang, helicopter pa? Edi wow. "Oo, bakit? Andito si Christian Grey sa kama, sinusundo ako." Natawa ako, "Bakit ba?" "Pamura, Ircy. Tangina? Asan ka ba?! Aalis tayo!" Ani Eloisa na mukhang nainis "Nasa bahay. Nagblo-blower." Natatawa ko pading sagot Pinaulanan nila ako ng mura sa kabilang linya habang ako naman ay hindi na makahinga sa kakatawa. How I wish na andito nga si Christian Grey sa kama ko diba? Tapos pasasakayin niya ako sa helicopter niya. Wooops! Yung mga 18 years old pababa diyan, hindi alam kung ano yun. Wahahaha! "Saan ba pupunta? Gabi na ah!" "Magre-restobar tayo kasi nagbreak kami ni ano....." Suminghot siya, "Ni ano..." "Eloisa! Wag mo na nang sabihin! Iiyak ka nanaman, kadiri nanaman yang tunog ng sipon mo. Yuck!" Ani Sofhia Napakagat ako sa ilalim kong labi para mapigilan ang pagtawa. Kung kasama lang nila ako ngayon ay paniguradong patay na ako kakatawa sa mga reaction nila. "Oo na. Sasama na ako! Sunduin niyo ako ha? Magbibihis lang ako." Binabaan ko na sila para makapag-ayos na ako agad kasi paniguradong on the way na sila, kaya nga sila magkasama na. Ganyan naman lagi, tatawag kung kelan malapit na para hindi na maka-ayaw! Pano pala pag nage-LBM ako? Okay na din na makalabas ako kasi wala naman si Kuya, walang magtatanong kung anong oras ako uuwi. At least, wala akong curfew ngayon. Perks of having a protective brother nga naman. "Bakit ba kayo nag-break ni ano?" Tanong ko kay Eloisa "Hoy Ircy, wag mo na nga tanungin! Bawal sabihin yung pangalan nung lalaking yun!" Saway sakin ni Sofhia Mas bitter pa siya sa ex. "Sus, kunwaring break. Ilang beses na ba kayo nagbreak, ha? Tapos kinabukasan, kayo ulit. Nako nako!" Dinungaw ko sila sa rear view mirror para makita lang ang mga nakataas na kilay nila sakin. Napairap ako sa kawalan at napailing nalang, minabuti kong wag na magsalita. Hindi talaga healthy ang may lovelife. Minsan, masarap ang single, madalas, masarap padin. Ano? Ano?! "Wag mo na babalikan ha. Babatukan kita pag nalaman kong kayo na ulit bukas." "Bitter mo talaga sa love, Ircy." Mataray na pagkasabi ni Eloisa, "Makikipagpustahan ako na kapag nagka-lovelife ka, iiyak ka ng iiyak at hindi ka na makakabangon pa ulit." Lumuhod ako sa may upuan para maabot si Eloisa'ng nakaupo sa passenger seat at nang mabatukan, "Maghanap ka ng kahoy, ngayon din! Tatlong beses na katok! Ngayon na!" "Ayoko nga." Binelatan pa ako "Hindi ako iiyak. Hindi ako malulunod sa pagmamahal na yan. Hindi ako magpapakatanga. Hindi ako aasa." Matigas kong sinabi Itaga pa ulit sa bato. Gagawin ko lahat yan at hinding hindi ako magkakagusto sa lalaking hindi ako kayang pangatawanan. Gwapo naman niya para iyakan ko! Natutunan ko na dapat ay laging mauuna ang isip kesa sa puso sa lahat ng desisyon. 'Wag puro puso ang pinaiiral kasi walang sariling utak yan. Kapag siya ang lagi mong pinagbibigyan, ikaw rin ang masasaktan. Hindi ako pinansin nung dalawang nasa harapan at nagsimula na magpustahan tungkol doon sa sinabi ko. "Si Sofhia ang mananalo!" Sigaw ko Pagkadating sa resto ay may iilang tao sa loob. May live band din na kumakanta. Hindi naman 'to mamahaling restobar kundi restobar na mapagtsatsagaan na para sa mapagtatambayan ng barkada. Doon kami umupo sa may malapit sa stage kung saan kitang kita namin ang kumakanta at agad namang nag-order si Eloisa ng drinks. "Libre mo ba?" Tanong ko "Heartbroken lang ako, hindi pa ako lasing para ilibre kayo no." "Asa ka namang manlilibre yan." Bulong sakin ni Fifi Medyo maingay dito sa loob dahil yung iba ay