‘Bracelet’ “Wag na po, Teacher Deb. I’ll go home.” Kunot-noong tiningnan ni Xia sa Art na agad na nagbago ang mood mula nung makita niya si Xie. Kanina ay nakangiti pa ito at ngayon ay parang galit na naman. Nung nakaalis na si Art ay tiningnan naman ni Xia si Xie na iba ang tingin sa kanya. “Oh? Anong tingin ‘yan?” Tanong ni Xia. “Why are you with him?” Mariing tanong ni Xie sa kanya. “Hinatid niya ako, malamang. Hindi mo ako sinundo. Sinungaling ka rin ano?” Tanong ni Xia sa kanya at pumasok na pero napansin niyang sinasabunutan na ni Xie ang sarili niya. “Hoy! Anong ginagawa mo?! Nababaliw ka narin ba?” Tanong ni Xia sa kanya. “Alam mo! Ang hirap kapag wala kang alam! Tsk! Pinapahamak mo sarili mo! Tita Debbi! I-enroll mo nga ako sa Card High! Kailangan ng tagabantay ‘

