Hazel's Point of View February na at isang araw na lang bago ang school fair. Ibig sabihin ay dalawang araw na lang bago ang pageant. Sa loob ng January ay hindi ko alam kung bakit walang lumalapit sa akin ibang lalaki. I can feel their stares but no one dares to come near me. Inisip ko na baka may nananakot sa kanila para hindi ako lapitan. Hindi naman sa nag-aassume but I think it's Gelo na wala ng ginawa sa buhay kundi manggulo ng buhay ng ibang tao. "Attention! To all the candidates of Ms. Wonderstruck Pageant, kindly go to the multi purpose for the final rehearsals." Narinig namin iyon habang kumakain kami sa canteen kaya agad kong ininom ang tubig ko at tumayo na. "Nakakailang subo ka pa lang, Hazel," sita sa akin ni Justin na kasabay namin nina Neri na kumakain ngayon. "Ayaw k

