Hazel’s Point of View
"She‘s amazing!"
"A total performer!"
These are just some of the compliments I‘m hearing from them. It‘s not for me but for Raiza. Yes, I admit that she‘s really incredible and I can‘t do any better on what is she doing. I think I‘m starting to let insecurities enter me.
I turned my gaze to Gelo who‘s busy in watching Raiza while she performs. His eyes only focuses the beauty in front of him, and again, that isn‘t me.
"She‘s really...great," I frowned upon hearing his compliments for Raiza. Hindi ko alam pero, arrrgh, this is not me.
When they finished their performance, Raiza run toward her boyfriend. And because of that I finally let my breath out. I turned to Gelo again...just to see his pained face. What was that? Was he affected?
"Are you alright?" I tried to get his attention. Pero hindi siya sumagot.
It seems like his world is only for that scene.
"Babe..." This time he looked at me.
"What?" he asked me.
"Are you alright? Parang may problema ka," I told him.
He smiled before shaking his head. Then he reached for my hand as we waited for the Emcee to call out our section‘s name.
Nung tinawag na kami. Mabilis kaming nag-ayos ng formation namin. Lalo akong kinabahan kasi halatang nasa gitna kami ni Gelo dahil sa maluwag na ang space di tulad kapag nagpapractice kami.
When the music started, sabay sabay kaming sumayaw. Habang sumasayaw ay naririnig namin yung mga ibang taong napapasigaw dahil sa kilig. Ako nga rin, kinikilig kapag nakikita ko si Gelo.
Lalong nagsigawan ang mga tao dun sa part na hinawakan ni Gelo ang kamay ko at sabay ilalapit ang mukha ko sa mukha niya. Kahit nga ako, sobrang kinikilig.
Nung nasa part na itatapat ni Gelo ang kamay niya sa dibdib ko, ramdam ko ang pamumula at ganon din siya. Bakit ba naman kasi ganito.
“You cut me open…”
Pagkatapos kunin ni Gelo yung props niya ay naglakad ito palayo sa akin, ito na ang finale ng sayaw.
**
Pagkatapos mag-perform ng lahat ay pinaakyat ang lahat ng representative bawat group. Dapat sina Neri at Gelo ang aakyat pero ni-request ni Neri na ako na lang daw, total ako naman yung kapartner ni Gelo sa sayaw.
Seven sections lang kaming nandoon. At ang lahat ay sobrang galing.
Ina-announce na ang mga winners hanggang sa dalawang pairs na lang ang natira. Kami ni Gelo at sina Raiza.
“Ang sasabihin kong section ang ating champion. Okay?” paalala ng emcee.
Hinawakan ni Gelo ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. He smiled at me at itinuro niya ang adviser namin na sobrang kinakabahan. I just don’t know why.
“Nakipagpustahan yan sa ibang teachers,” sabi ni Gelo.
“Seryoso?” tanong ko sakanya. Ngumiti lang ito sa akin at tumango.
“The winner for this Contemporary Dance Competition is none other than…the ‘Stars’ Section!”
Rinig na rinig namin ang sigawan ng mga classmates namin at ang adviser namin. Wow. We won.
Nilapitan kami ni Raiza at niyakap niya ako. Niyakap niya rin si Gelo habang nakipag-shakehands ang partner ni Raiza sa amin.
After that ay sabay sabay na nagsiakyatan ang mga classmates namin at sabay sabay kaming nag-group hug. Aww, just another highschool memory to remember.
“Congrats sa lahat, guys!” sigaw ni Gelo.
**
“Oh guys, alis na kami ha?” tumingin si Gelo sa akin after niyang sabihin iyon sa mga kasamahan namin, “Magde-date pa kasi kami ng babe ko.”
“Date ka dyan! Wala tayong pinag-usapan,” angal ko but deep inside syempre kinikilig ako.
“Babe naman eh,” tumingin siya ulit sa mga kasamahan namin, “kayo na ang bahala d’yan ha? Congrats ulit!”
Hindi na lang ako nagsalita nang hawakan ni Gelo ang kamay ko at naglakad palabas ng restaurant kung saan kami nag-celebrate. Malapit lang naman ito sa venue kung saan naganap ang competition. Dadaan pa kami sa Multi-purpose, doon kasi iniwan ni Gelo ang sasakyan niya.
“Babe, ang galing mo kanina. Sobra!” biglang sabi niya.
Hindi ako sumasagot bagkus nakangiti lang ako sakanya.
“Kanina nga, muntik ko nang makalimutan yung steps. Hangang-hanga talaga ako sayo,” sabi pa niya.
“Ikaw nga dyan ang magaling eh,” sagot ko, “kaya nga tayo nanalo dahil sayo.”
Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin, “Ano ka ba, babe. Nanalo tayo kasi magagaling tayong lahat. Okay? Magaling naman talaga ang girlfriend ko. Maganda pa.”
Mas lalo akong napangiti.
Nung malapit na kami sa parking lot ay bigla niya akong binitawan. Hindi ako nakasunod kasi biglang namatay yung mga ilaw.
Wala akong makita. Walang liwanag.
“Gelo!”
“Gelo!”
Nagpatuloy lang ako sa pagtawag sa pangalan niya pero wala pa rin siya. Isa na naman ba ‘to sa mga surprises niya? Bakit ang tagal?
Kinapa ko yung phone ko sa bulsa ko pero wala. Nasa bag ko at hindi ko alam kung saan ko binitawan ang bag ko.
I felt so hopeless.
“Gelo naman!”
Still, unanswered.
Naglakad ako nang mabagal na parang bulag.
My nyctophobia’s killing me.
I won’t cry. I won’t.
Crying is not me.
Ilang beses akong natisod, but still, I didn’t cry.
“Gelo…not this time. Please.”
I hate darkness.
“Gelo…” I held my breath, I don’t want to cry.
“Nasaan ka?” after asking that to no one. I burst out.
I felt like this is a déjà vu.
Crying is not me…and I’m losing myself right now.
I cried so hard. This is not me.
“Raiza, hindi na kita gusto.”
“Henry…I love you.”
Natahimik ako nang marinig ko yun. Mahina pero malinaw ang pagkakarinig ko.
“Leave me alone, please!!!”
“But Henry…I can’t. You know I can’t.”
Natigil ako sa pag-iyak. What’s happening?
Sinundan ko yung mga boses. Hanggang sa lumakas na ang mga boses pati ang pag-iyak ng babae.
“Henry…please. Don’t leave me. I love you.”
Boses ni Raiza yon!
“No. I don’t like you,” nakarinig ako ng kalabog, “we’re over.”
Pagkatapos ay narinig ko ang paglalakad ng isang tao, si Henry siguro iyon.
Mas lumakas ang pag-iyak ni Raiza. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko akalain na ganito sila ng boyfriend. Napaka-sweet nila kung titingnan.
“Pssh. Tumahan ka na Rai. I’m here.”
Napatakip ako ng bibig nang marinig ko ang boses na iyon.
“I don’t need you here,” Raiza said.
“No. I won’t leave you here,” sabi ulit ng lalaki.
“Go away!”
“No. Stop crying, Rai. He’s not worth your tears.”
“Leave me alone, Gelo,” sabi ni Raiza.
I’m not going to cry again.
Tumalikod ako at dahan-dahang umalis.
I knew it. He left me for Raiza.
He left me to rescue her.
He left me alone.