CHAPTER 16 Tumulo ang luha ko sa pisngi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Huwag! Huwag si Jino Diyos ko! Hindi ko kaya! Hindi ko alam kung paano ko patatawarin ang aking sarili kong ikamamatay niya ito. Hindi!!!!!" Hanggang sa tuluyang kong isinigaw ang kaniyang pangalan. Paulit-ulit sa gitna ng aking hagulgol at paghikbi. Niyakap ko siya ng buong higpit. Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin. Hindi ngayon, hindi sa ganitong pagkakataon. "Brod, sandali lang, lalo mo siyang pinahihirapan sa ginagawa mong ganyan. Pahigain mo lang siya. I am a medical student and I know exactly what to do, kaya trust me on this okey?" pakiusap ng isang maputing lalaki na halos kaedad lang ni Master. Dahan-dahan ko siyang pinahiga at pinatagilid niya ang ulo ni Jino. Kumuha siya ng sofa pillow na pina