nakikisabay doon sa kumakanta, yung iba naman ay nagtitilian doon sa may bandang likod, mga fans siguro nitong banda. Nagorder ako ng dalawang bote ng San Mig, ganun din ang ginawa ni Fifi dahil hindi naman kami heartbroken para magpakalasing tulad nung isang bruha. Kung uminom ay kala mo tubig lang habang umiiyak. Parang tanga lang talaga. Luminga-linga ako para makita kung sino ang mga nakaupo sa ibang table kasi madalas din itong puntahan nung mga classmate namin nung Grade 12. Ang totoo niyan ay tambayan talaga ng section namin 'to noon pa. Minsan ay sabay sabay kaming lahat pumupunta, minsan naman ay hindi namin alam na andito din pala sila kaya instant reunion na din. Umismid ako nang napatingin ako sa table sa may likod ko. May tatlong lalaki na hindi pamilyar sakin. Parang ngayon ko lang sila nakita dito kahit madalas kaming nakatambay dito. Yung isa ay nangingibabaw dahil sa buhok niyang kulay azul, yung dalawa naman ay kulay itim ang buhok. Yung kulay azul ang buhok at yung isang itim ay parehong may mga hikaw, yung isa naman ay wala kaya medyo mukhang good boy. Hindi ko masyadong makita ang mga mukha pero nararamdaman kong mga gwapo sila. The feels! Minsan lang magkaroon ng tourist attraction dito. Nakakasawa na kasi si Drox. Buti naman ay may tatlong naligaw. Nagiwas ako ng tingin nang magtama ang tingin namin noong isang lalaki na may itim na buhok, yung may hikaw. Agad akong umayos ng upo at napalunok ng maingay. "Uy sila Alex oh!" Turo ni Fifi doon sa mga papasok palang Nanliit ang mata ko upang makita ito, agad kong nakumpirma na sila nga yun nang kumaway sila samin. Umupo sila sa katabing table namin. "Andito din pala kayo!" Ani Sam na pinsan ni Alex Kasama ng magpinsan si Mics at Joyselle na magkasama na mula gradeschool. Di na yata matitibag ang dalawang 'to hanggang college. "Oo, may heartbroken samin eh." Nginuso ko si Loisa na parang hindi alam na may kakilala kaming dumating Napatango nalang sila at iniwasan ang topic na yun. Bakit kailangang iwasan? Dapat nga ay pagusapan nang pagusapan para maimmune na siya. Nakakailang kanta na ang banda hanggang sa mukhang napagod na sila at naghanap ng kakanta mula sa costumers. "Sino ang pwede munang kumanta diyan?" Magiliw na tanong nung vocalist kaya nagtilian yung mga fans niya sa likod. Kumindat pa ang loko. Nako. Ang landi. Kainis! Si Drox ang vocalist, mabait naman pero sadyang malandi lang talaga. Yung iba niyang kasama ay 50-50 lang ang kalandian pero malala ang isang 'to. Tinalo ang higad sa pagkakati. Kilala ko sila kasi nga, lagi kaming andito noong may pasok pa at madalas sila ang naabutan naming tumutugtog. .....At madalas niya din akong mapag-tripan kaya yumuko ako para hindi niya ako makita. Ako nanaman ay paakyatin ng mokong na yan, kung sana ay may hati ako sa bayad nila, okay lang! Feeling naman niya, ang ganda ng boses ko para kumanta doon sa stage. Ang sarap niya lang batukan paminsan-minsan. Hindi kasing ganda ng boses ni Besty ang boses ko. Yung akin, mapagtsatsagaan na ng mga lasing pero kapag nasa katinuan ka pa, mawalang galang na pero lumayas ka na, please lang! "Parang wala yata siya dito? Hmmm." Nagpatuloy siya sa paglinga, ""Parang ang tagal na yata nilang hindi tumatambay? Nami-miss ko na." Napairap ako habang nakayuko. Grabe sa kakatihan 'to pero kinikilig ako. Iba kasi ang arrive ni Drox lalo na pag kumakanta. Crush ko nga.... pero pag kumakanta lang. Hayyy, buhay single. Ang daming crush. Mga..... hindi kasya sa mga daliri ko sa kamay at paa. Maganda