When the next morning came. I woke up and it felt like I could still taste the cheeseburger on my mouth. Of course nag-toothbrush naman ako pagdating sa bahay. Kaya lang iyong cheeseburger na iyon ang pinaka-masarap na cheeseburger na nakain ko mula nang magsimula ang taon na ito.
It's the tastiest food that I had this month and there is a part of me that is craving for it right now.
Perpekto ang pagkaka-toast sa bun ng burger. Grilled iyong patty ngunit hindi ito mapait. Napaka-juicy nga non at iyong cheese. Talagang cheesg na cheesy. Hindi lang yata isang klase ng cheese ang nakatunaw sa ibabaw ng patty ang nalalasahan ko.
The glorious cheeseburger bothers me a little bit. Hindi ko iyon maalis sa isip ko. Gusto ko ring malaman kung kailan ko kaya iyon ulit makakain. Siyempre hindi ko naman iyon puwedeng i-request kay Mama. If I did, she would ask me bakit alam at nagki-crave ako sa burger na iyon. She will then find out that I snuck out last night.
Hindi na nga ako lalo makakain ng burger na iyon kapag nalaman niya. Mataas pa ang possibility na makatanggap ako ng kung ano mang punishment mula sa kaniya.
My alarm clock went off for the second time. Medyo naiirita na ang tainga ko sa tunog non but at the same time. Hindi ko rin iyon agad na pinatay. Natulala lang muna ako sa aking cellphone at nang aabutin ko iyon para sana i-snoze muna sa loob ng panibagong limang minuto ay bumukas ang pinto ng kuwarto. Niluwa non si Mama na gising na gising at bihis na bihis na. Wala na ngang bahid ng alcohol sa kaniyang sistema.
She looks perfect again, as if she didn't deal with her alcohol-addiction through an expensive bottle of wine last night.
"Kanina ka pa ba gising? Bakit hindi ka pa bumabangon? Alam mo namang maagang magsisimula ang araw mo ngayon hindi ba?" Kinuha ni Mama ang hairbrush mula sa aking hairdresser. Bitbit iyon ay lumapit siya sa akin.
Kinuha nito ang ilang hibla ng aking buhok at sinimulan na iyong suklayin nang mabagal. Napaka-ingat nang paghawak ni Mama sa aking buhok. It was as if she is holding a million-dollar silk thread that she surely can't mess up with because if she does, parehas kaming malalagot na dalawa.
"What do I have in my schedule, today, Ma?" tanong ko rito. Mas hinila ko iyong comforter palapit sa aking katawan. Nilalamig ako. Parang makulimlim yata sa labas. Dahil madaling araw na rin naman akong nakatulog. Talagang kukulangin ako ng tulog, hence magki-crave ang katawan ko na humilata at mas magtagal pa sa kama kahit na alam kong dapat ay kanina pa ako kumikilos.
Nang maramdaman ko na tumigil ito sa pagsusuklay niya sa aking buhok ay marahan ko siyang nilingon. Nakakagat pa rin naman iyong hairbrush sa aking mga buhok. Sadyang hindi lang ginagalaw ni Mama ang kaniyang kamay para suklayan ako.
"Well we will attend your script reading for your new tv series in the afternoon at may dinner party pagkatapos non." Nang marinig ko ang salitang dinner party ay buo na kaagad ang araw ko. Hindi ko alam kung ano-ano ang mga pagkain na dapat kong asahan sa dinner party na iyon but I'm sure na wala silang oatmeal na isi-serve roon.
The dinner party after the script reading is what keeps me motivated the whole day. Nasa unang schedule ko pa lang ako ngayong araw which is fitting para sa isang runway show na gagawin ko sa huling weekend nito ngayong buwan ay nasa isip ko na agad na sana ay malaki ang proportion ng mga pagkain na isi-serve sa dinner party.
"It seems like you are in a good mood today, Gabbana," puna ni Eres. Mas nakababatang kapatid siya ni Itàlia, ang may-ari ng Bella Donna, iyong brand kung saan ako magmu-model.
I look at her and smile even more, "I'm just excited about something. I'm looking forward to it," I said.
Inunat niya lamang ang kamay sa harap ng staff na nasa likuran niya. Wala na siyang kailangang sabihin. Basta iniabot na kaagad sa kaniya ang manipis na scarf na tinali at ni-ribbon niya sa aking leeg.
She then guided me to turn and look at myself through the full-size mirror where I'm standing walk away.
I look like those old-money heiress from Europe. I love this style, they are kinda my style but sure as hell na sa pagod ko. Hindi ko magagawa na araw-araw na mag-effort para mabihisan ko ang aking sarili sa ganitong paraan. A black highwaisted jeans and plain shirt will remain my bestfriend because of how comfortable they are.
I'm the one I should love in this world
The shining me, the precious soul of mine
I realize only now, so I love me
Habang nag-uusap kami ni Eres tungkol sa dinner party na sobrang sabik na nga ako na mapuntahan ay narinig ko ang ballad song na iyon na nagpi-play.
Mahina lamang iyon kasi parang sa malayo at sa labas na nitong kuwarto nanggagaling iyong kanta.
"Why?" Eres asked. Napatingin din siya sa nakasaradong pinto kung saan nakadikit ang aking mga mata.
"Naririnig mo ba iyong kanta na nagpi-play?"
Agad siyang tumango sa akin.
"Why? Does it bothers you? Sasabihan ko sila na mas hinaan pa iyong music." Bago pa ito makakilos para lumabas ng kuwarto ay nahawakan ko na siya.
Tumingin ito sa akin. Nagtatanong kung bakit ko siya pinipigilan.
"Nevermind. I just like the song. Gusto ko lang malaman kung ano iyong title."
"Hindi ko rin alam. Itanong na lang natin mamaya sa kung sino man ang nagpapatugtog non kung ano ba ang title," she said at bumalik na ito sa ginagawa niya sa akin.
Umayos na ako sa aking kinauupuan. Ganoon pa man ay hindi pa rin mawala sa isip ko iyong kanta. Pamilyar iyong timbre ng boses ng singer. The reason why it's frustrating me kasi parang nasa dulo na ng dila ko ang pangalan ng singer. Hindi ko lang iyon mabanggit.