Hazel's Point of View Bumalik ito sa kinauupuan niya sa may hagdan ng stage at doon ipinagpatuloy ang pagkain niya. Nanatili lang akong nakatayo at pinapanuod ang bawat galaw niya. Parang noon lang ay madalas ko lang siyang panuorin ng ganito, ang kinaibahan lang ay mas malayo ako sa kanya noon. Noon, nakikita ko ang lahat ng mga taong lumalapit sa kanya at lagi kong hinihiling na sana isa ako sa mga 'yon na anytime ay makakalapit sa kanya. Siguro, sobrang nahihiya talaga ako noon kaya hindi ko magawang makipag-usap sa kanya, I was just waiting for him to talk to me. Yes, it happened, and now we're stuck in this situation. Noong naging kami, puro saya ang lahat ng inisip ko. Hindi ko inisip na maaring magkaproblema kami. Masyado akong nabulag, masyado akong napaniwala na totoo ang laha

