Wala na akong kaide-idea kung ilang minuto na ba akong nakatayo sa loob ng comfort room ng coffee shop. Nang makita ni Haden ang mantsa ng kape na naidulot niya sa aking t-shirt ay dali-dali siyang nagsabi sa akin na lalabas siya para maghanap nang puwede niyang ipalit sa suot ko. Before he left, he made sure that I will stay in the comfort room and wait for him there. Talaga naman kasing hindi kaaya-aya ang aking paningin. I move closer to the sink. Binuksan ko ang gripo at sinahod ang aking kamay. Pinatakan ng kaonting tubig ang aking mukha pati na rin ang dibdib para maalis ang panlalagkit. I should not have done that. Parang mas lalo lang kasing kumalat ang panlalagkit sa aking balat. Pinatay ko na iyong gripo at sumandal na lamang sa lababo. I lowered my head and tap my fing

