Hazel's Point of View Nasa labas pa lang ako ng multi purpose ay dinig na dinig ko na ang sigawan ng mga estudyante. Kasalukuyang ginaganap ang Cheerdance Competition bilang pasimula sa School fair namin. "Hi Hazel!" Ngumiti ako dun sa bumating may dala ng isng picture ko, hindi ko siya kakilala pero ngumiti na lang ako. "Panalo ka na talaga ngayon pa lang! Ang dami ko nang naibentang tickets mo!" masayang sabi nung babae habang ipinapakita sa akin yung mga tickets. "Wow. Salamat!" sabi ko at hinawakan pa ang kamay niya na lalong ikinatuwa nito. "Walang anuman! Fan mo kasi ako! Ang tibay mo kasi and I wish I can be like you." To be honest, hindi ito ang unang beses na may nakapagsabi sa akin nito. Pero nagugulat pa rin talaga ako kapag may nagsasabi non. Maybe because that's

