Hazel's POV
Naiinis ako!
Paano ba naman hindi ako hinatid ni Gelo pauwi. Nanliligaw siya diba? Dapat hinahatid at sinusundo niya ako, ibang klasing lalaki. Argh! Kaya umuwi na lang ako mag-isa. Pagkauwi ko nagstay lang ako sa kwarto ko, nakinig lang ng music at kung ano pa.
“Nasabihan ngang nanliligaw pero di naman hinahatid yung nililigawan. Asar lang!” Humiga ako sa kama habang nakikinig ng mga cover songs ng Boyce Avenue.
“Asar talaga yung lalaking yun! Alam ko naman di ako ganun kaganda pero dapat naman ipagmalaki naman niya ako kasi diba nililigawan niya ako? Argggh!” Nakakainis talaga ako!
“Tapos kanina hindi niya ako pinansin! Nakakaasar lang. habang ako nagmumukmok tapos siya nakikipagtawanan sa mga kaibigan niyang basketball player.”
“Nakakainis lang, hindi na niya ako pinapansin after niya akong niyaya sa plaza mamayang seven pm. Hmp!” Nagpatuloy ako sa pagsasalita ng mag-isa. Oo! Tingin ko nababaliw na nga ako sa inis.
Halos mapasigaw ako ng may humawak sa balikat ko. Inalis ko ang headphones ko at humarap kay Braiden.
“Braiden! Ikaw lang pala! Ginulat mo ako!”
“Ate Loveee, kanina pa kita hinihintay sa baba. Look!7:45 na o.” Pinakita pa ni Braiden yung relo niya na batman sa akin. Natawa naman ako sakanya.
“Braiden, wala pang seven. 6:45 pa lang oh.” At pinakita ko sakanya yung Digital alarm clock ko sa may study table ko. “And by the way, bakit mo ako hinihintay?”
Umupo siya sa tabi ko at humarap sa akin, “Ate Love, hindi mo ba know?”
“Know? What?”
“Diba niyaya ka ni Kuya sa Plaza?” Tanong niya at saka siya nag-pout.
“Yes, pero ayaw kong pumunta.”
“Why?! Daliii na ate Love, magbihis ka na. Daliii.”
“Ayaw.”
“Hmp. Why?” Dinadaan na naman ako nitong batang ‘to sa super cute niyang pout.
“Kawawa naman si Kuya dun, Ate Love. Bihis ka na po.” Pinagdikit pa niya ang dalawang kamay niya na parang dinadasalan ako.
“Magdusa siya! May nakita ka na bang manliligaw na hindi hinahatid ang syota niya? Argghhh!”
“Ate Love, ano po yung shota?”
“Basta! Tapos pinagbibihis niya ako, lalabas daw kami tapos ano, uuwi akong mag-isa? NO WAY!”
“Kasi—“
“Basta nakakainis ang kuya mo! Kaya ikaw kapag manliligaw ka wag na wag mo siyang gagayahin ha! Kawawa naman ang magging syota mo.”
Tinitignan lang niya ako na parang gusto niyang intindihin ang mga sinasabi ko. Tapos bigla siyang napakamot sa batok niya. Yeah, hindi niya nga gets. Bata nga siya. =_____=
“Ate Love kasi hindi naman kasalanan ni Kuya eh—“
“Wag mo ngang ipagtanggol ang Kuya mo!” >oo_///_<
Tinignan ko si Bray na parang sinasabi na “Sabi-Ko-Na-Sayo-Eh”
Ibinalik din naman ni Braiden yung puppy.
Mukhang nalungkot naman si Braiden non.
“Don’t worry, reregaluhan kita ng puppy sa birthday mo. Kaya wag ka ng malungkot ha?” Sabi ko sakanya at kiniss ko siya sa head niya.
As expected, lumapad na naman yung ngiti niya, “Talaga Ate Lovee? Waaaah! Sana birthday ko na tomorrow! ^_____^”
Umiling na lang ako at—
“ZEL”
Napalingon kami ni Bray dun sa nagsalita.
“G-Gelo…”
Lumapit sa amin si Gelo habang dala niya yung tatlong puppies na may damit.
Kung babasahin mo yung mga nakasulat sa mga damit ng aso, mabubuo ang phrase na….
“BE MY GF…Zel.” Seryosong sabi ni Gelo.
Napanga-nga naman ako. Habang si Braiden ay ngiting-ngiti.
I can’t breathe.