Chapter 13

1212 Words
Hazel’s POV Hihilain na sana ako ni Gelo papuntng cafeteria kaso pinigilan ko siya. Sinabi ko sakanyang pinagdala siya ulit ni mama ng lunch kaya dito na lang kami kumain. Pinaupo niya ako sa inuupuan namin kanina nung water break, sa may teacher’s desk. Tapos kinuha niya sa may pwesto ko yung dala kong lunch box. Pagkabalik niya siya na ang nagbukas ng lunch box ko. Tahimik lang ako habang pinapanuod siyang ihanda yung pagkain namin. “Ang tagal mo naman.” Biro ko sakanya. “Babe naman, tine-treasure ko pa itong moment eh.” Tapos kinindatan pa niya ako. Napailing na lang ako sa kalokohan niya. “Pero Gelo maiba ako, magkakilala na ba dati sina Neri and Justin?” Wala akong maisip na topic kaya iyon na lang ang tinanong ko kahit na hindi naman ako interasado sa issue between Neri and Justin. Ang boring naman kung wala kaming pag-uusapan habang kumakain. “Ewan ko ba dun sa pinsan kong iyon, patay na patay siya kay Justin. Hindi naman kasi masyadong pala-kwento si Neri eh. Pero napakadaldal naman niya.” Sagot nito habang ibinibigay sa akin yung kutsara. “Isa lang ang kutsara’t tinidor?” Tanong ni Gelo. Binuksan ulit nito yung bag para makasiguro. “Ah, oo. Sa akin lang talaga dapat iyan eh pero kilala mo naman si mama eh. Pang-dalawang katao yung nilalagay niyang pagkain ko.” Kinuha ko yung tinidor sakanya at ipinagpalit iyon sa kutsarang ibinigay niya sa akin. “Ako na lang ang magti-tinidor, ikaw na ang gumamit ng kutsara.” “Ayaw.” Kinuha nito sa akin yung hawak kong kutsara. “Susubuan na lang kita, babe.” “Wag na. Baka hindi ka lang makakain nang maayos.” Pagtanggi ko, at saka baka mahirapan na naman akong magpigil ng kilig eh. “Wag ka nang magreklamo, babe. Wala namang magagawa yan.” Iniangat nito yung kutsara kaya wala na akong ibang nagawa kundi isubo iyon. Sunud-sunod na akong sinusubuan ni Gelo. Halos maubos ko na yung pagkain pero napapansin kong hindi pa rin siya kumakain. “Ayaw mo ba yung ulam?” Tanong ko sakanya, baka kasi ayaw niya ang ulam kaya hindi ito sumusubo. Imposible naman kasing nahihiya lang ito sa akin. Ang taas kaya ng confidence niya. “Wala naman akong hindi gusto sa pagkain babe. Napansin ko lang na pumapayat ka kaya dapat ikaw lang ang kumain nito.” Sagot nito tapos sinubuan na naman niya ako. Sobrang busog na ako kaya pinigilan ko na si Gelo nang susubuan pa sana niya ako ulit. Kinuha ko sakanya yung kutsara nang dahan dahan baka kasi mahulog yung pagkain na nasa kutsara. Pagkatapos ay itinapat ko iyon sa tapat ng bibig ni Gelo. “Say ahh.” Nakangiting sabi ko. Natatawang sumunod naman si Gelo at saka ko napansin ang pamumula ng tenga nito. Kinikilig na naman ito. Sinubuan ko lang siya nang sinubuan. “Ikaw naman.” Kukunin pa sana niya ulit yung kutsara kaso pinigilan ko siya. Kumuha na naman ako nang kanin at saka ng ulam gamit ang kutsara para subuan ko siya. “Ang dami naman niyan, babe.” Reklamo nito. Natawa naman ako sakanya, aminado akong naparami yung laman nung kutsara. “Open your mouth.” I told him. Nung una ayaw niya, parang ine-estimate pa niya kung paano magkakasya yung pagkain sa bibig nito kaya bahagya ko siyang kinurot. Wala naman itong nagawa kundi i-open ang mouth nito. “Hahahahaha.” Ang cute kasi nito habang lumolobo yung pisngi nito. Tumayo ako saglit para kuhanin yung maliit na water jug ko sa seat ko. Binuksan ko iyon at ibinigay kay Gelo. Agad naman nitong ininom iyon. “Ang dami non babe. Sandali lang.” Kinuha nito yung kutsara at kumuha ng pagkain. Tatakas sana ako kaso nahawakan na niya ang isa kong kamay pa ako makatayo. Kaya no choice. “Open your mouth, babe.” Nakangising sabi nito habang hawak yung kutsara. Nag-frown na lang ako. Bahala kang mangawit dyan. “Babeee, here comes the airplane.” Ginalaw galaw pa nito sa tapat ko yung kutsarang puno ng pagkain. Idinikit na talaga ni Gelo yung kutsara sa bibig ko kaya no choice na talaga. Binuksan ko yung bibig ko at hinayaang ipasok ni Gelo yung kutsara. Tumawa ito nang malakas nang nasa bibig ko na lahat ng pagkain. Hmp. “Ang cute mo talaga, babe.” Ibinigay nito sa akin yung water jug na pinag-inuman niya kanina. “Ang daya, mas marami yung akin!” Tumawa na lang ito pero bigla itong tumigil nang tumingin sa mukha ko. Bigla naman akong kinabahan kasi palapit ito nang palapit sa mukha ko. “Babe…” Napapikit ako nang mariin. Naramdaman ko na lang ang pagdikit ng kung anong bagay sa gilid ng labi ko. “Ayos na babe.” Minulat ko naman yung mata ko nang marinig ko ang sabi niya. Pwew, akala ko kung ano na. Inalis lang pala ni Gelo yung dumi ko sa may gilid ng labi ko. “Babe, date tayo this Saturday night, after practice. Pwede ka?” Tanong ni Gelo habang sinisimulan na nito ang pagligpit sa mga pinagkainan namin. “Saturday? Hindi pwede eh. Magsisimba kami nina papa ng gabi.” Hinawakan ni Gelo yung kamay ko at sabay kaming pumunta sa seat ko. Umupo naman ito sa upuan ni Justin pagkatapos iayos yung lunch bag and water jug ko sa may ibaba ng upuan ko. “Next week na lang?” hinawakan nito ang kamay ko. “Sumama ka na lang kaya sa amin sa Saturday?” Hindi naman siguro masama kung magsisimba kami together. “Sure. Anong oras—“ “HEPHEP! Ano yan?” Sumingit sa usapan namin si Neri kasunod niyang pumasok si Justin. “Wala.” Nakukulitang sagot ni Gelo sa pinsan niya. “HMP. Sama kami ni Justin!” Pangungulit ni Neri. Napakamot na naman sa batok si Gelo na mukhang inis na inis na kay Neri. “Hindi ka pwede dun!” Natawa na naman ako sa sagot ni Gelo. Ang sama. Parang sinasabi na rin niya na bawal si Neri sa simbahan. “Unfair! Tandaan niyo na napakabata niyo pa para gawin ang bagay na maaring makasira sa kinabukasan niyo---“ Hindi natuloy ni Neri yung sasabihin niya dahin nabatukan na siya ni Gelo. “Ang green-minded mo talaga! Pagamot ka na! Masyado nang lumot ang utak mo.” “Eh kung sanang sinabi niyo na kung saan kayo pupunta edi sana hindi na ako nag-isip ng kung ano. Hmp.” Inalis ko yung pagkakahawak ni Gelo sa kamay ko bago sagutin si Neri. “Hindi ka nga pwedeng sumama—“ “Magsisimba kami this Saturday night, sama ka?” Nakangiting pag-iimbita ko kay Neri. Ngumit naman ito nang malapat at hinila si Justin palapit sakanya. “Sige! Sama kami.” “Pero—“ Tatanggi sana si Justin kaso hindi natuloy. Hinampas kasi siya ni Neri sa may braso. Kawawang bata. Ramdam ko naman ang paghawak ni Gelo sa kamay ko. “May mga istorbo na naman…” Bulong nito sa akin. Kinurot ko na lang siya nang mahina. Wala na siyang nagawa. He just let go a sigh. Nagseselos na naman ang boyfriend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD