Hazel’s POV
Sinayaw nina Neri ag Gelo yung Bleeding Love para ipakita muna sa amin bago nila ituro.
“Nakuha niyo ba? Dapat ganon ang emotion. Okay?” Pinatay ni Gelo yung music tapos pumwesto na. “Punta na kayo sa mga formations niyo.”
Tinuro niya yung first step, nakuha naman namin kasi madali lang siya. Pero si Justin medyo hirap siya sa mga steps. Siguro dahil hindi lang siya kumportable.
“Ulitin niyo nang kayo lang.” Sabi ni Gelo habang tinitingnan kaming lahat. Umayos naman kami at sinumulang sayawin yung tinuro niya.
“Okay na!” Nakangiting kumento nito tapos tumingin ito sa gawi naming ni Justin, “Konting gilas pa, pre.”
Pagkatapos ay tinuro na ang next steps. May part dun na ilalapit naming ang mga mukha naming sa isa’t isa ng partner ko.
After ilang minutes natapos din naming ipractice iyon kaya pinatingin namin ulit kay Gelo.
Nagsimula na kaming sumayaw ni Justin kasabay ng mga ibang classmates namin. Alam ko na ang steps kasi pinag-aralan ko na siya kagabi, isa din sa hilig ko ang pagsasayaw. Pagkatingin ko naman kay Justin, pulang-pula ang mukha niya.
Nung nasa part na kami na ilalapit na naming ang mukha naming sa isa’t isa, biglang sumigaw si Gelo.
“Yan! Okay na, next step na.” Sabi nito habang pinapatay ang music. Umiwas pa nga ito ng tingin sa akin.
“Jelly jelly jelly~” Kanta ni Neri habang ngiting-ngiti.
Nagsimula na namang magturo si Gelo. May part dun sa sayaw na ididikit ko ang mukha ko sa likod ni Justin. Medyo uncomfortable pero para sa performance kaya namin ginagawa ‘to.
Pinakita na naming ulit yung sayaw kay Gelo. This time hindi na ito tumitingin sa amin, dun sa ibang classmates na lang namin.
“O-okay. Good.” Pinatay muna nito ang music bago magsalita ulit, “Five minutes, water break muna.”
Pumunta agad ako sa pwesto ko para kunin yung binili kong mineral water tapos lumapit ako kay Gelo. Nakaupo ito sa teacher’s desk habang pinapanuod yung video na pinanuod namin kahapon, yun yung video na sinasayaw namin.
Kumuha ako ng isang chair tapos umupo ako sa tabi ni Gelo at ipinatong yung bottled water sa tabi ng laptop nito.
Napatingin naman siya sa akin tapos ngumiti. “Oh, babe, ang galing mong sumayaw kanina.”
“Ikaw nga ang magaling dyan eh.” Kinuha ko yung isa pang mineral bottle tapos ininum ko.
Nakita kong kumuha ng panyo si Gelo tapos bigla itong lumapit sa akin at pinunasan ang mga pawis ko sa mukha. Namula na naman ako nang dahil sa ginawa niya.
Pagkatapos niyang punasan ang mukha ko. Binigay naman niya sa akin yung panyo niya. Napangiti na naman ako, alam ko na kasi kung anong gusto niyang mangyari.
Lumapit din ako sakanya para mapunasan ko ang mukha niya. Nakatingin lang ito sa akin habang pinupunasan ko siya. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga tainga niya na nangangahulugang kinikilig ito.
Kinuha nito ang mineral water ko at ininom. Napailing na lang ako, ang pilyo kasi, binilhan ko na nga siya ng ibang bote tapos iyon pa rin ang ininom.
“Indirect kiss din ito, babe.”
“WOY! ANONG INDIRECT INDIRECT! TAPOS NA ANG FIVE MINUTES DONG!”
Natawa na lang ako nang biglang sumingit si Neri sa amin. Nakakatawa kasi yung reaksyon ni Gelo parang inis na inis na ito.
Wala naman siyang nagawa kundi tumayo. Tapos inipon na kaming magkakaklasi para ituloy na ang practice.
“From the start muna tayo bago ituloy ang next steps.” Pinlay na nito ang music at nagsimula na kaming sumayaw.
Nung sa part na magdidikit na ang mukha ko sa likod ni Justin bigla na namang ini-stop ni Gelo ang music.
“Okay. Next part na.” Sabi nit tapos tinuro na sa amin ang next steps.
May part doon na yayakapin ko si Justin. Madami ngang nagreklamo dun sa step pero wala naman silang magagawa dahil nag-agree na sila kahapon.
Medyo natagalan bago naming matapos ipractice yung part na iyon, may ibang girls kasi na ayaw gawin yung part nila.
Nung natapos na naming yung part na may yakapan. Ipinakita na naman ulit namin kay Gelo.
