Chapter 9

1487 Words
Hazel’s POV “BE MY GF…ZEL.” *dugdug dugdug dugdug* Natulala ako nang marinig ko siya. At tila nagrambulan ang puso ko…dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. “Hihihihihi.” Tiningnan ako kay Braiden na tumatawa…o baka humahagikgik? “Anong nangyayari, Bray?” Bumulong ako rito kay Braiden. Nakakahiya naman kasi kung maririnig iyon ni Gelo, baka isipin niyang ‘slow’ ako, sabagay, tama naman ito kung ganon. Sinundot ako ni Braiden sa pisngi sabay bulong ng, “Ate Love naman, hindi pa ba obvious? My kuya is asking you to be his girl.” Napamaang naman ako lalo sa sinabi ni Braiden. Saan ba niya natututunan iyang mga iyan? Talino ha….o baka sadyang slow lang talaga ako? Err—nakaka-bobo nga talaga ang Pag-ibig. “Ahh..h-hehe.” “Tapos na ba kayong magbulungan d’yan?” Sabay kaming napatingin nang magsalita si Gelo. Lumapit na naman ulit sa akin si Braiden. “U-uhm, G-Gelo, ano ‘to?” Gusto ko lang makasiguro, baka nag-aasume lang pala ako. “Ate Love naman! As what I have said, my kuya wants you to be his girl!” Medyo napalakas na ang pagkakasabi ni Braiden doon, nakulitan na siguro sa akin. Tumingin na lang ako ulit kay Gelo na ngiting-ngiti. Pero nung nakita niya akong tumingin ulit kay Braiden, ramdam ko ang pagsama ng tingin niya sa kapatid niya. Hmp, seloso talaga. “G-Gelo, bakit na sayo ‘yang mga aso?” Hawak hawak kasi niya yung mga aso na dumaan sa harapan namin ni Braiden kanina. “Ate Love, those puppies are mine. Tapos yung masungit na guy kanina yung kaibigan ni Kuya. Talaga pinlano ni Kuya ‘to. Oh, namumula na siya. Ayieeeeeeh!!!” Sinundot pa talaga ni Braiden yung pisngi ko habang inaasar ako. Nakakakilig naman kasi eh. Dati, hanggang tingin lang ako sakanya tapos ngayon eto na siya, nakatayo sa harapan ko. “Braiden! You can leave now. Get in the car, ‘kay?” Natawa na lang ako nang sinabi ni Gelo iyon kay Braiden, kahit na medyo kinakabahan ako. Nag-pout na naman kasi si Braiden eh, sobrang cute kaya niya kapag naka-pout. Walang nagawa si Braiden kundi umalis.. Pero bago siya umalis, tumingin pa siya sa kuya niya na parang nagmamakaawa. Cute talaga ng batang ito. “Ang sama mo naman kay Bray-Bray, ikaw na ngang tinulungan niya.” Nagsalita na ako para kahit papano ay mabawasan yung pagka-awkward ng atmosphere. Hindi niya ako sinagot, lumapit lang ito sa isang bench na katabi ng kinauupuan ko at itinali doon yung tatlong puppies na hawak-hawak niya. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi ko. “Ahm…pa’no ko ba sisimulan ‘to?” Tumingin si Gelo sa langit at huminga ng malalim. “Zel, alam mo naming gusto talaga kita di’ba?” Kahit na nahihiya ako, tumango ako para sagutin yung tanong niya. Nakatingin lang ako sa rubbershoes ko habang hinihintay siyang magsalit ulit. “Zel, baka iniisip mo na parang ang bilis. Pero ayaw ko na talagang patagalin. Gusto ko nang ipaalam sa lahat na akin ka na para wala nang magtatangkang agawin ka sa akin.” The next thing he did…is so unexpected. “Zel, will you be my girlfriend?” Seryosong sabi nito habang nakaluhod sa harapan ko. Hindi ako yung klase ng tao na iiyak sa harapan ng isang tao, pwera na lang kung sobrang sakit na talaga, pero sa awa ng Diyos hindi ko pa nararanasan ‘yon. Kung sa isip ng ibang tao, masasabi nilang iyakin ako dahil nga napakahina ko kung titignan. Mahina ako, pero ayaw ko namang ipangalandakan sa ibang tao na nasasaktan ako. Dahil nga siguro sa sanay na ako i-control ang emosyon ko sa harap ng ibang tao, ay nakontrol ko rin ang luha ko na pumatak. Naiiyak ako hindi dahil sa nasasaktan ako. I wanted to cry because of this happiness I’m feeling right now. “Y-Yes.” After I said that word, tumayo si Gelo at niyakap ako. “Thank you Zel. I—“ “Clap clap clap!!!” Napalingon kami kay Braiden na pumapalakpak habang sinasabi yung ‘clap clap clap’ ng paulit-ulit. Mga trip ni Bray-Bray, kakaiba. “Sinong nagsabing babalik ka rito?” Masungit na naming sabi ni Gelo-My-Boyfriend kay Bray-Bray. “Kasi kuya…*pout* tinext ako ng mga aso ko na gusto na daw nilang umuwi kaya nagpapasundo na sila sa akin, kaya bumalik ako ulit