IF IT'S ALL I EVER DO CHAPTER 18 Tumingin siya sa akin. Bigla na lang siyang yumakap sa akin at sa balikat ko na siya humagulgol. Hindi na namin kailangan pang magsalita. Sapat na ang pag-uusap ng t***k ng aming puso. Alam kong sa pagkakalapat ng aming mga dibdib ay kailangan na naming tapusin ang aming mga paghihirap. Nag-vibrate ang hawak kong iphone. Habang yakap ko siya ay di ko napigilang basahin ang message. Si Lexi ang nag-text. "We need to talk. Meet me tonight. Marami tayong pag-uusapan. It's time for you to know the truth, ngayong kaya ko pang sabihin sa'yo ang lahat." Kinabahan ako. Ngunit mas mahalaga sa akin si Jino. Mas gusto kong ayusin ang gusot naming dalawa dahil sa totoo lang dito ako mas apekatdo. Hindi na ako nakakatulog ng maayos sa gabi at unti-unti na naman a