ang pangangatawan ni Drox. Matangkad na mga nasa 6' ang taas at medyo maputi ang kulay. Malalim ang kaniyang  mga mata kaya ang daming nalulunod sa kanya. Isama pa ang dimples kapag ngumingiti at ang napaka-lamig niyang boses kapag kumakanta. Ang amo ng itsura! Madami talaga siyang maloloko lalo na pag ngumiti. Mahuhulog at mahuhulog ka nalang kung hindi ka marunong bumangon at tumakbo palayo. Akala mo prince charming o knight in shining armor, garapal lang pala. "Hoy Drox!" Sigaw nitong si Eloisa na lasing na, "Hoy!" Pinagpapalo at pinagkukurot ko siya sa kanyang braso pero hindi niya ito iniinda at patuloy padin sa pagtawag kay Drox. "Oh, andito pala kayo eh." Tumawa ang mokong, "Asan si miss beautiful na laging may dalaw?" "Gwapo nga, bulag naman." Bulong ni Fifi "Tanga, eto, nasa tabi ko!" Tinabig ni Loisa yung kamay kong namamalo sa kanya, "Ano? Aray! Wag ka nga mangurot at kumanta ka na dun. Dalian mo, pambayad yan sa bill." Pakiramdam ko ay binibenta ako ng mga sarili kong kaibigan sa pagtulak nila sakin papuntang backstage. Lintek na mga bruha yan! Akala ba nila ay may bayad 'to?! Nag-effort na nga ako, wala pa din akong makukuhang kapalit. Oooooh, hugot! "Kairita talaga!" Padabog kong sinabi Nakangising Drox ang bumungad sakin sa backstage, kasama ang kanyang banda na nakatingin lang samin habang nagsisi-inuman ng bottled water. "Hi miss beautiful na laging may dalaw!" Inakbayan niya ako, agad ko itong inalis. "Leche! Lagi nalang ako ang pinapakanta mo, ang dami namang iba diyan, bakit ako pa?" "Kasi ikaw lagi ang hinahanap-hanap ko. Kung hindi ikaw, mas mabuti nang wala nalang." Paos niyang sinabi at seryoso akong tinignan Narinig ko ang sipol nung isa nilang kasama sa banda, pati ang mahihinang tawanan. Napalunok nalang ako ng maingay. Uminit ang aking pisnge sa di malamang dahilan. "Ang landi landi mo talaga." Tinulak ko siya palayo sakin "Eto naman! Ang sungit talaga. Nagpapa-pansin na nga sayo eh, hindi mo pa pinapansin. Kelan mo ba ako papansinin?" Napatingin ako sa kanya, "Magseseryoso ako sayo, promise!" "Heh! Tigilan mo nga ako, Drox! Alis diyan!" Nagtawanan yung mga kasama niya at napuno ng asaran ang backstage. Ngumuso ang mokong sa harapan ko na mukhang nagpapa-cute. Sinipa ko nga sa binti. "Aray naman!" Umirap ako at nagpatuloy na sa stage. Kinuha ko ang acoustic guitar na naka-tabi doon sa electric guitar na gamit nung isang kabanda ni Drox. "Ano? Wala nang introduction! Hindi naman ako bayad. Naririnig ba ako ng manager ng bar na'to? Di ako bayad!" Sinigaw ko pa Nagtawanan yung costumers pati nadin sila Alex at pati yung dalawang bruha na nakatapat pa ang mga cellphone sakin para ma-videohan ang katangahan na gagawin ko nanaman. "Hehehe, manager, libre nalang sa bill para pampalubag loob dun sa lintek na vocalist niyo, ha?" Sinulyapan ko yung mga fans ni Drox sa likod. As usual, masama nanaman ang tingin nila sakin. Lagi naman. Ayaw kasi nilang tanggapin na LINTEK YUNG IDOL NILA!!! "Go miss beautiful na laging may dalaw!" Sigaw ni Drox na nakaupo dun sa table namin, may hawak pang cartolina na nakasulat ang pangalan ko. Nangaasar ba 'to o ano? Ipalo ko kaya sa kanya 'tong guitara. Kakabanas eh! At dahil pinagtulakan ako ni Loisa dito, ang kakantahin ko ay para sa broken hearted na tulad niya nang lalo siyang ma-broken. Ganun ko siya kamahal. Sinimulan ko nang i-strum ang guitara na hawak ko, may ilang nagpalakpakan, yung ilan naman ay nakatingin lang sakin. Nung una ay medyo nahihiya pa ako sa ganito pero nung nasarapan si Drox na ako lagi ang paakyatin, nasanay na ako. "Scrolling through my cellphone for the 20th time today. Reading that text you sent me again though I memorized it anyway." Sinulyapan ko agad si Eloisa na lalong tinakpan ang kanyang mukha ng cellphone pero halata naman na umiiyak. Parang tanga talaga, yun lang ang masasabi ko. Ang tanga. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan iyakan ang mga taong wala namang ginawa kundi saktan ka. Bakit patuloy mo padin minamahal kung lagi ka namang sinasaktan? Tinignan ko si Drox na nakangiting nakatingin sakin at nang magtama ang mga mata namin ay lalong lumaki ang ngiti at kumindat pa. Umirap nalang ako. "Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone but I'm lying on my bed, thinking of you again and the moon shines so bright, but I gotta dry these tears tonight 'cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer." Kaya kapag ako ang nagmahal, sisiguraduhin kong mahal niya din ako para kung sakaling may sakitang maganap, alam kong hindi yun magiging ganoon kasakit. Or pwede ding hindi na ako magmahal? Kasi hindi ako ready na masaktan ng taong mahal ko. Ni hindi ko maimagine na iiyak ako nang dahil mahal ko yung taong yun. "As the sky outside gets brighter and my eyes begin to tire. I'm slowly drowning in memories of him." Maybe, the hardest part of losing someone, isn't having to say goodbye but rather learning to live without them. Always trying to fill the void, the emptiness that's left inside your heart when they go. The memories, good or bad, it'll always be kept. Yun ang nagpapahirap sa mga taong pinili na ang puso nila ang magdesisyon para sa kanila. Ay ang drama na nito! Kainis! Ayoko na, parang ako tuloy ang na-heart broken! Pagkabalik ko sa table ay agad ako sinalubong ni Drox ng mapaglarong ngiti at akmang aakbay nanaman sakin. Nakaka-immune talaga ang malalanding lalaki. Sino ba namang hindi mai-immune? Landiin ka ba naman ng isang Rain Ashton Dela Vega dati? Pero buti nalang at tumino na siya kay Besty. "Umalis ka dito! Kumanta ka na dun. Kainis!" "Ang sungit naman nito." Kumamot siya sa batok niya "Ang landi mo kasi." "Pano pag di na ako lalandi? Pano kapag ikaw nalang ang lalandin ko? Di mo na ba ako susungitan." Irita akong tumingin sa kanya, "Susungitan padin. Shoo na kasi! Doon ka na! Alis na, Drox!" "Ayie! Kilig naman ako dun. Tinawag mo yung pangalan ko." Nangaasar niyang tono Pag hindi ako nakapag-pigil, mumurahin ko na'to! "Isa, Drox. Sabing alis na!" Tumawa siya, "Oo na po, miss beautiful na laging may dalaw. Aalis na po." Ilang mura na ang pinaulan ko sa kanya sa isip ko. Ilang saksak na din ang ginawa ko. Gusto ko siyang chopchop-in sa irita ko! Ang dami daming babae. Ang dami dami niyang fans tapos ako ang pinagtri-tripan dito eh nanahimik nga ako. "Ma'am, may nagpapabigay po." May lumapit na waiter na may dalang margarita "Sakin?" Tanong ko "Opo." Tinignan ko iyon at kinuha nang mapansin kong may papel sa tabi nito. Sinulyapan ko yung waiter na nagkibit balikat lang. Magkano ang binayad dito at bakit ayaw niyang sabihin kung sino ang napapabigay?! Suki kaya ako dito sa bar nila! Can I get your number? Napataas ang aking kilay at luminga sa paligid. Kanino kaya galing 'to? Tumingin ako sa likod at nakita ko yung tatlong lalaki na nakatingin sa gawi ko. Sila kaya? Maybe, not. Masyado sila mukhang masusungit at gwapo para manghingi ng number. "Paki sabi, hindi ako namimigay ng number."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD