Hazel's Point of View
Pagkatapos nung eksena kanina sa canteen, hindi na ako nilubayan ni Neri. Kung nasaan ako nandoon din siya. Nakipagpalit din siya ng pwesto kay Justin. Ang mas nakakapagtaka pa ay hindi siya sinungitan ni Justin.
Sa buong afternoon ay wala akong ginawa kung kumamot nang kumamot sa katawan ko. Pakiramdam ko nga ay sobrang pula ko na.
"Wala ka bang dalang gamot?" nag-aalalang tanong sa akin ni Neri. Umiling ako sa kanya habang patuloy sa pagkakamot.
Huminga ng malalim si Neri, "Pasensya na talaga, Hazel, ha? Sa ngayon, iyon kasi ang tingin kong dapat mong gawin. Sorry if nakikialam ako sa inyo."
"Hindi kita maintindihan, Neri," tapat na sagot ko sa kanya.
"I know. Alam ko ding hindi ito magiging madali para sayo," sabi ni Neri pagkatapos ay huminga ito ng malalim.
"Tara uwi na tayo." Hinintay ko siyang matapos sa ginagawa niya, iyon kasi ang gusto niya. Ayaw ko rin namang pahatid kay Gelo kaya makikisabay na lang ako kay Neri.
Hinawakan niya 'yung braso kaso mabilis niya itong binitawan.
"Ang init mo," sabi niya.
"Ganyan talaga 'yan," ngumiti ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya. Siguro dahil alam kong ginawa niya iyon para sa akin. Gusto niyang malaman ko na iniingatan pa rin ako ni Gelo.
Hinatid kami ng driver nila tapos sinabihan pa ako ni Neri na huwag na akong pumasok kung natuloy ito. Sinabi pa niyang siya na ang bahala sa mga notes ko.
Nung gabing din 'yon, doon umatake 'yung allergy ko. Pinagalitan pa ako ni mama kasi alam ko namang bawal tapos kinain ko pa.
That night, I felt so sick. Napakainit ng pakiramdam ko at hindi nakatulong ang aircon. Iniiwasan ko huwag kamutin kaso hindi ko kinaya.
Kinabukasan hindi ako pumasok. Nagtaka si mama kung bakit hindi ako dinadalaw ni Gelo. Gusto kong sabihin na may problema kami kaso 'di ko magawa kasi kahit ako nalilito kung bakit kami nagkakaganito.
Araw araw binibisita ako ni Neri pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ayaw kong may ibang taong makakita sa akin ng ganito. Kaya iniiwan na lang niya 'yung mga notes.
Pagkalipas ng apat na araw, kumatok si mama at sinabing nasa sala si Gelo. Hindi ako lumabas. Hinayaan ko lang siya doon. Madilim na ng nakita ko mula sa bintana ng kuwarto ko na umalis na ito.
Kumatok ulit si mama at sinabing nakaalis na si Gelo. Sinabihan niya rin akong buksan ko ang phone ko kaya chinarge ko muna.
Nagshower ako at nilagyan ng gamot ang mga allergies ko. Pagkabihis ko ay binuksan ko yung phone ko.
Pinindot ko ang mga numerong 0701 para maunlock.
Habang hinihintay kong magload yung mga messages ay biglang may nagpop-out na reminder.
"HAPPY FIRST-EVER MONTHSARY (August 01)!!!"
Kinalibutan ako nang mapagtanto kong monthsary pala namin. Hindi ko napansin ang mga araw. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko nang mapagtanto ko kung bakit ako binibisita ni Gelo. It's because of our monthsary. Our first monthsary.
Mabilis kong dinial ang number niya. Kaso ni hindi man iyon nag-ring, busy daw.
Sorry, Gelo. Sabi ko sa isip ko.
Ilang sandali lang ay lumabas na yung mga messages na naipon. Halos kay Gelo lahat iyon. Mga texts niya iyon nung Intrams pa.
"Babe, where are you?"
"Sorry, I have to go. Raiza needs me right now."
"Babe? Are you mad?"
