Hazel's Point of View
Nagising ako nang dahil sa malakas na pagtunog ng teleponong nasa side table ko. Habang kinukusot ko ang mga mata ko ay sinagot ko yung tawag.
“Hello po?” pagbati ko.
"Hija, nasa baba si Gelo,” narinig kong sabi ni mama sa kabilang line.
“Kanina pa kitang kinakatok sa kwarto, ‘di ka sumasagot. Baba ka na lang dito, ‘nak. Paalis na kasi ako e. Bye.”
Agad nang binaba ni mama ang phone. Pagkatapos ay naiinis akong bumangon sa kama.
**
After kong maligo at ayusin ang sarili ko, bumaba na ako para harapin siya.
"Babe..."
Mas tumindi ang inis ko sakanya. Paano niya nagawang ngumiti ng ganyan sa harapan ko despite of what he did to me yesterday.
"Gelo," I smiled.
"Bakit ka naman umalis kagabi? Sabi ko naman sayo may date pa tayo--"
"You left me. Anong ineexpect mong gawin ko? Stay there the whole night?" I tried not to sound sarcastic.
"Babe, babalikan naman kita. May ni-rescue lang ako doon," paliwanag niya.
"Sino?"
"Raiza," he said.
Nabigla ako, hindi ko ineexpect na aaminin niya 'to sa akin. He's really honest.
"A-anong nangyari after?" tanong ko sakanya.
"Nag-break kasi sila ni Henry. Kaya yun. Nung pagkabalik ko, wala ka na kaya hinatid ko na lang siya sakanila," sabi pa niya.
Napakamot ng batok si Gelo, "Pero kasi...babe," tiningnan niya ako sa mga mata bago nagpatuloy, "nilibre ko siya ng ice cream bago ko siya ihatid. Yun kasi ang alam kong magpapatahan sakanya."
Napangiti ako. Ewan ko ba. Ramdam ko ang loyalty and honesty ng boyfriend ko sa akin. Buong akala ko idedeny niya sa akin ito. Kaso hindi, he even told me everything.
"Thank you," nakangiti kong sabi.
"Huh? For what?"
"For being honest." Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit.
"Ikaw talaga," he said habang yakap niya ako.
"Akala ko kasi talaga you left me with another girl..." I said.
Napataas ang kilay niya, "What?" tumawa ito, "si Raiza lang iyon, babe."
Niyakap niya ako ulit ng mas mahigpit. Mas lalo akong nakahinga ng maluwag. So that means he doesn't care about Raiza anymore.
"Babe, let's go somewhere else," sabi ko sakanya nung binitawan na niya ako. Nakita kong namula ang tenga niya. I tried to look at his cheeks kaso nagsaside siya sa akin kaya 'di ko makita.
"Babe, nagbablush ka ba?" tanong ko sakanya. Nakita kong mas namula ang tenga niya.
"Babe..."
Kaso hindi siya humaharap sa akin. Napatakip lang siya sa mg pisngi niya at tinatapik-tapik ang mga ito.
"Babe, humarap ka," utos ko sakanya kaso hindi siya humaharap. Ako na lang ang pumunta sa harap niya. Dun ko nakita ang malaki niya ngiti at ang namumula nitong mga pisngi.
Nung narealized kong nagba-blush talaga siya kapag tinatawag ko siyang babe, napatawa talaga ako ng malakas.
"Babe naman," suway niyang nakakunot ang noo, "don't make fun of me."
I zipped my mouth pero hindi ko pa rin maiwasang mapangiti. Nung tumingin ulit ako sakanya napatawa naman ako kasi nga sobrang pula ng cheeks niya.
Matalim siyang tumingin sa akin tapos lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang bewang ko at inilapit ang katawan niya sa kataman ko.
My God!
Nanlaki yung mata ko habang nilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
He smirked, "Babe, I want you." Nung pagkasabi niyang iyon ay nag-init ang mga pisngi ko.
"P-pervert!" I tried not to sound scared.
"But that's what boyfriends and girlfriends do," sabi niya using his bedroom voice.
Ang gwapo talaga niya. Kahit saang side ko siya tingnan, sobrang gwapo niya. I can smell his fresh breath, too. Nakadikit na ang noo niya sa noo ko. Every time na tinitingnan niya ako is a torture. Buti na lang hawak niya ang bewang ko kundi nakaupo na ako sa sahig. My knees went weak nang dahil sa mga pinanggagawa nito.
"Do you love me, Zel?" seryosong tanong niya sa akin. "A-ano ba, Gelo. Si mama," nauutal kong sabi.
"Umalis siya kasama ng isa niyong kasambahay. Maybe she wanted to give us privacy, kaya..." he kissed my nose, "sulitin natin."
Nangilabot ako sa ginawa niya. Yes, we kissed once. Kaso sobrang bilis lang ng pangyayari na 'yon, 'di tulad ngayon na may foreplay pa.
"B-Babe," namula na naman ang pisngi nito dahil tinawag ko siyang babe.
