Chapter 15

2649 Words
Hazel’s Point of View “Last practice na!!!” Nagpwesto ako doon sa harapan. Nakatayo na kasi doon si Gelo. Twelve pairs kami sa klase, kaya kailangan talaga ng todo practice para maging neat yung performance namin mamaya. Ilang oras na lang kasi ay magsisimula na ang program namin, kung saan kami sasayaw. Pagka-play ng music. Naghanda na kaming lahat. Kitang kita sa amin ang kagustuhang maging maganda ang sayaw namin, lalo na ngayon kasi nandito ang adviser namin. Papanuorin daw niya kaming mag-practice. Hindi na kami nagkaka-ilangan ni Gelo. Ilang beses na rin kasi kaming nag-practice kaya nawala na rin yung pagka-ilang namin kapag magkadikit kami. Bakit ba kasi ito ang pinili nilang isayaw. Pagkakuha ni Gelo dun sa briefcase na isang props para sa sayaw. Nag-act naman ako na parang nasasaktan. Ang ending, iiwanan ako ni Gelo habang hawak nito ang briefcase niya. Pumalakpak si ma’am, “Guys, I would like to see that later. Ganyan din dapat kataas ang energy ha? Good job, everyone!” Nakangiti naman kaming lahat. Lalo na tong katabi ko, he’s smiling broadly. He is so proud of what he did. “Congrats, babe.” I told him. “Para saan?” Tanong ni Gelo pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko. “Sa performance na ‘to.” Sabi ko sakanya. Humalik naman siya sa akin sa pisngi at saka nagpasalamat. Kinuha ko na yung bag ko para makaalis na kami sa room. Kailangan pa kasi naming magbihis para mamaya. “Date muna tayo babe matagal tagal pa naman bago magsimula yung program.” Pagyayaya sa akin ni Gelo. Sasagot na sana ako kaso biga namang dumating si Neri. “Anong date date? Magbu-beauty rest ang mga girls! Shooo! Iwan mo muna girlfriend mo!” Pagkatapos ay hinila na ako ni Neri palabas. “San tayo pupunta?” Tanong ko nung nakasakay na kami sa kotse nila. Ngumiti lang sa akin si Neri. “Manong, sa mall po ta’yo.” ** Pagkarating namin sa mall, hinala agad ako ni Neri sa mga boutiques. Siguro magpapasama itong bumili ng damit niya para sa sayaw mamaya. Pinapanuod ko lang si Neri habang tingin siya nang tingin sa mga damit. Ang dami na nga niyang hawak. “Oh, Hazel, isukat mo na.” Ha? “Meron na akong damit para mamaya.” “Wala akong tiwala sa taste mo. Center of attraction si Gelo mamaya kaya dapat ganun ka rin.” Sabi ni Neri habang hinihila niya ako papasok sa fitting room. “Kapag nasukat mo na yung isa, pakita mo sa kin ha?” Tapos ibinigay niya yung mga damit sa akin bago niya ako iwan doon. Sinukat ko naman yung isa. Lumabas pa rin ako kahit hindi ako masyadong kumportable sa suot ko. “Ma’am, lumabas na po siya.” Sabi nung saleslady kay Neri na nagbabasa ng magazine. Tiningnan ako ni Neri sabay sabing, “Next.” Inalalayan naman ako nung saleslady napumasok ulit sa fitting room tapos inabot sa akin yung susunod na damit na gagamitin ko. Nung sinuot ko siya, okay lang, kasya naman sa akin. Wala bang simpleng tshirt at pants dito? Lumabas na ako pagkatapos ko siyang sinuot. “Yung next naman.” sabi ulit ni Neri. “Ihh, Neri, wala bang tshirt dito?” Tanong ko sakanya. Hindi kasi ako kumportable sa mga ganito. “Wala. Kung meron man hindi ko naman ipapasuot sa’yo.” Haay. Bakit ba ako sumama sa kanya in the first place? Pumasok na lang ulit ako sa fitting room. Naka-ilang beses din akong nagpabalikbalik rito bago niya nahanap yung isusuot ko para mamaya. “Pwede na yan. Tara magbayad na tayo.” Hinila niya ako papunta sa may cashier. “Hindi muna ba ako magpapalit?” Tanong ko sakanya, suot ko pa rin kasi yung pinasukat niyang damit. Kumuha ito ng pera sa wallet niya pagkatapos ay nagbayad na siya, “Hindi na. Isusuot mo rin naman yan mamaya.” “Magbayad ka na.”Sabi ni Neri sa akin. Na ikinabigla ko, akala ko kasi ililibre niya ako. “Ako ang magbabayad?” Tanong ko. Mahina siyang tumawa, “Aba syempre, di naman ako ang magsusuot nyan.” “Wala akong dalang cash.” Sabi ko sakaya. “Ano ka ba! Tumatanggap naman sila ng credit card.” Tinawag nito yung isang saleslady na nag-assist sa amin kanina, “Miss, pakikuha yung mga ibang mga sinukat niya. Except dun sa una and yung pangalawa.” “Nasan yung credit card mo?” Napipilitang binigay ko naman yung credit card ko sakanya. Hinintay namin saglit yung saleslady na inutusan niya kanina. “Neri, bakit mo pa pinakuha yung mga damit na ‘yon?” Tanong ko. “Magagamit mo rin yon. At saka wag ka ngang kuripot, ang yaman mo pero sobra ka kung magtipid.” Sana pala hindi na lang ako nagtanong. “Ma’am, ito na po yung mga damit na pinakuha niyo.” Inilapag nung saleslady yung mga damiy na nakatupi na. More than ten yung bilang ng mg damit na ‘yon. “Ma’am ito na po ba yung mga bibilhin niyo?” Tanong sa amin nung nasa cashier. Tumango lang si Neri para sagutin yung cashier. “Antanga naman nito. Natural bibilhin namin yan.” Bulong sa akin ni Neri na ikinatawa ko. Kinurot ko na lang siya ng pabiro para tumigil ito. “11, 880 po lahat.” Sabi nung cashier. “What 11000?! Seriously?” Natanong ko. Ni minsan hindi pa ako bumili ng mga damit na umabot sa presyong yon. Kahit naman may kaya kami hindi ako maluho. “Yes ma’am.” Hindi na ako makapagreklamo kasi binigay na ni Neri yung credit card ko sa cashier. Pagkatapos naming bayaran nadaanan namin yung Fully Booked. This time ako naman ang humila kay Neri papasok don. “Hoy! Anong gagawin natin dyan?” Tanong niya sa akin. Kita mo ‘to, kanina iniinsulto niya yung cashier tapos ngayon she’s stating the obvious na rin. “May bibilhin lang ako saglit.” Sabi ko sakanya. “NO NO NO WAAAAY! ALLERGIC AKO SA MGA LIBRO.” Sigaw ni Neri pero di ko siya pinakinggan. Ayaw ko rin naman sa mga damit pero pinilit niya ako. Nung nakapasok na kami. Pumunta kami sa may ‘Best-Seller Section’ kumuha ako ng mga books doon. Kahit anong books na may magandang cover kinukuha ko, hindi ko rin naman kasi alam yung mga to. Hindi naman ako palabasa. Nung nasa cashier na kami nilapag ko na yung mga libro, may mga sampu rin yon. “6, 487.” Sabi nung cashier. “Bayaran mo na, Neri.” Sabi ko sakanya. “ANO?! Seryoso ka?!” Natawa na lang ako sa reaction ni Neri, ganyan na ganyan din kasi ang reaction ko kaninang nagbayad kami ng mga damit. “Bayaran mo na Neri, para makauwi na tayo.” Sabi ko ulit kaya wala na siyang choice kundin bayaran na yun. Ang gara nga kasi cash siyang nagbayad. Nung nabayaran na tumuloy na kami sa parking lot. Nang nasa loob na kami ng kotse, may ibinulong si Neri sa driver. Nagdadabog na ibinaba ni Neri yung paperbag kung saan nakalagay yung mga books na pilit na binili niya kanina, “Ano bang gagawin ko sa mga yan? Mas gugustuhin ko pang matulog kaysa pagtyagaan yang mga yan. Tapos ang mahal mahal pa.” “Ayaw mo ba yon parehas na kayong mahilig sa libro ni Justin.” Biro ko. “Oo nga no!” Kumuha si Neri ng isang libro dun sa paper bag. May itinaas siyang blue na libro, “The Fault In Our Stars? Maganda ba ‘to, Hazel?” Tinignan ko naman yung book na familiar, “Ewan ko lang. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga libro eh.” Tinaas ni Neri yung kilay niya habang nakatingin sa akin, “Don’t tell me na gumaganti ka lang kaya mo’ko pinabilhan ng mga libro?” “Uh oh.” Ngumiti ako sakanya, “Pero ayaw mo ba non, para soulmate kayo ni Justin?” “Sabagay.” Tapos binalik na lang ni Neri yung pansin niya sa librong hawak niya. “Despite the tumor-shrinking medical miracle that has bought her a few years, Hazel has never been anything but terminal, her final chapter inscribed upon diagnosis.” Binabasa niya yung teaser sa back page ng book, medyo naintriga ako nung narinig ko yung pangalan ko. “But when a gorgeous plot twist named Augustus Waters suddenly appears at Cancer Kid Support Group, Hazel's story is about to be completely rewritten.” Pagkatapos basahin ni Neri iyon bigla siyang nanahimik. “Mukhang sasabak ako sa matinding drama ha.” Si Neri. ** Tumigil ang sasakyan sa may tapat ng ‘Victoria’. Alam ko yung store na yan. Mama ni Gelo ang may-ari nito. “Wala na akong pambayad ditto, Neri.” Inunahan ko na siya. Ang Victoria kasi ang isa sa mga pinaka-elegante at pinakamahal na parlor sa bansa. “Mabait si tita kaya libre ‘to!” Pagkatapos ay hinila na niya ako. Ayaw kong pumasok hindi dahil saw ala akong pambayad, ayaw ko lang kasi hindi pa ako ready na makilala yung mama ni Gelo. Pagkapasok namin may mga bumati kay Neri pati na rin sa akin. Umakyat kami sa may third floor, doon daw kasi ang office ni Mrs. Victoria Fernandez. “Hi Tita.” Humalik si Neri sa pisngi ni Mrs. Victoria. “HI Dear.” Tapos ay tiningnan niya ako. “So you must be my son’s girlfriend.” Lumapit ako sakanya at nilahad ko yung kamay ko sa harapan nito, “O-opo, I’m Hazel Romero.” Tiningnan lamang nito ang mga kamay ko pagkatapos ay lumapit ito sa akin. “You are so beautiful, hija. Nice meeting you.” Nagulat ako nung bigla niya ako niyakap nang mahigpit pagkatapos ay humalik pa ito sa magkabilang pisngi ko. Oh. Wow. This is unexpected. “Thank you po, maniwala po kayo ‘pag sinabi kong mas maganda po kayo.” Nakangiting sabi ko sakanya. “Yeah yeah. Maganda na kayong dalawa ha? Pero mas maganda tita kung mas gaganda pa kami.” Pabirong sabi ni Neri. Natawa na lang si Mrs. Victoria, “Ikaw talaga.” Bumaba kami sa may second floor at dun na sinimulan ang kung anu-ano ang ipinanggagawa sa akin. From toe to head. Hindi naman ako maka-hindi. Pagkatapos ayusin yung buhok ko, minake-up-an naman nila ako. After ilang minute natapos din silang make-up-an ako. “Ang ganda ganda mo, insan!” Nagulat ako nung nagsalita si Neri, iyon yung dahil sa itinawag niya sa kin. “Maganda ka rin.” Puri ko sakanya mas lalong lumitaw ang kaputian nito sa red dress and red lipstick niya. Sasagot pa sa ulit si Neri kaso biglang tumunog yung phone niya. “Si Gelo tumatawag.” Sabi niya sa akin. Tumango na lang ako sakanya para sagutin na niya. Mabilis ko namang kinapa yung phone ko sa may bulsa ko. Kaso wala. Naiwan yata sa bag ko. “Gusto ka daw niyang kausapin, ZEL.” Sabi ni Neri pagkatapos ay ibinigay niya sa akin yung cellphone niya. “Sabi ko ng ako lang dapat ang tatawag---“ “Hi” Bati ko sakanya. “Babe, ikaw pala yan.” Sagot ni Gelo, nasesense kong napapakamot siya sa batok niya ngayon. “Magkita na lang tayo mamaya ha? Bye!” Mabilis kong ibinaba yung phone pagkatapos kong sabihin yon. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak at nagawa ko yung bagay na iyon. “Tita, alis na kami! Salamat ulit!!!” Napaka-hyper talaga ni Neri. Bago kami lumabas, humalik ang ginang sa aming mga pisngi. The way she smiled and kissed us, napaka-elegante. ** Ilang minuto na lang bago magsimula ang program, pero hindi pa rin sila lumalabas ni Neri sa kotse nito. Gusto kasi niya na may special entrance daw silang dalawa. “Antagal naman ng babe mo, Hazel.” Sabi nito sabay bitaw sa cellphone niya. Kanina pa kasi namin tinawagin si Gelo na sunduin niya kami sa kotse para may escort kami papasok. Ewan ko ba kasi rito kay Neri, kung anu-ano ang mga naiisip niyang pakulo. “Labas na kasi tayo, baka kinakausap pa iyon.” “Hindi na natin siya hihintayin?” Tanong ni Neri. “Hindi na, kaya naman nating pumasok na tayong dalawa lang ‘di ba?” Lumabas na ako ng kotse, ganun din ang ginawa ni Neri. Nung papasok kami sa may venue, halos lahat nakatingin sa amin ni Neri. “Nakakahiya naman ‘to.” Bulong ko sakanya. “Mas maraming titingin kapag nasa loob na tayo.” Sagot niya. Tama nga si Neri, nung nasa loob na kami, nakatingin ang lahat sa amin ang mga nakaupo sa mga upuan sa may gilid. Pero pinilit kong ‘wag na lang pansinin, hinanap ko na lang si Gelo. “Ayon siya oh.” Tinuro ni Neri yung table na malapit lang sa stage. Nakita ko naman agad si Neri, nakikipagkwentuhan ito sa isang babae. Kay Raiza. Lalapitan ko na sana sila kaso bigla akong pinigilan ni Neri. “’Wag kang gagawa ng eksena ha?” Kumunot naman yung noo ko sa sinabi niya, “Huh? Pupuntuhan ko lang naman sila.” Sabi ko sakanya, tapos siya naman ang nagtaka. “Ibig sabihin hindi ka man lang nagseselos?” Tanong niya sa akin. “Hmm, hindi? May dapat ba akong ikaselos?” Tiningnan ko yung dalawa, mukhang masaya silang nagkukwentuhan pero alam ko namang ganon lang talaga si Gelo. “Kasi ex niya si Raiza?” Ngumiti na lang ako kay Neri sabay sabing, “May tiwala ako kay Gelo. “ Pumunta na ako dun sa table nila. Nasa malayo pa lang ako nang mapansin ako ni Gelo, mabilis niya akong nilapitan. Pero nakatingin lang ito sa akin. “Oh my gosh, Hazel. Ang ganda ganda mo.” Narinig kong sabi ni Raiza, ngumiti na lang ako sakanya bilang tanda ng pasasalamat. Masasabing mas lalong gumanda sa ayos niya. Tumingin naman ako kay Gelo na hanggang ngayon ay nakatin lang sa akin. Nakita kong biglang nag-iba yung mukha niya nung tiningnan niya ang damit ko, hindi ko ma-explain pero parang nararamdaman kong nagustuhan niyang ang ayos ko. Kung kanina seryoso siya, ngayon bigla naman siyang tumawa. Medyo na-insulto ako, akala ko pa naman nagustuhan niya. Nakangiting hinila niya ako sa isang part ng Multi Purpose Hall na walang tao. Sa may tabi iyon ng sound system. Lumapit si Gelo sa akin, sobrang lapit sa may leeg ko. Nararamdaman ko na yung hininga niya sa may leeg ko. “Ge….lo.” Nanigas ako sa sa kinakatayuan ko. May hinawakan ito sa damit ko tapos lalo niyang nilapit ang mukha niya sa may leeg ko. Napapikit na lang ako nang maramdaman ko yung labi niya. “Natanggal na.” Napamulagat ako nang narinig ko yung sinabi niya. Hawak ni Gelo ang isang maliit na parang card. “Babe? Okay ka lang?” Bigla akong namula. Paano ba naman kasi, iniisip ko na may ‘something’ siyang gagawin. Ngayon pala, tinanggal lang niya yung price tag na nasa damit ko. Bakit ko ba naman kasi kinalimutang tanggalin iyon. “Ah…oo, okay lang ako.” Sagot ko tapos iniwas ko yung mukha ko sakanya baka makita niyang namumula ako. Inalalayan na niya akong bumalik dun sa table. Nung pabalik na kami, nakita ko si Raiza na nakatingin sa amin. Nakita niyang nakatingin ako kaya ngumiti ito sa akin bago siya tumalikod sa amin. Nung tumingin naman ako kay Gelo…nakatingin din ito kay Raiza. Ayokong mag-isip ng kung ano, pero parang may mali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD