Chapter 2

1398 Words
‘Kazu’   “I can’t believe you, Xia!” Napairap lang si Xia dahil sa narinig niya mula sa Mama niya. Pumasok nalang siya sa kwarto niya at tinapon sa couch ang bag niya. Kakauwi lang ni Xia galing sa school at pumasok kaagad siya sa gate ng bahay nila at kumunot pa ang noo niya dahil nakabukas ito. Naglakad na siya papunta sa pinto at nabigla rin siya nung bukas rin ito kaya hinawi na niya ang pinto at agad na nalaglag ang panga niya dahil sa nakita niya.   “Hey, a*s wipe!” Aniya at hinila ‘yung lalaking humahalik sa Mama niya at sinipa ito at tsaka kinaladkad palabas ng bahay nila ‘yung lalaki at sinara ang pinto. “Who the f-ck was that, Ma?!” Tanong niya sa Mama niya na inaayos ang sarili nito sa sofa.   “K-Ka-klase ko nung highschoo—”   “Bullshit! May classmate bang hinahalikan, Ma?! Simula nung nawala si Papa, you became a—” Napapikit agad si Xia dahil sa sampal na binigay ng Mama niya sa kanya. She could feel the sting on her cheeks. “Enough Xia! Wala kang gal—”   “Whatever,” aniya sabay talikod sa Mama niya at hinawakan ang pisngi niya.   Ginulo nalang ni Xia ang buhok niya dahil sa inis at umupo sa sofa pero nakita niyang nagriring ang cellphone niya. Tiningnan niya lang ‘yung caller. It was Kazu. Humiga siya sa kama bago sinagot ‘yung tawag.  “What?”   “Xia! I need your help!” Napabalikwas kaagad ng bangon si Xia mula sa kama niya dahil sa pagsigaw ni Kazu mula sa kabilang linya. “Bakit?” Tanong niya habang nagrerecover pa ang tenga niya dahil sa pagsigaw ni Kazu.   “Anong bakit?! Come to my house! Now!” Napapikit nalang si Xia at tinapon nalang ‘yung cellphone niya sa unan. Umaandar na naman ‘tong pagkabakla ni Kazu. Isip niya at sinuot nalang ang sneaker niya tsaka kinuha na ang jacket niya pero nagriring na naman ang cellphone niya. Napairap na naman siya sabay kuha ng cellphone.   “Ano ba, Kazu? Papunta na ako diyan!” Aniya.   “Anong Kazu? Hey, Ms. Chiso. We have a training schedule tonight. Baka naman nakalimutan mong may national tournament kang sasalihan?” Napapikit nalang si Xia nung marinig niya ang boses ng trainer nila. Xia was a member of the national taekwondo team. “Sir, nandiyan na ba ‘yung ibang black belts?” Tanong niya habang inaayos ang sneakers niya.   “Oo. Ikaw nalang ang kulang!” Sagot nito.   “Ahh. Sir, magse-self training nalang po ako. I have to go somewhere now,” aniya and for the last time, tinapon niya ang cellphone niya sa unan at lumabas na sa kwarto. Bumaba na si Xia at naabutan niya ang Mama niya na umiinom ng wine sa sofa. Lumingon naman ito kay Xia habang nakatingin rin si Xia sa kanya.   “‘San ka pupunta?” Tanong nito.   “I’m going to make out with a stranger, Ma. Ano? Sama ka?” She asked with a tone of sarcasm. Her Mom just shrugged her shoulders and looked away. Xia just clenched her jaw. Even if she told her things like this, her Mom never reacts like the way other mothers do. Wala na siyang nagawa kundi ang lumabas na ng bahay at tsaka naghintay ng taxi. ✥✥ “Gago ka ba?!” Inis na tanong ni Xia kay Kazu na nakangiti lang sa kanya. Pinapunta lang pala siya ni Kazu sa bahay nila para lang may kasama siyang maglaro ng XBOX. Ginulo nalang ni Xia ang buhok niya dahil sa inis at lumingon sa labas ng bintana niya at napansin niya umuulan na pala. “Uwi na ako,” aniya.   “T-Teka lang!” Pigil ni Kazu sa kanya at napasinghap si Xia nang bigla nalang hawakan ni Kazu ang kamay niya. “Oh, ano?” Agad na tanong ni Xia sa kanya.   “I know you’ll be back in about two minutes,” sabi ni Kazu habang nakatingin sa relo niya kaya kumunot lang ang noo ni Xia.   “As if,” aniya at lumabas na siya sa bahay ni Kazu at naglakad-lakad muna sa pathway. Wala pa kasing dumaan na taxi at nakatingin lang siya sa cellphone niya habang naglalakad siya pero napatalon kaagad siya dahil sa narinig niya. She heard the thunder.   Meanwhile, Kazu was standing in front of his door. “Three, two.. one.” Umangat ang gilid ng labi niya nug marinig niya ang mahinang pagkatok ni Xia sa pinto. Agad naman niya itong binuksan at nakita niya si Xia na basang-basa na habang nakaupo sa doormat.   “I told you you’d be back in two minutes.” Aniya kaya tumingin si Xia sa kanya at tinapunan siya ng masamang tingin. Alam kasi ni Kazu na uulan and he also knew that Xia’s Mom won’t comfort her at home. Knowing how Xia had a fear of hearing the thunders.   “Alam mong mangyayari ‘to an—Ahh!” Isang napakalakas ng kulog ang tumakot sa isang King card holder ng Card High. Tumakbo agad si Xia papunta kay Kazu at niyakap ito sabay tago sa loob ng jacket niya. Mahina nalang natawa si Kazy dahil dito. I find it cute when she does that. Isip niya.   “Let’s go upstairs,” sabi ni Kazu at niyakap narin si Xia habang sinusubsub pa ni Xia ‘yung mukha niya sa loob ng jacket I Kazu. Agad na namula ang pisngi ni Kazu dahil pati pala undershirt niya ay nahila rin ni Xia and now Xia was facing the bare muscles of his stomach.   “O-Okay. Sit down,” sabi niya kay Xia at umupo naman ito sa kama ni Kazu pero bigla na namang kumulog kaya kinuha agad ni Kazu ‘yung bass headphones niya at nilagay sa tenga ni Xia. Kinarga niya narin si Xia papasok sa sa music room at tsaka na niya tinanggal ang head phone sa tenga niya. Because this room was soundproofed and it dulled the thunder’s sound.   “Better?” Tanong ni Kazu pero inirapan lang siya ni Xia. Natawa nalang si Kazu dahil dito.   “What will I do without you?” Tanong ni Xia at niyakap ang mga tuhod niya. Yeah right, Xia. You kept on saying that without feelings. Isip ni Kazu at bumuntong-hininga nalang at kinuha na ang guitar niya at tsaka nag-strum na nito habang nakatingin lang siya kay Xia.   “You want me to play, huh?” Tanong ni Xia at tumango naman si Kazu. “Too lazy to play, Kazu.” Agad nitong sabi at tiningnan si Kazu.   Kazu Fortanel, Xia’s best friend for who knows how long. Kazu had a manly physique. He’s tall and almost every girl in Card High liked him not only because of his attractive height but also that he had captivating features. His nose and lips that are perfectly shaped. Girls would swoon over him if he smiles and especially if he smirks. He had incredible eyebrows and lashes that are most girls’ ideal type. A low but attractive voice and he can play the guitar, which was a big check to girls’ ideal list.   “Hey! I just helped you. Might not be a bad idea to play with me.” Reklamo ni Kazu kaya napairap nalang si Xia. “Fine,” aniya at umwesto na siya sa harap ng piano and played along with Kazu. They were playing their favorite song. Just So You Know by Jessie McCartney. Xia started singing, which was the best thing Kazu could hear.   “Just so you know this feeling’s taking control of me. But I can’t help it. I won’t sit around. I can’t let ‘em win now.” Sumasabay na rin si Kazu sa pagkanta ni Xia habang nakatingin lang siya dito. Kazu can clearly see Xia flinching a little bit because the thunder was still audible inside the music room. Bakit ba aksi bumabagyo ngayon? Isip ni Kazu.   “Kazu.” Kazu was way out of his thoughts thinking about it was better that it rained because he got to play with Xia. Hindi narin niya narinig ang pagtawag nito sa kanya.   “Kazu!” Nawala na ang mga iniisip ni Kazu at tsaka siya tumingin kay Xia na nakaturo sa bulsa niya. Agad niya naman itong tiningnan at nakita niyang may tumatawag dito pero agad siyang natigilan dahil sa nakita niyang caller. Napansin naman ni Xia na natigilan si Kazu habang nakatingin ito sa cellphone niya. Hindi nalang niya ito pinansin at humarap ulit sa piano nung lumabas na si Kazu. Paglabas nito ay tumingin lang si Xia sa pinto at tsaka ngumiti, silently thanking Kazu for comforting her.   Bumalik nalang si Xia sa pagpapatugtog ng piano nang bigla nalang bumukas ang pinto kaya tiningnan na niya si Kazu. “X-Xia. I-Ihahatid na kita pauwi.” Kumunot kaagad ang noo niya dahil dito.   “The rain stopped. It’s okay to go home now,” sabi ni Kazu at hinila na si Xia palabas ng music room at kinaladkad pa ito pababa kaya naguguluhan na si Xia dahil sa inaasta nito. Para itong nagmamadali o ano. “T-Teka lang, Kazu! Ano b—”   “Oh, Kazu? Aalis ka?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD