“Katulad ng sinabi ko kanina. Magkakaroon tayo ng event sa school, and dapat lahat kayo sumali. Walang performance kung may kulang na isa. Naiintindihan niyo ba?” Tanong ng adviser naming at sumang-ayon naman kaming lahat.
“Para sa Intrams ‘to three weeks from now. Contemporary ang theme. Kukuha pa ba tayo ng choreographer?” Tanong ulit ni Ma’am.
“Ma’am si Gelo, magaling sumayaw!” Suggestion ni Shie.
“Oo nga, ma’am.”
Tumingin naman ako kay Gelo. Medyo naiinis yung itsura niya kasi nga kinukulit siya ng mga classmates namin na siya na ang magturo sa amin ng sayaw.
“Angelo, gusto mo ba?”
“Oo na ma’am, basta ba tigilan niyo ‘yang pagtawag sa akin na Angelo. GELO ang name ko, ma’am, Gelo. G-E-L-L-O---“
“Enough with your nonsense words, Angelo.” Napakamot na lang si Gelo sa batok niya. “So I’m expecting our class to win. Okay? Kapag nanalo kayo, I’ll give you additional points for the first periodical. Start practicing now. Class Dismissed.”
Pagkalabas ni Ma’am, tumayo naman si Gelo at pakunwaring sasapukin si Ma’am. Loko talaga ang boyfriend ko.
Lumapit naman agad sa akin si Gelo at nakipagpalit na naman ng pwesto kay Justin.
“Hi Babe.” Gaya ng kanina, namula na naman ako. “Hahaha! You’re blushing!”
“Eh. Dun ka nga.”
“Sus, dito na muna ako. Mapapagod ako mamaya for sure.” Sabi ni Gelo tapos bigla niya akong inakbayan.
“Excited na akong makita kang sumayaw.” Sabi ko sakanya habang dinidikit ko ang left hand ko sa right hand niya.
“Talaga? Excited na rin akong—“
“WOI. MISTER LOVERBOY TAMA NA MUNA ANG LAMBINGAN! PUNTA KA RITO DALI!!!” Sigaw ni Neri sa hindi kalayuan, si Neri kasi ang acting president naming sa room.
Akala ko lalapit na si Gel okay Neri pero hindi, nilapitan pa niya ako at ibinulong, “Kunwari wala tayong narinig.”
“Anukaba, sumigaw yung tao, imposible namang hindi mo maririnig yon. Punta ka na don.” Sabi ko rito sabay tulak ng kaunti sakanya.
“Ayaw.”
“Dali na, Gelo.”
“Ayaw ko.”
“Gelo naman eh.”
“Ayoko.”
“Babe naman, punta ka na don.” Woops. Sinabi ko ba yung word na babe?
Kung kanina nakapout si Gelo ngayon naman nakangisi na siya nang sobrang lapad.
“Paki-ulit nga yung sinabi mo, babe?” Request nito. Nilalayo ko naman yung mukha ko sakanya. Nag-iinit na naman kasi ang mukha ko eh. Kainis na, lagi na lang akong kinikilig.
“Babe, ulitin mo na please?” Hinahawak-hawakan pa nito ang kamay ko.
“Ano nga ulit yung tinawag mo---ARAAAAAAY NERI NAMAN EH!” Bigla akong napatingin nang biglang nagsisigaw si Gelo. Pingot pala siya ni Neri sa tainga.
“Kukunin ko na muna siya sa’yo, Zel ha?” Paalam ni Neri. Tumango na lang ako sakanya nang natatawa.
“WAG MO NGANG TAWAGIN NG ZEL ANG BABE KO! AKO LANG DAPAT ANG TATAWAG SAKANYA NG GANYAN!!!”
Hindi na makapagreklamo si Gelo kasi kinurot na naman siya ni Neri. Ibang klaseng magbabarkada ang mga to. Haha, mga sadista.
“Hi Hazel.”
Humarap ako kay Justin. “Hi.”
“Nakakainis naman no’?” Sabi nito tapos umupo ito sa pwesto niya—kung saan nakaupo si Gelo kanina.
“Hmm, bakit naman?”
“Ayaw ko kasi nang sumasayaw.” Tapos sumimangot ito. Natawa naman ako sakanya kasi nga ang cute cute niya kaya tinap ko yung ulo niya.
“Ang cute mo Justin.” Mas lalo akong natawa nang bigla itong namula.
“A-ahmm, may ibibigay pala akong libro sa’yo.” Sabi niya tapos may kinuha siya sa bag niya.
Pagkatapos niyang kalkalin sa bag niya, binigay niya sa akin yung libro na blue na may title na “The Fault In Our Stars”.
“The Fault In Our Stars?” Hindi kasi ako mahilig magbasa ng libro kaya hindi ako masyading pamilyar ditto.
“Maganda ‘yan. Naisipan ko lan ibigay sa’yo kasi kapangalan mo yung bida.”
“Hazel din siya, wow. Salamat ha? Ibabalik ko na lang sa’yo kapag natapos ko na. Pero baka matagalan pa ha?” Ngumiti ako sakanya habang nilalagay yung book sa bag ko.
“Pwedi mo bang isipin na ako si Augustus?”
May binulong ito pero hindi ko narinig. Bigla kasing nagpatugtog sina Gelo ng song na mukhang iyon ang gagamitin naming para sa sayaw.
“Ah..ano nga ulit ‘yon? Hindi ko kasi masyadong narinig, si Augustus lang ang narinig ko eh.”
Bigla na naman itong namutla. “Ah..y-yun ba? S-sabi ko, mabait yung kapartner ni Hazel sa libro, s-si Augustus.”
“Ganun ba? Na-eexcite tuloy akong basahin. Salamat ulit ah.”
“You’re welcome, Hazel.” Tapos ngumiti ito sa akin.
“CLASSMATES, PILA KAYO RITO. ONE LINE SA BOYS, ONE LINE SA GIRLS. DALI!” Sigaw na naman ni Neri.
Tumayo na ako at pumili sa corner ng girls.
“SA UNAHAN YUNG MGA MALILIIT!” Sigaw ulit ni Neri.
Average lang ang height ko kaya paniguradong nasa gitna ako.
“AYOS NA BA? OH KUNG SINONG MAKAKATAPAT NIYO SIYA NA ANG MAGIGING PARTNER NIYO FOR THE CONTEMPORARY DANCE HA?” Pagkatapos ay pumalakpak na si Neri.
“Hazel, buti na lang ikaw ang kapartner ko. Hindi kasi ako kumportable sa iba eh. Haha.”
Si Justin yung partner ko. Okay lang naman sa akin, mas okay na nga to kasi kahit paano close na kami.
“YAN NA ANG PERMANENT FORMATION AH! WALA NANG MAGPAPALIT.” Nasa harapan naming si Neri habang sinasabi iyon.
Bumukas yung pinto, akala ko yung next teacher na pero si Gelo lang pala na may dalang laptop.
“Okay na ba?” Tanong nito kay Neri, Tumango lang sakanya si Neri.
“Yung pinatugtog naming kanina yun yung sasayawin natin. Bleeding Love. Familiar naman siguro kayong lahat sa kantang iyon diba?” Tanong ni Gelo. Sumigaw naman lahat ng ‘Oo”.
“Alam ko na alam niyo na kung tungkol saan ang kanta kaya hindi ko na i-eexplain. Classmates, contemporary yung dance natin kaya dapat with feelings. Kailangan dito ang emotion. Kung kinakailangan mong umiyak, umiyak ka. Basta dapat nadadala mo yung audience sa emotion mo. Maliwanag ba?” Tumango naman ang lahat.
Binuksan ni Gelo yung laptop at pinanuod sa amin yung isang video na may isang lalaki at babae na sumasayaw ng Bleeding Love.
Rinig na rinig yung mga tilian ng mga kaklasi kong babae habang nanunuod. Nakakakilig naman kasi talaga yung sayaw sa una.
“Okay na ba sainyo kung iyan ang sasayawin natin?” Tanong ni Gelo sa amin.
Kahit yung iba parang ayaw yung sayaw, nahihiya naman silang magsabi kaya sumang-ayon na lang lahat.
“Ahm, hindi ba’t parang masyadong mabilis yung galaw?” Tanong ko. Ngumiti naman sa akin si Gelo.
“Hip-hop type kasi ito pero sige babagalan natin ng kaunti.” Sagot nito sa akin.
“Ayiieh naman, loverboy, kapag si ‘Zel talaga wala kang magawa ‘no?” Nagtawanan naman lahat sa sinabi ni Neri.
“AKO LANG NGANG MAY KARAPATANG TUMAWAG SAKANYA NG ZEL!!!”
Hindi na lang pinansin ni Neri yung sigaw ni Gelo, kahit nga ako napailing na lang.
“So, pag-aralan niyo to ha, para hindi na kayo mahirapan kapag practice na. Isearch niyo na lang sa Youtube yung ‘Bleeding Love Dance Interpretation’ yung pinaka-first video na makikita niyo, iyon na yun.” Pinatay na ni Neri yung laptop. “Go back to your proper places now.”
“Zel, palit tayo ng partner.” Biglang bulong sa akin Neri.
“Huh? Bakit?” Nakakahiya naman kasi kung ka-partner ko si Gelo, ang galing naman kasi niya eh.
“Sige na…crush ko kasi yung partner mo eh.”
“Crush mo si Justin?” Tanong ko sakanya. Bigla naman itong tumango.
“Ahhmm.” Biglang nagningning yung mga mata niya, “Itatanong ko muna kay Justin ha?” tapos bigla naman itong nalungkot.
Pumunta na ako sa pwesto ko at nilapitan si Justin.
“Ahm, Jas, tinatanong ni Neri kung pwedi ba daw siyang makipalit sa akin ng partner. Gusto mo ba?” nakangiting tanong ko sakanya.
“Ayoko nga, gusto ko ikaw ang partner ko.”