Nung sumasayaw na kami, dun sa part na nakayakap na ako kay Justin bigla naming narinig ang pagkahulog ng phone. Napatingin kami sa unahan, nakatingin sa amin si Gelo at yung phone niya ay nasa sahig.
Bigla naman kaming napahinto sa pagpa-practice.
“Ahm. D-dahil hindi makasunod si Justin, magpapalit na lang kami ng partner. Para magabayan siya ni Neri sa pagsasayaw.” Anunsyo ni Gelo.
Gelo’s POV
Kanina pa talaga ako naiinis, paano ba naman kung makangiti yung Justin na iyon parang nanalo ng Lotto. Bakit ba naman kasi ito pa yung piniling sayaw ng Neri’ng yan!
“Hoy, Mr. Loverboy, wag mo ngang patayin sa titig si Loves ko.” Bulong sa akin ni Neri habang sumasayaw. Nahahalata ko rin na may crush itong si Neri dun kay Justin.
“Tignan mo kaya siya. Parang ineenjoy niya ang girlfriend ko.” Angal ko kay Neri.
“Bakit hindi ka kasi makipagpalit ng partner?”
“Alam ko namang hindi makakapag-concentrate si babe ko kapag ako ang kapartner niya, sa gwapo kong ‘to.” Sabi ko habang patuloy lang kami sa pagsayaw.
“Yun na eh, maniniwala na sana ako kaso dinagdagan mo pa!” Hindi ko na lang siya pinansin. Nagsayaw lang ako doon, dami na rin pala naming na-practice. Nagra-rush kasi kami, kahit three weeks pa before the competition. Medyo mahirap din kasi yung sayaw at saka hindi lang naman to yung gagawin naming activity para sa Intrams.
“Aminin mo na kasi na kaya ayaw mong maging ka-partner si Zel kasi baka madistract ka! In love ka na talaga ‘tol!” Pang-aasar pa rin nito. Sige na nga, tama siya. Baka hindi ako makapag-focus sa pagsasayaw kapag siya ang kapartner ko.
“Okay guys, uulitin pa natin ulit pagkatapos isayaw niyo nang kayo lang ha?” Sabi ni Neri sa mga classmates namin.
Inulit pa nga naming yung part na may yakapan. Hindi muna ako tumingin sa gawi nina Justin baka kasi hindi ko kayanin yung inis.Nung natapos na naming ulitin ulit. Ito na yung time na papanuorin lang naming silang sumayaw, para makita naming kung sino ang hindi nakakasunod.
“Tignan mo sina Justin, ‘tol.” Automatic naman akong napatingin sa gawi nina Hazel.
Nakayakap si Hazel kay Justin. Kitang kita sa mukha ni Justin na kinikilig ito. Ewan ko, pero lalo na naman akong nagalit. Alam ko namang walang ginagawang masama si Hazel pero hindi ko mapagkatiwalaan si Justin, halata naman kasi na gusto nito ang girlfriend ko.
Bakit kasi may payakap-yakap pa yung dance na ‘to. Kasalanan to ni Neri eh!
“Ooooops.” Mahinang sabi ni Neri kaya napatingin ako sakanya tapos tumingin ako sa sahig kung saan siya nakatingin. Nahulog na pala yung cellphone ko nang hindi ko namamalayan.
“Jelly jelly jelly~” Kanina pa to kinakanta ni Neri, hindi ko nga alam kung kinomposed niya yon? Or wala lang talaga siya sa tono.
“Ahm. D-dahil hindi makasunod si Justin, magpapalit na lang kami ng partner. Para magabayan siya ni Neri sa pagsasayaw.” Anunsyo ko. Nakatingin na kasi silang lahat sa akin nung nahulog yung phone ko.
“Waah. ‘Tol! Salamat! The best ka talaga! Babayarin ko sa’yo to, kahit anong hilingin mo. Hihi.” Bulong sa akin ni Neri, Ano bang meron to dun kay Justin? Bakit ba patay na patay itong babaeng pinaglihi sa Enervon sa kanya?
Nakita kong nag-usap muna sila Neri and Hazel bago pumunta si Hazel sa pwesto ko.
“Gelo, anong problema mo?” Tanong nito sa akin. Napasimangot naman ako sakanya, hindi ba talaga niya napapansin na nagseselos ako. Hmp lang.
“Wala.”
“Ano nga?” Tanong niya ulit.
“Wala nga.” Nilayo ko yung tingin ko sakanya. Pero sadyang makulit siya at talagang pumunta pa siya sa harapan ko.
“Anong problema?” Nakataas na ang kilay nito habang nagtatanong. Wala na. Talo na ako sa babe ko.
“Nagseselos kasi ako dun sa Justin.” Sabi ko sakanya. Bigla na naman itonng namula.
“A-anu ka ba! Sayaw lang ‘to no!” Sabi niya. Lumapit naman ako sakanya tapos hinawakan ko yung pisngi niya.
Ngumiti naman ako sakanya habang nakahawak ako sa pisngi niya, “Ang cute mo babe.” Iniwas na naman nito ang tingin sa akin. Lalong namula ang pisngi nito. Ang cute talaga ng girlfriend ko.
“ANO BA NAMAN YAN, ANGELO FERNANDEZ!!! ALAM NAMIN NA CUTE SI ZEL KAYA KUNG PWEDI LANG SIMULAN NA NATIN ITONG PRACTICE! GUSTUNG-GUSTO KO NANG MAKASAYAW SI—“
Sumigaw na naman si Neri.
“HOY—“ Sisigaw rin sana ako pabalik kaso sumigaw na naman siya.
“ALAM KO NA ANG SASABIHIN MO TOL!” Sigaw ni Neri.
“Oh ano?”
“Ehem. ‘AKO LANG ANG MAY KARAPATANG TUMAWAG SAKANYA NG ZEL’!!!” Ginaya pa talaga ang boses ko. Sira ulo talaga.
“Mali kaya!” Pagsisinungaling ko, iyon naman talaga ang sasabihin ko.
“Weh?”
“Oo kaya! Ang sasabihin ko sana, WAG KANG MASYADONG ATAT NA MAKASAYAW ANG LOVES MO!!!” Sigaw ko sakany. Sabay kaming natawa ng babe ko nang biglang namula si Neri samantalang si Justin mukhang naiinis lang.
“Okay, game na.” Nung pinlay ko na yung music bigla ko namang naisip na baka hindi pa alam ni Hazel yung ibang steps.
Tatanungin ko na sana siya kung alam niya pero hinawakan lang nito ang kamay ko sabay ngiti at sabi ng, “Napag-aralan ko na siya kagabi, don’t worry.”
Ito na nga ang sinasabi ko eh, di pa nga kami nagsisimula kinikilig na ako. Nakakabakla talaga, putcha.
“Okay, ulitin natin yung last step. Sabay sabay muna tayong lahat.” Inulit ko yung song sa simula.
Nagsimula na kaming sumayaw. I tried to be professional, kaso kapag si Hazel ang kasama ko hindi ko magawa.
Nung nasa part na yayakapin na ako ni Hazel, bigla akong nagyelo. Hindi ako mapakali. Sh*t, ang hirap namang pigilan ang kilig. Bakit ba kasi sa babae, normal lang ang kiligin.
Nakayakap na sa akin si Hazel. Pero ewan ko ba pero hindi ko siya pinakawalan. Nakatingin lang kami sa isa’t isa. Bigla na naman akong kinabahan, natataranta, hindi mapakali o ano pang synonyms ng mga ‘yon. Ramdam ko yung pagbilis ng t***k ng puso ko. Corneto naman oh! Nakakabakla talaga tong nararamdaman ko.
Nakayakap pa rin siya sa akin at ako naman ay nakahawak sa bewang niya, ayaw ko siyang pakawalan. Napatingin naman ako sa mga labi niya, ewan ko ba pero parang gusto ko siyang halikan. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya hindi ko na mapigilan kung hahalika—
“Ops ops. Rule #23, NO PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION ALLOWED.”
Napabitaw kami ni Hazel sa isa’t isa nang marinig naming nagsalita si Ms. President, si Neri. Kung hindi ko lang pinsan to...tsk, istorbo talaga.
Nakangiti naman silang lahat sa amin. Nung tinignan ko ang babe ko, sobrang pula ng mukha niya.
Sisimulan na sana naming ulit yung practice kaso bigla namang tumayo si Neri sa teacher’s desk.
“Ehem. So class, I know na pagod na kayo. Kahit ayaw ko pang itigil yung practice but I think kailangan ng REST ang ating gwapong Choreographer. Tomorrow na lang natin ituloy yung practice, okay?” Sabi nito. Humanda ka sa akin, pinsan. Tsk. Istorbo talaga, yun na yun eh, malapit na sana eh.
Aalis na sana si Hazel kaso pinigilan ko siya. Hinawakan ko yung kamay niya kaya napatingin siya sa akin.
Huminga naman ako nang malalim bago magsalita, “Babe, sabay tayong maglunch?”
Ngumiti naman ito, “Osige, ipinagdala ka ni mama ng lunch.”
“Babe naman, bakit hindi mo sinabi. Edi dalawa ang dala mong lunch? Hindi ka ba nabigatan?” Sunud-sunod kong tanong sakanya.
Kinurot naman nito ang pisngi ko, “OA ka. Hahaha. Hindi naman mabigat.”
This time, hindi ko na siguro mapipigilan. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.
“Tara, babe, kain na tayo.”
Ang hirap talagang magpigil.