Binalikan ni ang noo ko at hinalikan iyon. Pagkatapos ay ang magkabilang pisngi ko. Tapos yung mga mata ko kaya napapikit ako. Tapos yung baba ko at yung ilong ko.
"What's next, Babe?"
Napakagat ako sa labi ko at pilit kong itinago ang mga iyon.
Ang init init, grabe!
Napatingin kami sa labi ng isa't isa. Nakangisi siya habang tinitingnan ako--este mga labi ko. Buti na lang talaga at nag-brush ako ng teeth bago siya kausapin.
"Push me," sabi niya sa akin ng seryoso.
"What?"
"Hahalikan talaga kita kapag hindi mo ako tinulak ngayon. God! We're only centimeters away from each other kaya di na ako makakalayo sayo. Just push me if you don't want this to happen."
Namula ako sa sinabi niya. He really respects me.
I want to tell him that I want him to kiss me kaso sobra akong nahihiya.
"Babe...push me," sabi niya sa akin habang mas palapit nang palapit ang labi niya sa labi ko.
Nung halos nafifeel ko na ang labi niya sa labi ko ay tinulak ko na siya. Wooh, that was so close.
Humihingal si Gelo habang nakatingin sa akin. "I was just trying to punish you for making fun of me kaso ako pa yata ang naparusahan. Bitin yun, babe. Sht!" reklamo niya.
Napatawa na naman ako sakanya.
"Hintayin mo ako rito, Babe," sabi ko sakanya pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto at kinuha ang pouch ko.
"Let's go!" sabi ko sakanya nung pagkababa ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan ako papasok sa kanyang bmw.
"Where are we going?" tanong nito.
"Mall, manuod tayo ng sine. May gusto akong palabas ngayon eh," sabi ko sakanya. "Sige."
**
Medyo malayo ang mall sa bahay namin. Kaya isang oras ang byahe. Nung nakarating kami sa mall ay eksaktong binubuksan pa lang ang entrance. Maaga pa kasi.
Excited na akong manuod hindi dahil sa movie kundi dahil first ever movie-date namin ito. Eksaktong 12 pm ang schedule ng movie na gusto kong panoorin Kaya sabi niya kumain muna kami before manood.
Habang namimili kami kung saan kakain, nakita niya yung Shakeys. Bago pa niya ako mahila doon ay hinila ko na siya papunta food court ng mall.
"Kakain muna tayo, Babe," sabi niya.
"Oo nga."
Nung nakita ko yung Mang Inasal ay agad ko siyang pinaupo sa isa sa mga upuan don.
"Dyan ka lang ha? Bibili lang ako ng pagkain." sabi ko sakanya kaso tumayo siya tapos ako yung pinaupo niya.
"No, ako ang bibili. Stay there, babe," pagkasabi niya non ay pumunta na siya sa counter.
Kitang kita ko yung mga mata ng mga babaeng costumer na nakatitig sakanya. Hindi ko sila masisisi kasi talagang gwapo ang boyfriend ko. Matagal siyang nakatingin sa menu na nasa ibabaw ng counter. Imbes na mainis yung babae sa counter ay mas lalo pa itong natuwa habang nakatitig kay Gelo. Tsk.
Pagbalik niya sa table naming ay dala na niya yung number ng order namin.
Umupo siya sa harapan ko at tiningnan lang ako hanggang sa dumating na yung order namin. Nilapag nung server yung mga inorder niya. Good for four people itong inorder niya! Grabe!
"Gelo! Nagsasayang ka ba talaga ng pera o sadyang matakaw ka lang? Ang dami nito," sabi ko sakanya.
Napakamot naman siya ng ulo, "Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo. Pero ubusin mo yan, Babe."
As if mauubos ko ito!
Gumawa na ako ng sawsawan at ginawan ko na rin siya.
Gusto ko ng spicy kaya tatayo na sana ako para kumuha ng sili sa counter ay bigla niya akong pinigilan.
"Anong kukunin mo, Babe? Ako na lang ang kukuha," sabi niya sa akin sabay tayo.
Tinuro ko sakanya yung sili tapos naglakad siya papunta doon at kumuha. Nakita kong nagtingin-tingin pa siya doon na parang may hinahanap.
"Nasaan yung mga kutsara?" tanong niya sa akin pagkabalik niya.
"Baka naubusan na. Tingnan mo sila," tinuro ko yung mga kasabay naming kumakain sa kabilang table, "nagkakamay lang sila",sabi ko habang bibigyan ng sili ang mga sawsawan namin.
Hinawakan ko yung kamay niya at tumayo kami. Pumunta ako sa may sink area at naghugas ng kamay, ganun din ang ginawa niya. Nung nakabalik na kami ay sinimulan ko na ang pagkain ko.
Nagkamay kaming dalawa. Mukhang hindi pa siya sanay pero nasanay rin bandang huli.
Habang kumakain kami nang nakakamay ay bigla siyang nagsalita.
“You’re so simple, Hazel. Your simplicity makes you special.”