Hazel’s POV
Wala akong ganang kumain. Iniisip ko pa rin iyong napanaginipan ko. Sino naman kaya ang lalaking iyon? Hindi ko naaninag ang mukha niyo pero parang kilala ko siya. Maybe, napaparanoid lang talaga ako.
“Problem?”
Tipid akong ngumiti kina papa.
“May inisip lang po ako, ‘pa.” Pagkasabi ko non, lumapit siya sa akin at niyakap ako.
“Anak, alam mo naman na hindi talaga ako payag na makipag-boyfriend ka na. You’re just fifteen years old! Pero dahil sa kakulitan ng mama mo, wala akong nagawa.” He patted my head. “Madalang lang akong nasa tabi mo anak, kaya I’m hoping na iingatan mo ang sarili mo.”
“’Pa naman, I’m old enough to take care of myself.” Ngumiti ako kay dad and I mouthed, “Thank you dad.”
Bumalik na ulit si dad sa upuan niya at nagsimula na ulit siyang kumain. Ito ang isa sa mga nakakatuwa kay dad kapag nasa bahay siya, hindi ito nauubusan ng kwento. Hindi ko alam kung bakit ako lang ang tahimik sakanila. Samantalang, ang daldal rin ni mama.
“Good morning po.”
Sabay sabay kaming tumingin sa nagsalita. It’s him. Ramdam ko ang biglang pagtahimik ni dad.
Lumapit ako sakanya. And he kissed my cheek.
“Good morning, Zel.” Ngumiti lang ako sakanya at saka hinila si Gelo sa isang bakanteng upuan na nasa tabi ng kinauupuan ko kanina.
“Dad, this is Angelo Fernandez…my boyfriend.”
“Nice meeting you, Mr. Romero—“
“So you are my daughter’s FIRST boyfriend.” He laid a stress when he said the word ‘first’. Si dad talaga oh.
“Yes, sir.” Pagkasagot ni Gelo, I held his hand and squeeze it. Lumingon naman ito sa akin ad he gave me a small smile.
“Remember this, young man. If ever I heard that you hurt my daughter, I will make your life miserable that you couldn’t imagine how unlucky you are. Remember that.”
“Hon! Stop that.” Saway ni mama kay dad.
“Why? Wala naman akong ginagawa.” Parang batang binitawan ni dad ang kutsara niya.
“Sigurado kang wala?” Tanong ni mama habang nakataas pa ang isa niyang kilay.
“Yeah.”
“Wala kang ginagawa or wala kang ginagawa?” Nakatayo na si mom sa harapan ni dad nang nakapamaywang.
“Okay, sweetheart, you win.” Sabi ko na nga ba na si dad na naman ang susuko. Lagi naming ganyan.
“I always win, honey.” Lumapit si dad kay mom tapos dad kissed my mom’s nose. Talking about ‘Public Display of Affection!!!!
Lumapit si Gelo sa akin at saka bumulong, “Ang sweet ng parents mo though, medyo natakot ako sa papa mo.”
“Ganyan lang talaga si dad. Pero maniwala ka na, he is the best dad.”
**
Pagkatapos kaming kausapin ng MATINO ng parents ko, sabay kaming pumasok ni Gelo sa school. Medyo awkward kasi ramdam ko pa rin yung tingin ng iba naming schoolmates. Kaya medyo napapayuko ako. Mahiyain talaga ako.
“Chin up, babe.” The moment I heard him say that, namula ang mga pisngi ko. First time niya akong tinawag ng ganon. Kaya ang lakas kung umapekto.
“Hey, I said chin up.” Pilit na hinahawakan ni Gelo yung chin ko pero iniiwas ko yung mukha ko sakanya. Nakakahiya kaya kung makikita niyang namumula ako.
“Babe.” Again, for the second time. What are you doing to me, Mr. Angelo Fernandez?
Sa kaka-iwas ko sakanya hindi ko napansin na nakalipat na siya sa kabilang side kaya hindi ko na talaga siya naiwasan.
“Babe, why are you blushing?” Lalo namang namula ang mukha ko. Pagkakita ni Gelo non, he gave me his sly smile.
“So, BABE, tara na sa classroom, BABE?” Pang-aasar nito habang inaabot nito sa akin ang mga kamay niya. Kinuha ko naman ito at sumabay nang maglakad sakanya.
Nung nasa tapat na kami ng room, bigla siyang bumulong na naging dahilan pa ng sobrang pamumula ng mga pisngi ko…”You look prettier when you blush.”
**
Raiza’s POV
“Henry, makinig ka naman please.” I beg.
“Ayoko na nga, Raiza. Bakit ba ang kulit mo?!” Nakatingin lang ako kay Henry habang sinisigawan niya ako.
“Wag ka namang makipagbreak sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa’yo.”
“Iyon na nga eh. Wala kang ginagawang masama, samantalang ako napakadami kong ginagawang masama. You deserve someone else better than me.”
“P-pero ikaw lang ang mahal ko…” Biglang nagbago ang ekspresyon niya, biglang lumambot.
He held my face, “Bumalik ka na lang sa ex mo, Raiza. Okay? Masyado kang mabuti para sa akin. Hindi tayo bagay.”
“Hindi tayo bagay.”
“Hindi tayo bagay.”
Aalis na sana siya kaso bigla itong napahinto dahil sa pagluhod ko. Ito ang unang beses na gagawin ko ito, wala akong pakialam. Basta wag lang siyang mawawala sa akin kaya kong gawin ang lahat.
“Please, please. H’wag mo akong iiwan…p-please…nagmamakaawa ako.” Nagpatuloy ang pagtulo ng mga luha ko sa mata.
Finally, I heard him sigh.
“Iba ka talaga Raiza.” Lumapit ulit siya sa akin at tinulungan akong makatayo.
Pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luha ko, “H’wag mo na ulit subukang lumuhod ng ganon ha?”
Ngumiti ako at tumango. “I love you.”
Ngumiti lang ito at niyakap ako.
Kailan ko kaya maririnig ang mga salitang gustung-gusto kong ulit marinig mula sakanya?