Hazel's Point of View Nagising ako nang makaramdam ako ng paggalaw. It took me a minute before I realized what's going on. Mabilis akong umalis sa pagkakapatong sa likuran niya at dahan dahang inialis ang ulo niya sa lap ko. Halos mapaso ako sa sobrang init ng mukha niya. Nanginginig ito habang hawak ko iyon at dahan dahang inilapag sa desk ng armchair. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone nito sa kanyang bulsa para sana tingnan kung anong oras na pero drainbatt naman ito. Madilim pa rin pero medyo may naaaninag na 'kong liwanag. Siguro may araw na pero dahil nasa loob kami ng AVR ay madilim pa rin. "Zel..." he held my hand as if he doesn't want to let me go. Lumuhod ako sa harapan niya at hinayaan siyang hawakan ang isang kamay ko. Hinahaplos ko naman ang balikat niya gamit ang isa

