‘Crazy Twin Brother’ Xia woke up in a very good mood. Hindi niya rin alam kung bakit good mood siya. Nasa harap na siya ng mesa sa kusina nila habang umiinom ng tubig. Sina Tetsu at Tetsuya naman ay naglalaro ng chess. Xia didn’t feel like going to school today. “What’s for breakfast?” Tanong ni Xie kaya lumingon agad si Xia sa kanya at muntik na niyang mabuga ang iniinom niya nung makita niyang naka-uniform na si Xie. “Ano ‘yang suot mo?!” Gulat na tanong ni Xia kaya napalingon narin sina Tetsu sa kanya. Lumabas narin ang Tita Debbi nila at tiningnan sina Xia at Xie. “Uniform. Isn’t it obvious?” Tanong ni Xie sa kanya. “It’s a perfect fit, Xie. Kumain ka na.” Nakangiting sabi ng Tita Debbi nila at umupo na sa harap ni Xia si Xie at tsaka na kumain ng chicken burger. Naka

