Habang parehas kaming nakatulala ni Ate Herrone sa intersection at hinihintay na mag-green na iyong traffic light para gumalaw na ulit iyong sasakyan ay nag-ring ang phone ko. Nang makita ko na si Haden ang tumatawag sa akin ay nagdalawang isip ako na sagutin iyon. Nahihiya akong makipag-usap sa kaniya lalo na't si Ate Herrone ang kasama ko. Nakalimutan na nga niya akong alaskahin dahil sumama ako kay Haden na mag-out of town matapos kong sumumpa-sumpa na hindi na ulit ako makikipagkita sa lalaking ito. Iniiwasan ko lang na kapag narinig niya kaming nag-uusap na dalawa baka ay bigla niyang maalalang asarin ako. "Sino iyan? Mama mo?" tanong nito sa akin. Marahil ay iniisip nito na baka tinawagan na ni Camille si Mama at naiparating na nito sa kaniya ang ginawa ko roon sa office. Kung

