Ngayong nasa tapat na kami ni Manager Herrone ng office ni Camille na siyang may-ari ng entertainment agency na may hawak sa akin. Nagsisimula na akong makaramdam ng kaba. Nang inunat nito ang kaniyang kamay para sana para buksan na ang nakasaradong pinto. Natagpuan ko na lamang ang mga kamay ko na mahigpit nang nakahawak sa tagiliran ng t-shirt na suot nito. Mabilis itong tumingin sa akin. Inobserbahan niya muna ako bago niya inalis ang kamay kong kaya na sigurong durugin ang tela ng t-shirt na suot niya sa sobrang higpit nang pagkakahawak ko rito. Manager Herrone give me a smile full of reassurance. Ang pumasok sa opisina ni Miss Camille ay parang maihahalintulad ko na rin sa pagsabak sa gera. Walang tao na hindi natatakot na sumabak sa gera, maliban na lang kung alam nilang mayroon

