Chapter 3

1076 Words
‘The Transferees’ XIA   “Sinabi ko naman sa ‘yo diba? ‘Wag ka na kasing bibisita ng ganitong oras. Alis!” Kumunot agad ang noo ko dahil sa sinabi ni Kazu at tinulak niya pa ako palabas ng bahay niya and mouthed ‘Sorry’ bago niya tuluyang sinara ang pinto. Huh? Ano bang problema nun?!? Itutulak lang ako palabas ng bahay niya kahit wala pa akong sapatos?! Walangya talaga ‘yun! Sino naman ‘yung tumawag sa kanya? Baka naman kaibigan niya. Ewan ko dun.   “Asar!” Naglalakad na ako ngayon sa daan. Nakapaa pa ako. Tch! Bakit niya naman kasi ako tinulak palabas kahit naas loob ba ang sapatos ko at parang nagmamadali pa siya? At bakit ba kasi walang taxi na dumadaan?! Maglalakad ba ako pauwi nito? May biglang bumusina sa likuran ko kaya tumingin na ako dito. Sino naman ‘to?   “Want a ride?” Sabi niya nung hininto niya ang Bugatti niya sa harap ko. Sinuri ko muna ‘yung ride niya at tsaka siya tinaasan ng kilay. “No thanks.” Walang gana kong sagot.   “C’mon! 9 PM na oh. I won’t be a stranger I swear,” aniya. Bakit ba ang kulit nito? Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mata. He’s attractive but I don’t care. “I said no thanks.” Giit ko.   “Okay. Suit yourself,” aniya at pinaharurut na niya ang Bugatti niya kaya tumingin naman ako sa paligid. This is a subdivision anyway. I won’t get into big trouble. Hay, bakit ko ba kasi iniwan ang cellphone ko sa bahay? ✥✥ “Xia. Bakit ngayon ka lang?” Salubong sa akin ni Mama sa pinto. Napansin niyang nakapaa lang ako kaya hindi ko nalang siya pinansin at nilagpasan lang siya. Bakit ba namamanhid ‘tong hita ko? This doesn’t normally happen.   “Xia, mawawala ako for a month kasi may gagawin ako sa Singapore.” Nasa pang-apat na step palang ako sa hagdanan ay tumigil muna ako at tiningnan si Mama. Singapore?   “Maglalandi ka dun, Ma?” Tanong ko habang nakangiti pa sa kanya. Tiningnan niya lang ako bago umalis at pumunta sa kusina. Tch! This is really getting out of hand. Pumasok nalang ako sa kwarto ko at kinuha kaagad ang cellphone ko at nagscroll down nalang sa sns accounts ko.   ‘BTS has a new comeback’ ‘Moorim School Ep. 15 is now released’ The Return of Superman Ep 110 is now released’   Feeds. Feeds. Feeds. Scroll. Scroll.   ‘Omg! Andito na sila?’ ‘Yah! Fresh from China!’ ‘omg! Omg! Anong school papasukan nila?’ ‘I think it’s Card High’ I was about to turn my phone off nang mabasa ko ang last two words. Card High? Sinong mag-aaral sa Card High? And why am I interested again? Because there’s a high chance that one of the sections might change their games again dahil sa mga transferees. Tiningnan ko pa ‘yung ibang comment.   ‘Mag-aaral na talaga ako palagi!’ ‘Card High!’ ‘Transfer tayo?’   Mahina akong natawa dahil sa nabasa ko. Magta-transfer kayo sa Card High? You don’t even know what kind of school it is. Tss. Naiinip talaga ako tuwing may bagong 4th year high school student na magtatransfer sa Card High. Kapag kasi may transferee sa isang section.   The Card Game will reset.   Paano kung may ibang makakuha ng King Card maliban sa akin? Tsk. Damnit. I don’t want that to happen. Tinapon ko ang cellphone ko sa salamin ko. Why am I always stressed out?! This is just a freakin’ game anyway! Tsk! Naalala ko na naman ‘yung ginawa ng Kazu na ‘yun. Malalagot talaga ‘yun sakin bukas!   ✥✥ Parang may kakaiba sa school ah. Kakarating ko palang kasi sa school at napansin kong may mga babaeng naka-upo sa lahat ng bench dito sa gate at sa hallway. May mga dalang camera at mga banner pero tahimik lang sila. What the hell is going on?   “Andyan na sila!” “Kyaah!” “Omg! ‘Yung camera!”   What was that all about? Tumayo nalang ako sa gilid ng hallway para hindi ako mabangga ng isa sa kanila. Para silang mga daga na pinalabas sa hide-out. Kung makasugod sa gate wagas. Inayos ko nalang ang bag pack ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad. I heard some tire screeches at mga sigawan tsaka flash ng camera.   Bakit ang ingay na naman ng school? Wala bang ginagawa ‘yung mga King card holder ng sections nila? They should teach their lower cards to be quiet. Ilang beses na silang pinagsabihin nun. At dahil para akong tangang kinakausap ang sarili ko, hindi ko man lang napansin na nawala na pala ‘yung hiyawan nila at napalitan ng bulung-bulungan. Isa akong curious na tao kaya lumingon ako sa likuran ko.   “Siya nga.” Kumunot lang ang noo ko at tiningnan ko ang mga lalaking nakatingin sa akin. Ang tatangkad nila. Wah, I envy their height. I mean, I’m not short, just average. Akin nalang kaya ‘tong height nila para kapag may taekwondo tournament ako eh madali lang akong makakahead shot kasi matangkad ako. Okay, I’m thinking too much again.   “Is it her? Siya ‘yung nakita mo kagabi?” Tanong nung kumakain ng lollipop.   “Baka naman nanananiginip ka lang,” sambit nung isa na kakatanggal lang ng mata niya sa libro niya. Tiningnan ko naman ‘yung isa sa kanila na nakaheadset. Seriously? Fictional characters ba ‘tong apat na ‘to? Kasi parang may isang childish, bookworm, isang zone-out at isang chic boy. Ugh! Hindi na ‘to nakakatulong sa utak ko.   “Ikaw ‘yung nakita ko sa street kagabi diba? Ms.. Nakapaa?” Nakapaa? Ano bang nilapa nito at parang ang sarap niyang sapakin? Hindi naman ako nakapa—wait.. kagabi?   “Want a ride?” “C’mon! 9 PM na oh. I won’t be a stranger I swear.” “Okay. Suit yourself.” Oh, siya pala ‘yun? Nagkibit-balikat lang ako at tumalikod na. Kapag nakita ko talaga ‘yung Kazu na ‘yun, lagot sa akin ‘yun.   Dumiretso agad ako sa classroom at sinadya kong buksan ng malakas ang pinto at pumasok kaagad sa loob. May ibang natakot sa akin pero napansin ko ‘yung iba na nakangiting nakakaloko. Naningkit lang ang mga mata ko at tiningnan sila. Nagawa niya pang ngumiti kahit nandito na ako?   “Why are you smiling?” Inaantok kong tanong at tinuro ko siya kaya tumayo naman siya kaagad.   “I’m sorry, Xia. I will not do it again,” aniya at inirapan ko nalang siya at umupo sa upuan ko. I’m not in the mood again. I just felt like something bad is going to happen. I’ve been anxious ever since this morning. Agad naman akong tumingin sa pinto nung bumukas na naman ito at nakita ko si Kazu pero nakita ko rin ‘yung apat na aso kanina sa hallway at isang lalaking inaakbayan ni Kazu.   “Welcome to Black Section. Card High is very pleased to have you,” sabi nung teacher namin kaya ewan ko rin at anong masamang espiritu ang sumapi sa akin na nagawa kong umupo ng maayos. Ano bang nangyayari sa ‘yo Xia?!   “Black Section. Please welcome, the transferees.” s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD