Chapter 5

1031 Words
HIndi ko pa nga naimumulat ang aking mga mata pero ramdam ko na ang p*******t ng aking ulo. Mas malala pa ang headache na ito kesa sa mga jheadache na nakukuha ko sa tuwing kulang ako ng tulog. HIndi ko rin naman masabi na ang dahilan kung bakit binibiyak dahil sa sakit ang aking ulo. Impossible nga na dahil lasing ako. Una sa lahat ay hindi ako uminom ng kahit na anong alcohol drink sa dinner party kagabi. Maski champagne o red wine na in-offer sa akin ay hindi ko tinikman. Ang lahat ng mga iyon ay magalang kong tinangihan. Nang magawa ko nang imulat ang aking mga mata at sumambulat sa akin ang ibang disenyo at kulay ng kisame, na paniguradong hindi sa aking kuwarto na ibig sabihin lang din ay wala ako sa aking sariling kuwarto. Agad na lumapat papunta sa iba't iba pang sulok ng kuwarto ang aking paningin. The room is painted with black and grays, sa choices pa lamang ng kulay at sa paraan kung paano naka-decorate ang mga gamit sa loob ay masasabi ko na agad na lalaki ang may-ari ng silid na ito. Napabalikwas ako ng bangon. Tila ba kinalimutan muna ng aking katawan na nanakit ang aking ulo. Bukod doon ay pinilit ko nang pakiramdaman pa ang aking sarili. Kung mayroon bang masakit sa akin. I look down on myself and sees that I still have my own clothes from last night. Ang nawawala lang ay ang pumps na suot ko. Wala rin naman akong maramdaman at makitang senyales sa saking sarili na puwedeng maging indikasyon na mayroong nangyaring hindi kaaya-aya sa akin kagabi. I remove the comforter from my body ang got up. I scan the whole room for my shoes and bag. Ang alam ni Mama kagabi ay uuwi ako, nbgunit dahil malinaw na wala ako sa bahay. Kailangan ko na siyang matawagan dahil panigurado na nag-aalala na iyon sa akin at hinahanap niya na ako. Mula sa malayong sofa sa may kama ay natanaw ko ang aking Lady D na shoulder bag. Malalim akong napabuntong-hininga bago ko iyon dali-daling nilapitan. Nang makuha ko na ang aking bag ay una kong chineck ang aking phone. When I realized that the phone is turned off. I realized that I did f**k up last night at hindi na dapat ako mag-aksaya pa ng oras. Kailangan ko nang umuwi. "Gabbana," tawag sa akin ng lalaking kakapasok lamang sa bagong bukas na pinto ng aking kuwarto. Oo nga at wala akong idea kung nasaan ako pero obviously, hindi si Director Jake ang inaasahan ko na makikita ko rito o nagdala sa akin. It feels weird and wrong, kahit na wala namang nangyaring kahit na ano, pakiramdam ko ay mayroon. "Nasaan po tayo?" I had to ask, for my peace of mind at para makalkula ko na rin kung gaano ba kalayo ang lugar na ito sa aming bahay. I did try turning on my phone but its dead. There is no use in having it now because I can't use it to call my mother and tell her that I am fine and will be coming home. "Mariott Hotel, the presidential suite. Baka siguro sa pagod mo kaya nangyari iyong nangyari sa iyo kagabi." Kunot-noong tiningna ko si Director Jake. Hindi ko masiyadong maalala ang detalye ng kuwento na iyon na binuksan niya ngunit habang tumatagal na nakatingin ako sa kaniya ay parang mayroon akong nari-recover na memory. "Strawberry juice," saad ni Direk Jake nang mailapag niya sa harap ko ang wineglass na mayroong kulay pink na inumin. Kahit nga hindi niya sabihin sa akin na strawberry juice iyon, sa amoy pa lang ay alam ko na agad na strawberry juice iyon. Gamit ang table cloth na nasa ibabaw ng aking kandungan ay pinunasan ko ang gilid ng aking labi, "Thank you, Direk," I said to him while smiling. Kung ano ang asim at tamis na amoy ng strawberry juice na dala-dala ni Sir Jake ay ganoon din ang lasa non, the only difference is parang mayroon akong nasi-sense na wierd na after taste but I can't seem to figure our what exactly it is. Binaba ko na iyong mason jar kung saan nakalagay iyong strawberry juice. "How was it? Nagustuhan mo ba?" tanong nito sa akin. Hindi lang kasi nakatuon sa kaniya ang atensyon ko kanina ngunit mukhang kanina niya pa yata inaabangan kung ano ang magiging reaction ko sa inumin. "Masarap po. It tastes just fine but not exactly my favourite, thank you though." I smiled at him afterwards. Bumalik na muli ako sa aking pagkain. Habang tumatagal, kahit na alam konmg nasa harapan ko lang naman si Direk Jake ay natutunan ko na baliwalain na lang din ang presensya niya dahil nga ayaw ko rin naman kasing magpa-istorbo mula sa aking paghahapunan. Gaya ng iba pa na sumubok na tumabi sa akin sa gabing ito. Kalaunan ay iniwan na rin ako sa aking lamesa. Hindi pa tumatagal ng limang minuto mula nang tumayo siyas a aking table ay nakaramdam ako ng p*******t sa aking ulo pati na rin ng pagkahilo. My hand reach for the glass of strawberry juice. Dahil iyon na lang ang natitirang inumin sa aking harapan ay iyon ang aking unbos ngunit hindi naibsan ang p*******t ng aking ulo na unti-unti na yatang kumakalat sa bawat himaymay ng aking utak. I lowered my head. Mali ang desisyon na gawin ko iyon. Mas lalo lamang lumalala ang naramamadaman ko. Bukod sa p*******t ng aking ulo ay nagsimula na rin akong mahilo. Everything happened so damn fast at iyon na lang ang huling memorya na aking naalala para sa kagabi. "Here." Bumalik lamang ako sa present at natigil sa paghahalukay ng memory sa aking utak nang marinig ko ang boses ni Direk. May hawak siyang isang baso ng tubig. "Uminom ka muna," anito. "Hindi na po. Ayos lang ako. Hindi naman ako nauuhaw. Ang mas kailangan ko pong gawin ngayon ay umuwi na. Siguradong hinahanap na ako ni Mama." I slightly bow my head towards him to papy for a little respect before I leave the room. Bakit ganoon. Pakiramdam ko ay mayroon siyang ginawa sa akin na dapat kong ikatakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD