Chapter 21

1813 Words
Hazel's Point of View "Thank you, Hazel, ha. Kainin mo 'to, masarap 'yan. Favorite ko 'yan. Sige, Hazel. Thank you." "Hi, Hazel. Long time no talk." "Ikaw talaga. Ang cute mo pa rin." " By the way, don't be rude at her. She's my future girlfriend." "Hindi kita kinahihiya, pinoprotektahan lang kita." "Salamat dahil pinasaya mo ako." "Alam ko kasing madami kang hahabuling lessons kaya pinagkopya na kita." "Ang cute mong tumawa! Mas lalo yata akong naiinlove sayo e!" " Hazel...may pag-asa ba ako kung liligawan kita? Can I court you?" "Be my GF, 'Zel." "You look prettier when you blush." "Ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng 'Zel!" "Ayoko, gusto ko ikaw ang partner ko." " Hahalikan talaga kita kapag hindi mo pa ako tinulak ngayon." "You are so simple, Hazel. Your simplicity makes you special." "That's a symbol of trust, babe. The curvers symbolize our hands. According to the saleslady, it looks like we truly understand each other and we are united." His words were ringing in my mind. He is really good with words. He is such a good actor. Ganito pala kapag naloko. Binabalikan mo 'yung mga panahon ng mga kasinungalingan niya at subukang pansinin ang mga kasinungalingan iyon. Kaso hindi ko naramdaman na nagpapanggap siya. Sobrang ramdam ko ang pagmamahal niya...na hindi naman pala para sa akin. Sakit. Sobrang sakit. Ang sakit sakit sakit umasa. To get hurt by the person you really love is the most painful thing. "Ginamit lang kita." "Sorry, Hazel. But I'm breaking up with you." Tinakpan ko ang mga tenga ko gamit ang mga nanginginig kong mga kamay. Iyak lang ako nang iyak because I was hoping that somehow it can ease the pain. I just love someone and this is what I get in return? I don't deserve this. It happened on Saturday, I'm thankful that mom didn't tell anything about that. Of course, she knows. I went there happy then went home crying. Kinabukasan, tinawag ako ng papa ko para kumain tapos magsisimba. Kahit na sobrang sakit ng ulo ko ay nag-ayos pa rin ako. I can't stay in my room and besides I need His help. I will ask for His guidance. Pagkatapos ng misa ay nagyaya si papa na kumain kami sa labas. Hindi ko alam kung sinasadya ba ito ng tadhana pero sa Magic Garden naisipang kumain ni papa. Habang kumakain sila ay wala ako imik. Pero sumasagot ako kapag may itinatanong sila mama. Nakapokus lang ako sa pagkaino na hindi pa nababawas dahil pinaglalaruan ko lang...ni hindi ko kasi magawang tumingin sa kabuuan ng restaurant. It's just so hard for me to that. Sariwang sariwa pa sa alaala ko kung paano ako nagmukhang tanga kahapon. "Baby, are you okay?" tanong ni papa. "Yes, dad," ngumiti ako sakanya. "I am fine." "Don't you like the food?" he asked me again with his concerned face. Tinitingnan lang kami nina and she was waiting for my answer. Maybe, she wanted to really know what's going on with me. "The food is good, pa. It's just that..." I don't want to be here. "Hm, I don't like the place," I told my dad. "Bakit, baby? Hindi ba you like this place?" tanong niya. "Pa, I just want something new. Maybe we should try Mang Inasal," noong narealize ko ang sinabi ko ay agad akong umiling. "No, no. We should try hmm something cheap," sabi ko. Tumango si dad pagkatapos ay sinenyasan niya yung isang waiter na nakabantay sa amin sa hindi kalayuan to ask for the bill. Pagkatapos magbayad ay tumayo na kami at lumabas. Sa sasakyan ay tahimik na inaayos ni mama yung buhok niya na ginulo ni dad kanina. Masyadong seryoso man kung titingnan si dad, sobrang kulit naman niya kapag naglalambing sa amin. "Honey, may natira pang buhok." Narinig kong sabi ni dad. Nakaponytail kasi si mama. Tiningnan ko sila sa harapan. Mapang-asar ang ngiti ni dad habang si mama ay pulang pula ang mga pisngi. Hindi ko alam kung anong meron doon sa sinabi ni dad pero sigurado akong kalokohan nila iyon dati. Umiling na lang ako habang natutuwa sa kasweetan ng mga magulang ko. Buti pa ang mga magulang,sweet...pero ang anak, bitter. "Hija, saan tayo kakain?" tanong ni mama. Mabilis akong nagtingin tingin sa paligid then I saw a small place named "Master Sisig". At iyon ang tinuro ko kay dad. Nahirapan sa pagpapark si dad kasi maliit lang yung space ng parking lot or I should say na wala talaga parking lot. Pinark na lang ni dad sa hindi kalayuan. "Ano pong order niyo, madam, sir? tanong nung isang babae na mukhang siya yung waitress pero hindi ito nakauniform. Mukhang nagpapanic din ito sa paglapit sa amin. "Can we have the menu--" hindi ko na pinatapos si dad. Ako na lang yung nag-order. "Isa pong order ng sisig at dalawang kanin, para po sakanila," tumingin ako sa may pader kung saan nakapaskil ang isang tarpaulin na magsilbing menu nila. "Hotsilog na lang ho ang akin," sabi ko at ngumiti sa babae. "Anong gusto niyong drinks, ma?" tanong ko sa kanila na ngayon ay nakatingin na sa akin at pansin kong may pakamangha sa mga reaksyon nila. "Anong pwedeng mainom dito, Miss?" tanong ni mama sa babae. "Madam, m-meron pong tubig, softdrinks at iced tea." "Iced tea na lang ang sa amin. And can you give us also some appetizer?" sabi ni dad. Napapikit ako sa sinabi ni dad. Bata pa lang kasi si dad ay sobrang yaman na ito kaya hindi niya alam ang mga lugar na ito. Ganon din ako pero gusto kong maexperience kaya gumagawa ako ng paraan. Kapag ako lang mag-isa ay sa mga ganito ako madalas kumain. "Hindi na po kailangan, Miss," nginitian ko ang babae at nahihiyang ngumiti rin siya sa akin. "Thak you po, madam, sir." Habang hinihintay namin ang mga inorder namin ay nakita kong nagbigay si mama ng panyo kay papa. Pinampunas naman ito ni dad sa noo nito na puno ng pawis. Mainit kasi sa lugar. Sobrang sikip pa kaya mas lalong umiinit. "Ay, sorry po, Sir. Nakalimutan kong buksan," nagpapanic na sabi ng babae pagkatapos ay hinila yung tali ng ceiling fan. May apat na tables sa loob at mga upuan. Pero sa oras na iyon ay kami lang ang kumakain doon. Ngumiti ako kina dad at ngumiti naman sila sa akin. "Baby, how did you know this place?" tanong ni dad sa akin. "Napadaan lang po ako dito nung minsan," sagot ko. Totoo iyon, hindi pa ako nakakain dito pero madalas kong makita ang "Master Sisig" kahit saan. May itatanong pa sana si dad nang dumating yung isang lalaking na galing sa labas na dala-dala yung sisig. Imbis na yung sisig yung tingnan nila mama ay sabay na tumingin yung dalawa sa pinanggalingan nung lalaki sa labas. Nagtataka sila kung saan niluto. "Pa, iniinit na lang po iyon. Sa labas may stand sila kung saan sila nagluluto." Sabay naman na napatango ang dalawa. Nung dumating na lahat yung order namin ay mabilis kong kinuha yung kutsara at tinidor na dala nung babae at susubo na sana ako nang pinigilan ako ng mama. "Give me your spoon and fork," utos ni mama. Ibinigay ko naman. Kinuha rin niya yung kay dad. Pagkatapos ay naglabas ito ng tissue at pinunasan yung mga kutsara at tinidor. Mabilis akpng tumingin dun sa babaeng nagbigay ng mga 'yon. "Sorry," I mouthed then smiled at her. Nagthumbs up naman ito sa akin saying it is okay. Habang kumakain kami, kitang kita ko sakanila na hindi nila gusto ang pagkain pero para sa akin ay masarap naman. Nakikain din ako dun sa sisig nila, nagustuhan ko naman iyon. Ako na nga ang nakaubos e. "Baby, are you sure you are okay? Maybe we can consult your dermatologist. You seem not really feeling well," sabi ni dad. Hindi talaga ako makakalusot sakanya. Hindi ko kailangan ng dermatologist, ang kailangan ko ay isang love expert. "Okay lang talaga ako, dad. Don't worry about me." "That can't be. You are my child, my only child. That's why you can't stop me from worrying about you." Napangiti ako sa sinabi ni dad. Maraming nagsasabi na masyado na akong matanda para i-baby ng mga magulang ko but what can I do? I love my parents and their sweet actions make me feel really special. "Yes, dad." Nung natapos kaming kumain ay hinihintay namin yung babae para pumasok ulit kaso sobrang tagal niyang nasa labas. Gusto nang kuhanin ni dad yung bill para makauwi na kami kaya nagprisinta na lang akong lumabas para kausapin yung waitress. Nakita kong nag-uusap yung lalaking tagaluto at yung waitress. "Ang sosyal nung mag-asawa no'? Pero 'yung anak, hindi. Ampon siguro iyon kaya sanay sa mga ganito." Iyon 'yung narinig ko sa babae nung pagkalapit ko sa kanila. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ako pinapansin. "Sa pananamit pa lang, walang wala na 'yung anak. Nagmumukha tuloy itong julalay, ganda ng mga magulang pero yung anak, no no," sabi nung lalaki na binabae naman pala. Nanliit ako sa mga sinabi nila kaya habang hindi pa nila ako pinapansin ay tahimik akong tumalikod at bumalik sa loob. Nung pagpasok ko ay nakita kong nagtitinginan sina mama at papa sa isa't isa. Tiningnan ko yung mga ayos nila at masasabi ko talagang mukha silang mga importante at malalaking tao. Tiningnan ko ang mga kasuotan ko, wala akong nakikitang mali pero ito yung mga kasuotan na madalas kong makita na suot ng ibang tao. Lumapit ako kina mama at kinuha ang bag ko at kumuha ng pera sa wallet. Inipit ko 'yung 1000 peso bill sa may plato ko. "Tara na po," I said kaya tumayo na sila at sabay sabay kaming lumabas. Kitang kita ko ang pa-igting ng panga ni dad. Mukhang alam na nito kung anong nangyari. Pagkalabas namin ay napansin kami nung waitress kaya mabilis siyang lumapit sa amin. "If you're looking for the payment. My daughter paid for it. She left the money on our table," masungit na sabi ni dad. "Keep the change and buy some decent clothes to make you look hmm...good." Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ng waitress sa sinabi ng papa ko. Gusto ko mang awatin si papa pero hindi ko magawa. He did that for me, I know. Magsasalita na sana si mama pero hindi ko na matiis kaya agad ko silang hinila papunta dun sa kung saan nakapark ang sasakyan namin. Bago ako pumasok sa sasakyan ay nakita kong nakatingin sa akin yung waitress. "Sorry," sabi ko ng walang boses. Inikot niya ang mata niya sa akin at maarteng tumalikod. Napabuntong hininga naman akp sa ginawa niya. Others don't appreciate my actions. They keep on hurting my feelings despite of what I am doing for them. Maybe I wasn't born to be loved. Maybe I was born to be betrayed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD