CHAPTER 06

1185 Words

LUMIPAS pa ang isang araw at nanatili ang magkapatid na Twinkle at Jesselle sa islang iyon. Gustuhin man ni Assandra na tulungan ang dalawa para makatakas ay natatakot naman siya kay Luis. Ang maganda nito ay tinanggalan na ni Luis ng busal ang dalawa dahil kahit ano naman daw ang gawing pagsigaw ng mga iyon ay walang ibang makakarinig dito. Bigla tuloy siyang nagkaroon ng alinlangan kay Luis simula nang magawa nitong pumatay ng tao. Nang umagang iyon ay nasa kakahuyan si Luis. Nasa labas naman siya ng kubo, nakaupo sa lupa at nakamasid sa malawak na dagat. Minsan ay iniisip niya kung ano nga ba ang meron sa labas ng isla? Ngunit hanggang doon na nga lang talaga siya hanggang sa bawian siya ng buhay. Nasa ganoong pag-iisip siya nang makakita siya ng isang babae na naglalakad sa dalampasi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD