CHAPTER 17 "Ano ha? Lahat ay ginagawa ko para sa'yo. Para sa inyo ni Lexi. Kahit masakit sa akin tinitiis ko. Ginagawa ko ang sa tingin ko ay tama para sa ikaliligaya ninyo ngunit huwag mo naman akong pagtripan pa ng ganito! Hindi ko alam kung ano ang intensiyon mo pero Boy, hindi ako natutuwa. Kaya siguro tama sina Papa, kailangan na sigurong iwasan na lang din kita. Salamat Boy ha! Salamat sa pagsira mo ng tiwala ko sa'yo." Tumalikod na siya. Humakbang na siya palayo sa akin. Mabilis akong tumayo. Hinila ko ang balikat niya saka ko siya niyakap. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita o tumanggi. Sa isang iglap ay naglapat ang aming mga labi. Iyon ang gusto kong gawin noon pa. Iyon ang halik na matagal kong pinigilan noong unang araw na pinuntahan ko sa bahay nila. Kalakip

