Chapter 14

2308 Words
Gelo’s POV “Babes? Ayaw mo bang kami na lang pumunta dyan sainyo?” [H’wag makulit. Papunta na kami, may dumaan pa kasi sa amin kanina. Bye na muna ha? See you!] Kanina pa kami naghihintay dito sa bahay nila Neri, pumunta kasi ako sakanila para magmadali na si Neri para kapag nandito na sina Zel, sasakay na lang kami. Gusto ko na kasi siyang makasama ulit. Ewan ko ba, eh sa namimiss ko siya agad. “Oy, magsisimba po tayo, hindi tayo aattend ng debut. Ang OA ng ayos mo, insan.” Kanina ko pa kasi napapansin na tingin nang tingin ito sa salamin tapos lagi niya akong tinatanong kung okay lang ba ang suot niya. Sa totoo lang bagay naman sakanya pero hindi bagay sa pupuntahan namin. “You don’t care!” She answered me. Tapos dinagdagan na naman niya ang nilalagay niya sa mukha niya, hindi ko lang alam kung ano yon. “Hoy Neri! OA na ‘yan ah! Tigilan mo na nga yan! Para ka nang ilalagay sa kabaong niyan eh!” Kinuha ko sakanya yung pabilog na nilalagay niya sa mukha niya na lalong nagpaputi rito. Naaasiwa kasi ako kapag nakikita ko siyang nagpapaganda. Hindi nga nito hilig ang mag-make up lalo na nag mag-dress kaya sobrang nagtaka ako kung bakit bihis na bihis ito ngayon samantalang magsisimba lang naman kami. “Ang KJ mo talaga no? Minsan na nga lang ako mag-ayos eh!” Binato pa nito sa akin yung maliit niyang bag. Buti na lang nasalo ko kundi baka magkabukol pa ako, matigas pa naman yung bag na yon. “Sumosobra ka na ah!” Lulusubin ko na sana siya kaso biglang may bumisina. “Pasalamat ka.” Kinuha ko na lang yung bag niya at saka nauna na saknayang naglakad, “Hoy Neri! Bilis bilisan mo dyan, naiinip na Babes ko!” “Wait lang. Papalitan ko sandal yung sapatos ko, ang sakit kasi sa paa eh!” Sigaw nito pabalik. Napakamot na naman ako ng ulo. Ano bang trip nitong babaeng to?! Nagmadali akong balikan siya at saka ko siya hinila palabas ng gate. Kung hindi ko pa siya hinila baka maabutan pa kami ng isang oras. Nagdadalaga na si insan. “Hi Babes.” Nakabukas na yung kotse nina Hazel tapos nakatayo siya sa labas. Simple lang ang suot nito pero halata pa rin ang ganda niya sa mukha. Ngumiti ito sa akin bago niya sinenyasan na mauna nang sumakay sa kotse. “Mauna kana, Babes.” Hinawakan ko pa siya sa may siko niya para alalayan siyang pumasok. “Sige na mauna ka na.” “Hephep, nandito rin po ako. Zeeeel, nandyan na ba si Justin?” Sasabihan ko pa sana na ako lang ang pwedeng tumawag sakanya ng ‘Zel’ nang biglang sumagi sa utak ko si Justin. Sasama nga rin pala siya. Siguradong siya na ang susunod na susunduin nina Tita. “Babes, pasok ka na.” Mahina kong tinulak papasok si Zel. Kapag siya ang nasa dulo, siguradong ako lang ang katabi niya. Nung nakaupo na si Zel sa loob, sinilip ko muna siya. Biglang kumunot yung noo ko sa nakita. “Bakit nandyan na yan?” Bigla kong natanong. Alam kong ang bastos nang pagkakatanong ko, pero masisisi niyo ba ako kung naiinis talaga ako sa lalaking yan. Sumilip na rin sa loob si Neri para tignan kung anong tinutukoy ko. Nung nakita niya si Justin nagmadali itong pumasok sa loob. “Insan, ako muna.” Awat ko sakanya. Hindi niya ako pinakinggan, tuloy tuloy pa rin itong umupo sa tabi ni Hazel. Kung minamalas ka nga naman oh, kanina pa akong excited na makasama ang babes ko tapos biglang ganito?! Ni hindi ko man siya katabi. Tsk. “Gelo, hijo. Umupo ka na para makaalis na ta’yo.” Tawag sa akin ni Tita kaya wala na akong nagawa kundi umupo na lang sa tabi ni Neri. Naka-one point na naman ang Justin na iyan ah. “Nakakainis naman ‘tol, sana ako na lang ang naunang pumasok. Tsk. Sayang yung chance.” Bulong sa akin ni Neri. Hindi na lang ako sumagot, bigla kasi akong nawala sa mood. Ang galing lang ng Justin na yan. Siguradong nagpunta pa siya sa bahay nina Zel para siya ang maunang pumasok. Nice move. Kakasuka. Pwe. “Nilalamig ka ba?” Narinig kong tanong ni Justin kay Hazel kaya napatingin ako sakanila. Hindi pa sumasagot si babes ko pero agad na niyang nilagay yung dala nitong jacket sa may harapan ng babes ko. Ano ba naman yan, maglalagay lang ng Jacket hindi pa marunong. Ngumiti naman si Hazel rito at saka nagpasalamat. Umiwas na lang ako ng tingin sakanila. “Justin, nilalamig din ako.” Sabi ni Neri. “Sorry, isa lang ang dala kong jacket eh.” Narinig kong sagot nung asungot na ‘yon. Aba, ang sama nito sa pinsan ko ah! “Hmp.” After non, bigla na lang nanahimik. Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa simbahan. Nagmadali akong lumabas para pumunta sa kabilang side para salabungin ang babes ko. Baka dumadamoves na naman itong asungot na to. At hindi nga ako nagkamali, talagang kung makaasta ito parang siya ang boyfriend. Lalapitan ko na sana sila kaso bigla naman akong hinatak nitong pinsan ko. “Oh?!” “Insan, ang sakit ng paa ko.” Reklamo nito habang nakaupo pa sa loob ng kotse. “Yan kasi eh, kung makapag-high heels ko feeling mo kaya mo. Bahala ka nga dyan.” Inalis ko yung pagkakahawak niya sa shirt ko. Pero nung lalapit na ulit ako kay Hazel bigla namang natumba itong pinsan ko kaya todo-rescue naman ako sakanya. “Insan naman eh.” Reklamo ko sakanya habang tinatayo siya. “Bakit ka ba kasi nag-high heels?” Tanong ko sakanya habang inaalis yung dumi niya sa may tuhod. “Sabi kasi ni Justin, gusto niya yung mga babaeng kasing-tangkad ng babes mo. Eh mukhang nagkulangan ako sa height eh.” Tsk. “Bakit ba kasi tinamaan ka don?” Tanong ko rito. Habang inaalalayan siyang maglakad. “Gelo, pasok na tayo sa loob.” Tumingin naman ako sa kay Hazel. Ang ganda niya talaga. Bigla naman itong napatingin kay Neri na inaalalayan ko, “Anong nangyari?” “Sumakit daw yung paa. Nag-high heels kasi samantalang hindi naman siya sanay.” Tinignan ko muna si Neri. “Kaya mo na?” Hindi ito sumagot, tumango lang ito sa akin. “Babes, tara na.” Hinawakan ko na yung kamay ni Hazel. Pero nung maglalakad pa sana kami, nakarinig kami ng mahinang kalabog sa likuran namin. Nagmadali kong pinuntahan si Neri. Nadapa na naman kasi siya nang dahil sa sapatos niya. “Sa susunod kasi, ‘wag mong pilitin ang hindi mo naman kaya.” Pinagsabihan ko pa ito. Pero may isang parte sa akin na naaawa ako para sa pinsan ko, hindi naman kasi siya ganito dati. Pero nung dumating si Justin bigla siyang naging trying hard sa mga ganitong bagay. Nasa tabi ko lang si Hazel habang inalalayan ko si Neri. Pumasok na kami sa may simbahan, pero nasa may bandang likuran lang kami umupo, para hindi na rin mahirapang umupo itong si Neri. Katabi ko si Hazel at si Neri tapos nasa may tabi naman ni Hazel sina tita, may space pa dun sa katabi ni Neri, nireseve niya daw yon para kay Justin. Hindi ko lang alam kung nasaan si Justin, bigla kasing nawala. Pero mas okay nang wala siya. “Insan, pakuha naman nung ballpen ko sa ilalim.” Request ni Neri, wala naman akong magawa kundi sundin yon. Baka isumbong pa ako nito sa mama ko. Nung nakuha ko na yung ballpen, tumayo na ako. Nasira ang porma ko dun ah. Kumunot na naman ang nook o nung nakita kong nakaupo si Justin sa pwesto ko. Magrereklamo sana ako kaso bigla namang tumunog yung bell at nagsitayuan ang lahat. Dumating na pala yung pari. Wala na akong nagawa kundi umupo na lang dun sa tabi ni Neri. Naka-point na naman yang si Justin. Nung nakaupo na kami bigla akong binulungan ni Neri, “Ehem. Kawawa ka naman, ‘tol.” Tinignan ko naman siya nang masama. Hindi naman ito natakot, tumawa nga lang ito nang mahina. “Yung ballpen ko?” Tanong nito sa akin habang naka-smirk pa. Dahil sa inis ko, binitawan ko na lang nang basta basta yung ballpen niya. “Kaw nang bahalang kumuha dyan.” Bulong ko rito. “Ang sama mo talaga!” Sabi ko na nga ba, mapipikon rin ‘to. Magkadugo yata kami. Parehas kaming pikon. Siniko ako ni Neri nung biglang bumaba si Justin sa pwesto niyo. Pero mabilis rin itong nakabalik sa pagkakaupo. “Eto.” Narinig kong sabi ni Justin habang binibigay kay Neri yung ballpen niya. “Hihi thanks.” Ni hindi man pinigilan ni Neri yung kilig niya. Tsk. Nagconcentrate na lang ako sa misa. Pero hindi ko pa rin maiwasang tumingin sa gawi nina Hazel. Tahimik lang din sila habang nakikinig sa pari. Buti na lang. “Ayan! Ayaw sumulat ng ballpen ko.” Muntik na akong natawa nung bigla napatingin ang ibang tao sa gawi namin. Bigla kasing nagsalita nang malakas si Neri. Hindi na nahiya. “Dala mo ba cellphone mo?” Tanong nito sa akin. Sinabi ko sakanya na drainbatt, kahit hindi naman. “Justin, pahiram ng cellphone.” Tanong ni Neri kay Justin. “Wala akong cellphone.” Sagot ni Justin. Ano ba naman ‘yan, wala siyang cellphone? Tao ba yan. Tsk. “Gamitin mo na lang to.” Pinahiram ni Hazel yung iphone niya kay Neri. “Ayun. Dabest ka talaga! Salamat Zel.” Mahinang sabi ni Neri. SIniko ko naman siya. Sinabi nang ako lang dapat ang tatawag sakanyang Zel eh. “Anong password nito?” Mahinang tanong ulit ni Neri. Sumagot rin naman nang mahina ang babes ko, “0701” Napatingin naman ako sakanya tapos sabay kaming ngumiti. 