Masiyadong tahimik ang paligid kung kaya't parang nakabibingi ang kung tutuusin ay balewala lang dapat na ingay na dulot nang agresibong paghalo ni Mama sa tasa ng kaniyang tsaa. Hindi pa siya nakuntento sa nakakatoreteng ingay na ginawa niyang iyon. Tinuktok-tuktok niya pa iyong kutsara sa may bibig ng tasa pagkatapos niyang maghalo.
Bumalik ang tingin nito sa akin. Hindi naman siya mukhang galit ngunit malinaw para sa akin na hindi rin niya pinaniniwalaan ang paratang ko kay Direk Jake.
She sighed heavily, "Paano mo naman nasabi na ini-spike nga ni Direk iyong fruit juice na ininom mo kagabi?" Lumapit ito sa akin. Imbes na makampante at mapalagay ako. Pakiramdam ko ay mas lalo lamang akong na-harass habang sinusuri ni Mama ang buong katawan ko para sa kahit na anong pinansala.
"Masakit ba ang pepe mo?" diretsahan nitong tanong sa akin.
I was too stunned to speak.
"Hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend, hindi ba, Gabbana? Masiyado ka rin namang hopeless romantic para makipag-engage sa one night stand kahit pa mayroong magyaya sa iyo---"
"Mama." Naiilang na tawag ko rito. Hindi ko namang tahasang sinabi sa kaniya na ni-r**e ako ni Direk Jake, but I feel like even if he didn't really do it does not mean na hindi ako na-harass. Wala na akong maalala after kong mawalan ng malay. Ilang oras akong tulog at si Sir Jake lang ang nakakaalam kung nasaan ako. Ano bang malay ko. He could have touch me to God knows what part of my body and I won't be aware because I think I was drugged and is dead to the f*****g world.
"Just answer my damn question, Gabbana. Does your v****a and body hurts? Kung nagahasa ka. Impossibleng wala kang mararamdaman na kahit na ano. Sabihin mo lang na oo and I will have you tested. I will immediately put Direk Jake behind bars," she said.
Napayuko na lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang sinukuan ko. Ang makumbinsi si Mama na hindi lang mismo r**e ang sakop ng s****l harrassment o ang pag-asa na dedepensahan ako ni Mama dahil anak niya ako, kilala niya ako at alam niyang hindi ako magpaparatang kung alam ko naman na mali ang aking kutob.
"Let's just forget about this. Wala tayong napag-usapan na ganito," sabi ko na lang kay Mama.
She break a smile on her lips. Her think but heart-shaped lips looks like mine. Our lips looks exactly the same. Kahit saang angulo naman ay parang parati kaming magkamukha ni Mama.
"I'll take the day off today, Ma. My head hurts. I can't work. Mapapahiya ka lang." Pinag-walk out-an ko na si Mama bago pa man siya makaanggal. Alam ko naman na hindi siya papayag. Kaya bago ako umakyat sa aking kuwarto ay kinuha ko muna ang spare key sa sala.
Dahil wala na siyang access sa extrang susi ng room ko ay wala na rin siyang magagawa kung hindi ang hintayin na lang ako kung kailan ako lalabas.
Sa bathroom sa aking kuwarto. Malaki ang aking kuwarto at nasa one fourth ng size ng aking kuwarto ay okupado ng bathroom.
My bathroom is my safe place, sa mga araw na parang gusto kong panandalian na takasan ang lahat. Dito ako nagtatago. Kapag nandito ako. Walang puwedeng manakit sa akin. I can't be disappointed either.
Pagkasindi ko ng mga scented na soy candle sa paligid ng bathroom. I randomly play music inside of the bathroom too so I wouldn't hear the banging on my room's door. Dahan-dahan ko na ring inalis ang aking roba.
I undo my hair and then slowly, I submerge myself into the cold water.
Napangiti ako nang manuot sa bawat hibla ng aking laman ang lamig ng temperatura ng tubig.
Noong una ay ang katawan ko lang naman ang nakababad sa tubig, ngunit may kung anong pakiramdam na nagtutulak sa akin na gusto kong subukan kung ano ba ang magiging pakiramdam kung ilulubog ko pati ang aking mukha sa ilalim ng tub.
And so I did. Tinest ko ang aking sarili. Kung gaano katagal kong kakayanin na walang oxygen. Kung ano-ano ba ang gagawin ng aking isip kapag napagtanto na nito na wala na siyang natatanggap na oxygen at ganoon na rin ang buo kong katawan.
I wanted to drown myself because I want to feel something but that didn't happen. Mas lalo pa nga akong walang naramdaman nung ginawa ko iyon. Para lang akong nakalutang sa ere. Its like I'm standing in between the line of existing and non-existing.
Nang pakiramdam ko ay isang hininga na lang ang kulang at malalagay na ako sa alanganin.
Inahon ko na ang aking ulo at kalahati ng katawan mula sa tub.
Mabilis na humabol ng hininga ang aking katawan.
I could not stop myself from smiling because of what happened. Nung sandaling natahimik ako ay narinig ko nang maayos iyong kanta sa speaker na nagpi-play.
I was lost, I was tryna find the answer
In the world around me
Yeah I was going crazy
That voice. I heard his voice again. Hindi man ganoon karami ang linya niya sa nasabing kanta ngunit sapat na iyon para malagyan ng ngiti ang aking labi.
"To that member of DNI. I think its time that we meet. I want to hear your voice in personal. I should get your sign too," I whispered to myself, smiling... genuinely smiling.
Umahon na ako mula sa bath tub. Dire-diretso kong pinuntahan ang rack kung saan nakasabit ang aking roba. Nang makuha ko na iyon at maibalot sa aking sarili ay waka ako nagmamadaling lumabas sa kuwarto.
I unplagged my phone from its charger. Nasa recent call sa call logs ko ang number ni Manager Herrone. Ang kailangan ko lang gawin ay mag-call back sa kaniya para sa tulong nito.
Oo nga at hindi ko pa nasusubukan na magpaalam kay Mama tungkol sa kagustuhan ko na makapunta sa kahit na anong event ng DNI pero sure naman ako na hindi niya ako papayagan. I am left with no choice but to do this thing behind her back.