"Do you want me to adjust your seat? Are you comfortable?" tanong ni Haden. Hindi niya na yata talaga matagalan na mas tahimik kami ngayon kaya gumawa na siya nang paraan para makapag-usap namin kahit na papaano. "I'm comfortable." Hindi ko alam kung bakit hindi niya napansin na kanina ko pa in-adjust iyong kinauupuan ko para maging kumportable ako rito. Siguro ay marami ring tumatakbo sa isip niya kaya hindi nito masiyadong napapansin ang nangyayari sa paligid niya. Isang oras na lang at mararating na namin ni Haden iyong address na binigay sa akin ni Manager Herrone. Iyon yung bagong condo na nahanap niya para sa amin ni Mama. Ang sabi nito ay maliit lang iyon kumpara sa unit na pinagamit sa akin ng agency. I don't mind if the place is smaller or bigger than my previous house as lo

