HABOL ni Assandra ang kanyang hininga nang umahon na siya mula sa pagkakasisid sa tubig. Pagtaas niya ng kamay na may hawak na sibat ay merong isang isda na tama lamang ang laki ang nasa dulo niyon. Pumapalag pa iyon noong una pero tumigil din nang mawalan na ng buhay. Kaylapad ng nakapaskil na ngiti sa kanyang labi na akala mo ay isang ginto ang kanyang nakuha. Lumangoy siya sa pampang at inilagay ang nahuling isda sa isang lumang basket. Meron na siyang apat na isda. Masaya na siya dahil meron na silang pang-ulam ng asawa niyang si Luis. Bago siya bumalik sa kanilang kubo ay naupo muna siya sa buhangin upang magpahinga. Sadyang nakakapagod din kasi ang pagsisid at paghuli ng isda gamit lamang ang sibat na yari sa kawayan. Pinagmasdan niya ang malawak at asul na dagat. Pinuno niya ang ka

