"An iced, Ristretto, 10 shot, venti, with breve, 5 pump vanilla, 7 pump caramel, 4 Splenda, and poured, not shaken for Miss Willow," sigaw ng barista habang hawak nito ang venti cup ng isang komplikadong coffee order. Nakakahanga naman ang mga taong tulad ng barista na iyon na kayang tandaan ang ganoon kahabang coffee order. Kung ako ang nasa posisyon niya. The moment na inorder sa akin ang kape na iyon ay makakalimutan ko na kaagad kung ano-ano ba ang special ingredients na ni-require ng costumer.
Hindi lang ako kung hindi ang iba pang tao rito sa coffee shop ang tila hindi makapaniwala na mayroong taong sa mundong ito na tila na sobrahan naman sa pagiging enthusiast at precise sa mga ingredients na laman ng kanilang kape.
Tumayo ang babaeng magki-claim ng order. I don't think that the coffee order is for her. Masiyado siyang simple para sa ganoong klaseng kaartehan.
Nang maiabot na sa kaniya iyong take out na coffee order ay tumango at nakipagngitian pa ito roon sa barista bago siya tuluyang lumabas ng coffee shop.
Dahil wala naman na akong iba pang mapagbabalingan ng aking atensyon. Binalik ko na lang sa aking iced white chocolate drink ang mga mata. Katabi ng venti dine in cup kong iyon ay ang L.Y.A album ng DNI na hindi ko na nagawa pang papirmahan sa mga member ng grupo dahil nga nahuli na ako sa fan meeting.
I sighed heavily.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa sa tuwing naiisip ko na hindi ko nakuha ang mga pirma nila. I somehow realize that it's because I am disappointed because I was really looking forward in having those sign for days and then end up not getting one.
Inubos ko na isang sipsipan ang laman ng aking dine in cup. Hawak ko na ang strap ng aking sling bag. Ang kailangan ko na lang ngang gawin ay isabit iyon sa aking braso nang makatanggap ako ng tawag galing kay Manager Herrone.
Ilang segundo ko munang tinulalaan ang nagba-vibrate na cellphone sa aking kamay bago ko iyon sinagot.
"Hey, I've already told Mrs. Roman about this but because she does not want you to do it. Hindi niya yata pinaalam sa iyo," panimula ni Manager.
Nangungunot ang noo na napabalik ako sa upuan na dapat ay aalisan ko na.
Si Mama? Tatanggi sa isang project?
Gusto kong uliting itanong kay Manager Herrone kung talaga bang si Mama ang nakausap niya. Kahit na magugunaw na ang mundo. Impossible na tatanggihan ni Mama ang isang project.
Nang muling magba-vibrate ang aking phone. This time ay para naman sa pagpasok ng email galing kay Manager Herrone. Dali-dali ko iyong kinuha mula sa lamesa para matingnan.
Pag-open ko ng file ay sumambulat sa akin ang lyrics ng isang kanta.
As I read up the first few line of the song. I felt like it hit a certain spot in my heart.
Hindi ko alam kung nagkataon ba o sadyang sinulat ang kanta na ito para sa akin. Kung mayroon mang singer na magri-record ng kantang ito. Dapat ay ako lang iyon.
"New to town with a made-up name
In the angel's city, chasing fortune and fame
And the camera flashes make it look like a dream." I started murmuring the lyrics to myself. Hindi ko pa alam kung ano ba ang tono ng kanta pero malakas ang pakiramdam ko na angsty at malungkot ang ritmo nito. Acoustic guitas and piano could be the primary instrument used for this song.
Nang matapos ako sa pagsusuri ng lyrics ng kanta. Dali-dali kong dinial ang number ni Manager para makausap ko na siya. Habang hinihintay ko ang pagsagot nito ay sumisimsim ako sa aking frappe. Ganoon na lamang ang naging pag-irap ng mga mata ko sa ere nang matapos na lang ang unang pagtatangka ko na tawagan siya ngunit hindi niya pa rin ako sinasagot.
I put down my phone on the table. Binalikan ko ulit iyong lyrics ng kanta saka kumuha ng isang kutsara ng carrot cake mula sa aking plato.
I waited for another ten minutes before I dialed her number again. Hindi pa nga natatapos iyong isang ring ay narinig ko na ang boses nito mula sa kabilang linya.
"I want to do it. I am going to do it. Nasaan ka ba? Pupuntahan kita!" anunsyo ko at handa na nga ako na gawin iyon kaagad kahit na hindi pa siya nakakasagot pabalik sa mga sunod-sunod kong sinabi at tinanong. I grab my bag, put it at rest on my shoulder and stands up from my seat. Handang-handa na talaga akong umalis para puntahan siya kung nasaang sulok man siya ng Manila ngayon.
Hindi pa ako nakakaisang hakbang palayo sa aking puwesto. Mayroon na akong nakabunguan. Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko na tumapon sa aking dibdib at mukha ang malamig na inumin.
Mabilis kong naramdaman ang panlalagkit.
Mabuti na lang at malamig. Hell will break loose kapag mainit na inumin ang natapon sa akin. I breathe deeply. Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili at sinigurado na kalmado na ako bago ako makipag-usap sa kung sino man iyon na nakagawa sa akin ng hindi maganda.
Iritang-irita ako dahil sa nangyari but I know better than anyone that I can't react violently. Kaya naman para mapakalma ang aking sarili ay hindi ako nagmulat ng mga mata hanggat hindi ko pa kayang makita iyong taong nakagawa na ito sa akin.
When I did opened my eyes. I lost my inhibitions. An angel with a sunshine-like apologetic smile is standing in front of me and constantly asking for apology.
Parang tinubuan ng ugat ang aking paa. Animo'y nagyelo na rin ang buo kong katawan dahil habang hindi ito makagalaw dahil sa pagkataranta niya dahil sa nangyari. I on the other hand is frozen and it seems like I have forgotten the concept of movement.
"Sorry. Sorry. Hindi ko talaga sinasadya," aniya. Kanina ko pa nakikitang bumubuka ang bibig nito ngunit wala akong naririnig. Naka-focus lang kasi ako sa maamo nitong mukha.