At iyong pinakalatest message niya sa akin...
"Hazel, can we talk?"
Lalo akong napaluha. Bakit hindi ko man naalala ang araw?
Sinubukan kong tawagan ulit si Gelo kaso ganon pa rin. Busy pa rin.
"Gelo, can we talk? I'm really sorry
" tinext ko na lang siya at nagbabakasakaling mabasa niya.
Lumipas yung mga minuto ay hindi pa rin ito nagrereply. Nakahanda na ako upang matulog nang biglang tumunog yung ringtone ko. Gelo's calling.
Gamit ang nanginginig kong kamay ay mabilis kong sinagot iyon.
"H-hello?" nakapikit na bati ko sa kanya.
"H-hazel, we really need to talk," seryosong sabi nito.
"Now?"
"Mas maganda," sagot nito.
"K-kaso...hindi ako pwede. Bukas? Tutal Saturday na?" suggestion ko.
"Hmm...pero kasi may hinihanda ako para--"
Napahinto ito nang bigla akong umiyak. I can't believe I ruined our first monthsary. Nagprepare pa ito para sa akin but... I was so jerk.
"Sorry, Gelo. I didn't mean to ruin this--"
"Stop crying, please," huminto ito saglit. "We'll talk tomorrow. 6 pm sa Magic Garden, okay?"
Ang Magic Garden na tinutukoy nito ay yung mamahaling restauranr sa lugar namin. Sikat iyon dahil sa romantic ambiance nito nang dahil sa mga naggagandahang mga bulaklak sa loob.
"I'll be there," sagot ko.
"Thank you." Iyon lang ang sinabi niya bago ibaba ang phone call.
That night, hindi ako matulog. Iniisip ko na kung anong susuotin ko. Buti na lang talaga maraming mga magagandang dress na ipinabili si Neri para sa akin.
Iyon na siguro ang mga pinakamahirap na gabi para sa akin, pahirapan kasi ang pagtulog.
Kinabukasan, mag-aalas dose na nang nagising ako. Nagpanic kasi ako akala ko oras na.
Kumain ako ng lunch tapos nagpaalam kay mama na may date kami ni Gelo. Mukhang natuwa ito sa narinig niya. Botong-boto talaga ito kay Gelo.
Pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis. Isinuot ko yung isang semi-formal dress na long sleeves. May mga bakas pa kasi ang mga allergies ko sa mga braso ko.
Tinawagan ko si mama at nagpatulnng sa paglalagay ng kaunting make up. Hindi ko kasi kayang gawin iyong mag-isa.
30 minutes before six pm ay natapos ako sa paghahanda. Kaya nagpahatid na ako sa Magic Garden sa family driver namin.
Saktong 6 pm nang makarating kami doon. Naaninag ko na ang kotse ni Gelo sa di kalayuan. Mukhang pinareserve nito ang lugar dahil ang kotse nito ang nag-iisang nakapark doon. Napangiti ako sa ideyang iyon.
Pagpasok ko sa venue ay pinagbuksan ako ng isang service crew ng nakangiti. Pagkatapos ay nagpaalam ito upang lumabas ma.
Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Ilang beses na akong nakapunta rito ngunit ngayong araw kong masasabing napakaganda talaga. Nakadagdag pa sa ganda ang mga kulay dilaw na ilaw sa paligid ng mga hangimg flowers.
Tiningnan ko ang dating puno ng mga upuan. Ngayon ay iisa na lang ang mesa at may dalawang upuan doon. May isang lalaki rin na nakatalikod at nakaupo. Si Gelo iyon.
Nang humakbang ako palapit ay biglang tumunog ang isang romantic na kanta. Nakita kong biglang napatayo si Gelo at tumingin sa akin. Sobrang seryoso ng mukha niya ngunit naaaninag pa rin ang ningning sa mga mata nito.
"G-Gelo," bati ko sakanya ng makalapit na ako ng tuluyan.
Umayos ito ng tayo at bahagyang ngumiti sa akin.
"Maupo ka," sabi nito at inuusog ang upuan para sa akin. Pagkatapos ay umupo rin ito sa upuan sa harapan ko.
Tiningnan niya ako sa mga seryoso niyang mata at hinawakan ang nanlalamig kong mga kamay.
"Hazel, I'm so sorry," huminto ito pagkatapos ay binitawan ang kamay ko, "ginamit lang kita."
Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko.
"If this is a joke, please tell me now," nanginginig na sabi ko.
"Sorry, Hazel..." ulit nito.
Umiling ako habang nakapikit. "No, no, no."
"If this is about what happen yesterday...I am very sorry, Babe," sabi ko. "Ayaw ko lang na makita mo akong ganon ang itsura ko."
Hinawakan nitong muli ang kamay ko at tumingin sa akin ng diretso.
"Sorry...Hazel. I really like you, I always like you. Akala ko makakalimutan ko siya at makakapagsimula ng bago kasama ka kaso hindi ko pala kaya. Siya pa rin pala talaga."
Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.
"I'm very sorry, Hazel. Ginamit kita para makalimutan ko siya kaso hindi tumalab. God knows how much I wanted to forget about her but I am so in love with Raiza," tapat nitong sabi. Ang sakit. Ang sakit sakit.
"I want your forgiveness but I am willing to wait for it," dagdag nito pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Ang sakit lang marinig ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
Hindi ko magawang magalit dahil gusto ko siyang intindihin.
"I understand you. B-but I am willing to help you to forget about her completely," sabi ko rito. Tanga na kung tanga pero mahal ko e.
"No, you don't understand."
"Gelo, I understand. Alam kong nagkulang ako as a girlfriend. Alam kong hindi ako cool kasi madami ng nagsasabing napaka-formal ko raw at alam kong totoo 'yon," umiiyak kong sabi. Binitawan nito ang kamay ko kaya ako naman ang humawak sa kamay niya.
"But I am willing to change. Magiging cool girlfriend ako, 'yung hindi KJ. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit hindi mo siya nakalimutan kasi hindi ako gumawa ng effort para mapalitan 'yung mga memories na meron kayo ni Raiza," sabi ko habang nakahawak na mahigpit sa kamay nito.
"Sorry, Hazel. But I'm breaking up with you." Mas nagulat ako sa sinabi niya.
"Wala bang second chance? Magbabago talaga ako para makalimutan mo na si Raiza. Huwag mo namang gawin 'to, Babe," pagmamakaawa ko habang pinipilit na hawakan yung kamay kaso iniiwasan niya ito.
"Sorry, 'Zel. Desidido na akong huwag siyang kalimutan dahil mamumukha lang akong tanga, tayo. Mahal ko si Raiza. At gusto ko siyang maging akin ulit, Hazel. "
"P-pero para saan ito? Itong lahat ng ito?" paagtutukoy ko sa Magic Garden.
"Gusto kong maniwala ka kaya pinapunta kita dito. Ilang sandalin lang darating na si Raiza dito at tatanungin ko siya kung pwedi akong manligaw ulit sakanya. Kaya nga kahapon ay pumunta ako sainyo para...hmm para...makipaghiwalay."
Bawat salita niya ay mas lalong lumalalim 'yung sugat. At unti unti na rin ang pag-angat ng galit ko sakanya.
"Nung isang araw ko pa sana ginawa ito kaso pinipigilan ako ni Neri. Ang sabi niya pag-isipan ko daw na mabuti. Kaya ngayon desidido na talaga ako. Ayaw ko ng saktan pa kita," sabi nito.
Tumayo ako at humarap sa kanya. Ito na siguro ang pinakahuling pagkakataon na titingnan ko siiya ng ganito kalapit. Pagkatapos ng araw na ito....hindi na siya sa akin. Mali. Hindi naman pala talaga siya naging akin.
Tumango tango na lang ako at naglakad na palabas. Dumaan ako sa may exit.
Akala ko sa pagpunta ko rito magiging masaya ako...hindi naman pala. Hindi naman masayang malaman na naging panakip-butas ka lang.