Habang sini-swing papunta sa iba't ibang direksyon ang tulle fabric ng cocktail dress na suot ko ay panay rin ang talon ko. Paminsan-minsan ay mayroon akong nakukuhang utos kung paano ba dapat ako pu-pose mula sa photographer na kumukuha ng picture ngunit mas madalas na ang shutter sound lamang ng camera niya ang naririnig ko.
"Last thirty seconds and its a wrap," sigaw ng photographer.
I made my eyes fiercer than they already are. Kung saan-saan ko lamang tinapon ang aking kamay. It feels weird doing all of these poses before but now, I am used to it. Naging memory na nga siya ng aking muscle.
"Woah. Woah. Woah. Its getting hot in here. Last shot and yup. This is a f*****g wrap, baby!" sigaw ng photographer.
Umayos ako nang tayo. Mula sa aking puwestonay isa-isa kong nginitian at tinanguan ang mga tao sa set para sa naging ambag nila sa shoot na ito.
Manuel, the photographer pour all of his attention on his camera, checking all of his shot before he walk towards me.
"Great job, Gabbana. You never disappoint," papuri nito sa akin. I smiled shyly. Gone was the fierce woman earlier that is conquering his camera.
"Kanino pa ba kasi magmamana yan?" si Mama. Hindi ito ang unang beses na nagkita at nagkasama sa isang set si Mama at si Manuel. Ilang beses na pero sa tuwing nag-uusap silang dalawa. Halata pa rin na awkward ang relasyon nila.
Its clear as water na hindi ganoon ka-fond si Mama kay Manuel. Hindi rin naman talaga gusto ni Mama ang presensya ni Manuel kaya nga hindi ko ma-gets kung bakit pilit pang nakikipagplastic-an si Mama kay Manuel samantalang puwede niya naman nang baliwalain ito.
"I can't say na sa iyo siya nagmana, Mrs. Roman. Hindi ko pa naman kasi nakikita kung paano ka bilang isang modelo." Manuel pause a bit to c***k a smile on his nude-ish lips.
"I'll get back on my photos. Excuse me," anas ni Manuel.
Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko ang muli na namang pag-irap ni Mama sa ere.
Kapag nasa van na kami nito or sure na sure na siya na kaming dalawa na lang talaga at wala nang iba pang makakarinig nang sasabihin niya. Parang bulkan na sasabog ang hindi magagandang comment na ibibigay niya laban kay Manuel.
"Hindi ka pa nasanay," pasaring ko rito.
""I can't say na sa iyo siya nagmana, Mrs. Roman. Hindi ko pa naman kasi nakikita kung paano ka bilang isang modelo." Inulit ni Mama ang mga sinabi ni Manuel. Word by word at sa tama nilang ayos.
Hirap kumabisa si Mama unless zeros sa pay check pati na rin mga salita laban sa kaniya ang pinag-uusapan.
"Did he just insult me? How dare him? Kung basagin ko kaya iyong camera niya para mawalan siya ng trabaho?"
"Ma, hindi lang iyong camera niya ang dahilan kung bakit siya may trabaho. Its because he has skills. Kahit pucho-pucho pa ang camera na hawak niya. Sigurado ako na maganda pa rin ang resulta ng trabaho niya.
Marahas na umiling sa akin si Mama. Hindi ko alam kung ano ba iyong niri-reject niya. Iyong sinabi ko na may skills talaga si Manuel sa ginagawa niya o iyong pang-iinsulto sa kaniya na kanina pa nagawa sadyang hindi pa nga lang nagsi-sink in sa kaniya na nagawa nga sa kaniya ang bagay na iyon.
"Skills. Skills. Kahit na anong klaseng skills pa ang mayroon siya. Wala siyang karapatan na gawin sa akin iyong ginawa niya sa akin." Madramang hinawakan ni Mama ang kaniyang dibdib.
Hindi ko mawari kung talaga bang dinaramdam niya pa rin yung mga sinabi sa kaniya o mayroon nang kasamang pag-iinarte, "Gabbana, I gave birth to you, to the brightest star in the industry. That made me unbeatable. Wala ng ibang babae sa mundong ito ang kayang magsilang ng isang napaka-ganda at talentadong tao. Ako lang ang nakagawa non," she continued to rant.
Kulang ang five minutes pars maubos at matapos ni Mama ang mga salita na gusto niyang sabihin laban kay Sir Manuel.
Kinuha ko na lang ang cotton pad at make-up remover. I did a high-fashion photoshoot which means, ibang klase at mas dramatic kesa sa usual na glam make-up na suot ko ang nasa aking mukha.
I have to remove them.
Nang maisuot ko na ulit ang aking wrist watch ay na-realize ko agad kung anong oras na ba.
Huli na ako sa fan meeting ng DNI na gusto kong puntahan.
Nang malinis ko na ang aking mukha mula sa make-up. Tinali ko lang ang aking buhok. Kumuha ng shades na sa sobrang laki ay halos sinakop na nito ang aking mukha.
"Saan ka pupunta?" Hinawakan ni Mama ang kamay ko. Nagkasalubong kasi kaming dalawa paglabas ko ng dressing room.
"Somewhere. I'm going to see some friends. One hour lang. Magkita na lang tayo sa bahay." Humalik ako sa pisnge ni Mama at nagmamadali nang umalis.
"Friends? What do you mean friends? You don't have friends, Gabbana. Saan ba talaga ang punta mo?" Hindi ko na lang pinansin pa ang mga tanong na iyon ni Mama at nagdire-diretso na lang ako sa pag-alis ng studio.
Nang marating ko ang event's hall kung saan hinost iyong meet and great at wala ba akong ibang naabutan kung hindi iyong mga janitor doon na nagliligpit na.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Their fan meeting started six in the evening, magna-nine pa lang.
I guess, saglit lang ang program nila.
"Mayroon po ba kayong hinahanap? Baka nakalabas na iyong..." Napatutop sa kaniyang bibig ang cleaning lady na lumapit at kumausap sa akin.
Base pa lang sa reaction nito ay alam ko na agad na nakilala niya ako.
I mentally ready myself to smile for a couple of minutes because I am sure that these people will ask some shot with me.
"Okay lang ba?" Dali-daling binunot ng babae sa kaniyang bulsa ang cellphone sabay pinakita sa akin. I nodded my head and took her phone.
Ako na ang kumuha ng selfie para sa aming dalawa.