07/01. First of July, iyon yung date na naging kami. Hindi ko na sana iaalis yung tingin ko sakanya kaso sinenyasan niya ako na makinig sa misa. Dahil masunurin ako kay Kumander, tumingin na lang ako sa pari. Kahit na hindi ko alam kung naiinindihan ko ba ang mga sinasabi nito. Siniko na naman ako ni Neri kaya napatingin ako sakanya. Pinakita naman nito sa akin yung iphone ng babes ko. “Mukha kang tao dito oh.” Tinuro pa nito yung mukha ko dun sa wallpaper ng babes ko. Isang stolen shot iyon habang nagdadrive ako. Kung hindi ako nagkakamali, iyon yung araw nung hinalikan ko siya. Hindi ko napigilang ngumiti, patay na patay talaga sa akin ang babes ko. Dun ko narealized na wala pa pala kaming picture together. “Hoy, pigilan mo yang ulo mo. Lumalaki na naman oh. Kitams? Wag kang assuming, magaling lang talagang kumuha ng pictures si Hazel kaya ka nagmukhang tao rito, tol.” Bulong na naman sa akin ni Neri, hindi ko na lang siya pinansin. Kaya nagpatuloy na lang ito sa pagtype nang kung anu-ano sa phone ni Zel. Sinusulat kasi nito yung gospel ngayon para sa weekly requirements namin sa school. ** Nung kakanta na ng “Our Father” gusto ko na sanang makipagpalit ng pwesto kay Justin para kami ang maghawakan ng kamay ng babes ko kaso hindi ko na nagawa kasi nagsimula nang kumanta ang choir. Nagtiis na lang ako hanggang sa matapos yung misa. “Tol, kaw na munang umalalay sa pinsan ko ha?” Pagkatapos kong sabihin iyon kay Justin ay mabilis akong lumapit sa pwesto ni Zel. “Tito, dun muna kami ha? Sa may likod ng simbahan. Babalik din po kami kaagad.” Nung pumayag ang parents ni Zel, pumunta na kami sa may likod ng simbahan. Doon yung tinatawag na wishing area. Meron kasing malaking wishing well doon at doon sila nagsisindi ng kandila para sa mga prayers ng iba. Lumapit ako doon sa batang nakaupo sa may bench doon, “Bata, pabili nga ng dalawang kandila.” Pagkatapos kong binayaran iyon ay nilapitan ko ulitang babes ko na kasalukuyang nakatingin sa akin. “Tara, babes, magsindi tayo ng kandila. Sa’yo yung isa.” Lumapit kami dun sa may mga nakatayo ng kandila at sinindihan na namin yung mga kandila namin. Take good care of my girlfriend, Lord. I wish to experience the word forever with her. Pagkatapos kong mag-wish. Binuksan ko na ang mata ko at itinayo na ang kandila ko. Nasa harapan ko si Zel habang nakapikit pa rin ito nang nakangiti. God, she’s perfect. “Ang bilis mo namang natapos magwish?” Tanong nito sa akin habang tinatayo na yung kandila niya sa may tabi nung kandila ko. “Para sa isang tao lang naman ang hiniling ko.” Napatingin ito sa akin. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Lumapit ako sakanya. Lalo akong nalunod sa mga tingin nito. Nilapit ko na ang mukha ko sakanya nang… “Say cheese!!!” Sabay kaming lumingon ni Hazel dun sa nagsalita. Si Neri, hawak nito ang iphone ng babes ko habang nasa tabi nito si Justin. Magrereklamo sana ako kaso biglang pinakita sa amin ni Neri yung mga kinuhanan niyang pictures namin. Ang ganda ng pagkakakuha, naging romantic pa ito lalo dahil sa mga kandila sa background. “Pa-bluetooth.” “Hindi pwede ang Bluetooth dito.” Sagot ni Neri. “Ako na bahalang mag-upload, babes.” Narinig kong sabi ng babes ko habang kinuha ang phone kay Neri at kita kong ginawa niyang wallpaper yung picture namin. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Hindi na ako nagreklamo kay Neri dahil sa pag-iistorbo sa amin. Sulit naman kasi siya naman ang kumuha ng pinaka-unang picture namin ng babes ko together.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD