‘The Secret’ “Aray!” Napahawak kaagad si Xie sa braso niya nung hinampas siya ni Xia. “Alam mo bang may detention ako mamaya dahil sa ‘yo?!” Inis na tanong ni Xia sa kanya. Ngumiti lang si Xie sa kanya kaya napairap nalang si Xia. “Sorry na! Na-excite lang naman ako kasi King card ‘yung nakuha ko,” sabi ni Xie at pinakita kaagad ang King card na nasa kamay niya at kasabay nun ay ang kulay gray niyang singsing. Tiningnan lang siya ni Xia. “Tsk! Oh, sige na! Palalagpasin ko ‘to. Bumalik ka na sa room mo. Kakain nalang ako.” Sabi ni Xia at ngumiti naman si Xie at inilabas ang cellphone niya. Kinuha niya naman ang kamay ni Xia na may singsing nito mula sa Section Black tsaka itinapat ni Xie ‘yung kamay niya kay Xia, pairing their gray and black rings. “Black and gray. Awesome.