dito.” Hindi ko naiwasang matawa nang sinabi ni Bray-Bray yun. Sino naman kayang alien ang maniniwala sa alibi niya? Hahaha, imba talaga. “Tsss. Sinisira mo ang moment naming ng girlfriend ko eh.” Sabi ni Gelo tapos kumindat pa siya sa akin. “Halika nga dito, Braiden.” Kinuha nito yung dalawang puppies at pinahawak kay Braiden at saka binuhat si Braiden tapos hinawakan niya ang kamay ko habang hawak nito yung tali ng isang puppy na may nakasulat sa damit na ‘GF’. Parang isang happy family kami. “Hahahahaha! Kuya is kinikilig!!!” Hindi ko napigilang ngumiti, kinurot ko na lang sa pisngi si Braiden. Nakakagigil naman kasi talaga siya. “Kuya, hindi ba ta’yo magce-celebrate?” “Hmm, kailangan pa ba?” Nag-smile ako ng pilit nang marinig ko yung sagot ni Gelo. Inaamin kong na-disappoint talaga ako sa sagot nito sa tanong ni Braiden. Pero hindi na lang ako umimik. Pagkadating naming sa may kotse nila Braiden, ipinapasok na niya si Braiden tapos kinausap ito ang driver. “Manong, kayo na ang bahala sa kapatid ko ha? May pupuntahan pa kasi kami ng girlfriend ko.” “WAAAAH. YOU’RE SO MEAN, KUYAAAA! HUWAAAAAH, SUSUMBONG KITA KAY MOMMY!” “Haha. Osya, ser, mauna na ako. Ingat kayo ni mam!” Pinaandar na rin agad ni manong yung sasakyan paalis. Pagkaalis ng sasakyan, hinawakan ni Gelo yung kamay ko. “Let’s go?” “Dapat sinama na natin si Braiden.” Sabi ko kay Gelo habang naglalakad kami. “Makulit si Braiden, at saka para masolo ko naman yung maganda kong girlfriend,” Sagot nito sabay kindat sa akin. Lakas lang magpakilig nitong bofriend ko. Nakarating kami sa isang lugar na sentro ng lugar namin. Iyon an isang malaking fountain na may upuan sa gilid nito pero hindi nababasa yung mga nakaupo. Sa ganda ng pagkakagawa nito, hindi na katakang-taka na dinayo talaga ito ng mga tao, lalo na ang mga magkasintahan. “Zel, dun tayo.” Nagmamadali niyang tinakbo yung isang bench doon sa gilid ng fountain habang hawak pa rin nito ang kamay ko, kaya ako napatakbo na rin baka maunahan pa kami. Iyong bench kasi na iyon ay pinakamaganda sa lahat, iyon kasi ang nakasentro sa fountain at kitang-kita ang buwan sa pwesto na iyon. Magkahawak-kamay pa rin kaming dalawa nung nakaupo na kami. Parehas kaming nakatingala sa langit. “Ang ganda ng langit ‘no?” Ngumiti na lang ako bilang sagot na ‘oo’. Wala kaming pinag-uusapan, nakatingin lang kami sa langit tapos magkakatinginan at ngingiti. Kuntento na kami sa gano’n. Kaya nga siguro bigla akong napahikab. “Inaantok ka na? Gusto mo na bang umuwi?” Tanong nito sa akin nang nakita niyang humikab ako. “Dito na muna tayo.” Hindi ito sumagot, bagkus hinawakan lang nito ang ulo ko at isinandal sa balikat niya. Gelo’s POV Nakangiti ako habang pinagmamadan ang mukha ni Hazel habang tulog, napaka-ganda nito. Gusto kong hawakan ang mga pilikmata niya pero baka magising siya. Nag-stay kaming ganon, pero pagkalipas ng ilang minute tumawag na sa akin si Tita Maylene, ang mama ng girlfriend ko. Potchi naman oh, kinikilig pa rin ako. Hinalikan ko ang noo ni Hazel bago ko siya buhatin at ipatong sa likuran ko. Hindi ko na kasi siya ginising baka talagang antok na antok na ito. Pagkatapos naming balikan yung kotse ko sa may plaza, hinatid ko ng pauwi si Hazel. Hazel’s POV Sabay kaming naglalakad ng lalaking kasama ko habang nagtatawanan pa kami. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa padilim ng padilim kaya hinawakan ko ang kamay nito, natatakot pa rin kasi ako sa dilim. Pero wala akong nahawakang kamay. “Nasaan ka?” Sumigaw na ako, pero wala pa ring sumasagot. Kaya nag-iiyak na ako doon. Naglakad ako sa isang parte na may kaunting liwanag na nagmumula sa buwan, pero sapat na iyon para makita kong naglalakad paalis ang lalaking kasama ko na hindi man lang ako nilingon…. ** Nagising ako sa ingay na nagmumula sa alarm clock ko. Pinatay ko iyon at nag-ayos na. Sunday ngayon kaya magsisimba kami ng parents ko. Bigla akong napangiti nang maalala ko iyong nangyari kagabi. Pero naalis ang ngiti ko nang sumunod kong naalala ang panaginip ko. Sino ang lalaking iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD