Chapter 4

1723 Words
Kinuha ko mula sa kamay ng aking personal na assistant ang make-up remover wipes na kakahila niya lamang mula sa lagayan nito. Ako na mismo ang nag-alis ng lipstick sa aking labi. Dahil nga dinner party, kainan ang aking pupuntahan. Mas gusto ko na wala na akong kahit na anong make-up sa mukha lalo na ang lipstick. I don't want to stain my spoon and glasses with my lipstick. It would be a bit a hassle at baka masira pa non ang gana ko na kumain. "We will only stay for about two hours in that dinner party. Kailangang nasa bahay na tayo ng eleven pm. Mas maaga ang mga schedule mo bukas," sabi sa akin ni Mama na kakapasok lang sa dressing room. The whole cast finished the script reading about an hour ago. I had to leave early after that kasi mayroon pa akong contract signing with Eres Cosmetics na pinuntahan. The reason why I'm all doll up and currently removing the make-up on my face. "Sasama ka pa ba sa dinner, Ma?" I had to ask. Kanina bago nagsimula ang formal event ng contract signing ay parang narinig ko siyang may kausap sa kaniyang cellphone. It's probably her Amiga. Baka niyaya na naman siyang mag-casino. "No. I'm not going with you to the party. I have other plans tonight. Susunduin ako ng aking kaibigan," she said. Tinupi ko sa pinaka-maliit na square iyong make-up remover wipes. Iyong part non na hindi ko pa nagagamit ang siyang pinampunas ko sa aking labi. Wala na akong nakuhang mantsa ng lipstick sa pagkakataong ito. Ibig sabihin lang non ay wala na talang lipstick sa aking labi. "Kaibigan? Sino? Hindi sina Tita Magda ang kasama mo ngayon?" pang-uusisa ko sa kaniya. Hindi kasi siya nagda-drop ng pangalan kaya parang may kutob na ako na lalaki ang kikitain ni Mama ngayong gabi. Hindi ko siya pinagbabawalan na makipag-date. Ang gusto ko lang sana ay kilala ko rin kahit man lang sa pangalan ang lalaking sinasamahan niya. After all it's just the two of us. Dapat ay wala ng sikreto sa pagitan naming dalawa. Ako, wala akong sikreto kay Mama maliban doon sa paminsanan kong pagtakas sa gabi pero siya. Napaka-rami niyang nililihim sa akin. Tuwing nagtatanong ako sa kaniya. Parati niya lang sinasabi sa akin na hindi raw dapat ako nagtatanong tungkol sa isang bagay na hindi ako talagang handa na marinig ang sagot. "Basta mag-iingat ka. Text me when you arrive kung saan man ang punta mo tapos kapag pauwi ka na." Mahinang tumawa si Mama. At times like this, when we are having our conversation just like this. Pumapasok sa isip ko na para lang talaga kaming magkaibigan ni Mama. Ang totoo niyan. Siya lang naman talaga ang kaibigan ko. She is my only family, friend and ally. If I don't have her by my side then its a sure thing that I will feel as if I'm the only person in this world. "Stop worrying about me, darling. Kaya ko ang sarili ko. You think and look after yourself at the party because I wouldn't be there." I nodded my head. "I will. I am so excited to talk with those people and the food." Naipikit ko ang aking mga mata ngunit naimulat ko rin naman agad. "The food are going to be." I groaned. Hindi ko na kasi makalkal sa aking utak ang tamang salita para ilarawan ang expectation ko sa mga pagkain na nakahain doon sa party. "You can eat everything that you want to eat tonight but when you are home. You have to take your medicine." She smiled at my personal assistant after she told me that. "Her medicine for her digestion. Hirap kasi siyang tumunaw kapag marami siyang nakain." Kitang-kita sa mukha ni Mama na tila ba nauumay at nandidiri siya sa idea ng mga pagkain habang sinasabi niya iyon. I lower my head and when I felt her eyes on me. I meet her eyes for a fleeting second. Napilitan ako na ngumiti na lang sa kaniya. Ayaw ko kasing mapansin ni Mama ang pagbabago sa mood ko. The meds that she is talking about. Hindi naman talaga iyon para sa digestion ko. She was talking about a laxative. Tuwing may ganitong party na alam niyang wala siyang choice kung hindi payagan akong pumunta. Parati niya akong pinaiinom ng laxative para mailabas ko kaagad ang mga kinain ko at hindi ako tumaba ng dahil doon. It sounds messed up and f****d up when someone hear about this story... pero ayos na rin para sa akin. Ang sabi ni Mama ay para sa akin din naman daw kaya niya iyon pinagagawa sa akin. Ako rin daw ang magbi-benefit and I believe her. She is my mother. She won't tell me to do something that will harm me. Walang nanay ang ipapahamak ang sarili nilang anak, naniniwala ako roon. "Since we are on this conversation. I'm gonna have to buy a new bottle of that medicine. Iniinom ko rin kasi iyon." Na-bother ako sa nalaman kong iyon, "How often do you take it, Ma? Iyon ba iyong parati mong iniinom sa tuwing matatapos kang kumain?" I could not help but ask. Paano ba naman kasi. Ilang beses ko na siyang nahuli na may iniinom na kung anong tableta sa tuwing matatapos siyang kumain. "No. Of course not. Hindi maganda na inaaraw-araw iyon, Gabb. Vitamin c. Vitamin c iyong nakita mong iniinom ko sa tuwing matatapos akong kumain." Hinaplos ni Mama ang aking balikat sabay ngumiti. I silently look and study her expression. Kung sinasabi ng mga tagahanga ko ngayon na isa akong magaling na actress. Dahil iyon sa si Mama ang nagturo sa akin. I got it from her. Kaya naman maging ako ay nahihirapan na masabi kung kailan siya nagsisinungaling sa akin o hindi sa galing niyang umarte. I'm just hoping now that she is telling me the truth about the laxative. ********** HEAVEN. Kung mayroon akong magagamit na isang salita para i-describe ang linamnam ng wagyu beef at laksa soup na kasalukuyan kong kinakain. Heaven ang pinaka-tamang word. Napaka-lambot ng beef. Tila natutunaw na iyon sa aking dila. At iyong laksa soup. Ito na yata ang pinaka-malasang laksa soup na aking natikman sa buong buhay ko. I'm not really a fan of laksa but this soup might change that. Gamit ang aking soup spoon ay kumuha na naman ako ng soup mula sa bowl at dahan-dahan iyong dinala sa aking bibig. Pang-ilang subo ko na ito ng soup pero parang hindi pa rin talaga makapaniwala ang taste bud ko sa nalalasahan nila. I could not stop myself from stomping my feet everytime I put a decent and flavorful food in my mouth. I prefer to eat alone. Hindi ako nakiki-join sa mesa ng iba na nandito sa party and I would appreciate if they will let me have my dinner at peace but that's just impossible. Every five minutes yata ay mayroong lumalapit sa akin. Iyong iba ay kinukumusta ako, nagsisimula ng small talk. Iyong iba ay talagang gusto na samahan nila ako rito sa table ko. Mabuti na lang at nagagawan ko nang paraan na maiparating sa kanila na gusto ko na mag-isa lang muna ako without looking rude and impolite. I can never look rude and impolite. Especially to the people in this business. Iyon ang tinatatak ni Mama sa aking isip. Kahit kailan ay hindi ko na iyon nakalimutan. Wether I'm in a good mood or not, I have to look as if I'm always bright and happy. Ayaw kasi ng mga tao ng artista na malamig at intimidating ang dating. Ang gusto nila ay isang tao na mayroong aura na tila ba papayag ito sa kahit na anong ire-request sa kanila and for years, that is how my image was built. I am that lovely darling. "I'll assume that the people you are sharing this table with are filling up their plate with foods from buffet and you are not really alone," si Director Jake Quihanno. Siya ang director para sa bago kong tv series. This tv series is my first project with him. Usap-usapan na notorious daw ito sa pagiging masungit at mainit ng kaniyang ulo lalo na sa set pero ngayon. Parang hindi ko naman nakikita sa kaniya ang ganoong ugali. Maliwanag ang ngiti sa labi nito. He looks very warm and welcoming. "Lets just imagine that I have a few people in my table..." pakikipagbiruan ko sa kaniya. Umakto ito na tila ba nakikipag-kusmutahan at bumabati siya sa mga imaginary na tao na kasama ko sa aking table. Napangiti na lang ako nang ibalik niya na sa akin ang tingin niya. Malakas din pala ang tama ni Direk. Talagang sumakay siya sa trip ko. "I hope you and your friends won't mind if I sit with you guys for a few minutes." Imwinestra ko sa kaniya ang upuan na hawak-hawal naman na niya. All that he have to do is pull it for himself and make himself comfortable. "Malawak ang table. We can let you sit with us for a few minutes," I said. He chuckled. May dala-dalang crystal glass na mayroong rum si Direk. Habang iniinom niya iyon ay nakatingin na lang siya sa akin. I could not take off the smile on my lips even when I'm starting to feel uncomfortable by the way he graces me with his eyes. Ni hindi ko na nga maigalaw ang aking kamay para magpatuloy ako sa pagkain. "Gabbana, do you drink?" bigla niya na lang tanong sa akin. He tore his eyes off me and look around. Mayroon itong hinahanap at mukhang hindi niya iyon ma-spot-an. "I... I don't drink po, Direk. Nagkakaroon ako ng allergic reaction tuwing umiinom ako ng kahit na anong may alcohol. Namumula ang buong katawan ko tapos nangangati ako," I said to explain to him my condition so he won't misunderstand. Muli na namang lumapat sa aking katawan ang tingin nito, "Sayang naman," he murmured. Wala na akong maisip na sasabihin para sa mga salitang iyon na binitiwan niya. It took me a couple of seconds before I came up with a decent one, "It's fine. I can always have fruit juice. I bet they are tastier than liquor." He nodded his head and sips on his crystal glass, "They are... I guess they are."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD