Hazel's Point of View
That night, I couldn't sleep. I was thinking of how can I change people's impression on me.
Angelo Fernandez, the guy that hurt me by having me as his rebound. He made me feel so special. But when the girl he really loves entered the scene...I was ignored. He didn't ask for what I feel...whether everything was fine with me or not. He made his own choice...he thinks for himself and Raiza only and not me. Maybe he was thinking that I was a saint that he can always ask for forgiveness without sweat that's why he just disregarded me.
That lady in the cheap restaurant, I tried my best to protect her feelings from my parents' natural attitude. But eventually she insulted me. I don't know what world has done to them.
Patuloy pa rin ako sa pag-iisip ng kung anong mga bagay na nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung bakit pinoproblema ko ang mga ito. Pwede ko namang hayaan na lang sila. Pero siguro ayaw ko lang na masaktan ulit kaya kailangan ko maayos ang mga issues ko sa sarili.
Kung hindi kumatok si mama noong umagang iyon ay hindi ko malalaman ang oras. Ilang minuto na lang ay mahuhuli na ako sa klase kaya nagmadali akong pumasok sa banyo upang maligo. Hindi na ako nakakain ng breakfast kaya pinabaunan na lang ako ni mama ng sandwich.
I was thankful because she did not ask about Gelo. Hindi ko pa alam kung sasabihin ko ba sa kanila na ginamit lang niya ako. Ayaw ko namang may gawing hindi dapat si papa. Ayaw na ayaw ko ang may masaktan ng dahil lang sa akin kahit na ang mga taong nanakit sa akin.
"Take care, baby," she said then she kissed me. Wala si dad kasi lagi siyang maaga kung umalis.
Pagkalabas ko ay nakahanda na yung sasakyan. Pagkalabas nung sasakyan sa gate namin ay may nakita akong sasakyan na kakaalis lang. Kilalang-kilala ko ang sasakyan ma iyon. Iyon ang gamit ni Gelo sa paghahatid at pagsusundo sa akin dati.
Napaisip ako kung bakit dumaan ang sasakyan niya sa bahay namin. Magkaiba kami ng village at sa pagkakaalam ko ay sa ibang village din si Raiza. May kung ano akong naramdama. Hindi kaya ako talaga ang sinadya na rito? Pero bakit?
Itinigil ni manong ang sasakyan sa pinakaharap ng gate kung nasaan nakaipon ang mga estudyanteng tulad ko na late. This is my first time dahil lagi naman akong maaga sa school.
Pinagtitinginan nila ang sasakyan kaya hindi ko alam kung lalabas na ba ako o ano. Ayaw na ayaw ko kasi ng atensyon.
"Ma'am, labas na ho kayo," nakangiting sabi ni manong. Napailing naman ako sa kanya.
"Pero manong, nakakahiya."
"Ay, ma'am. Lalo kayong malelate n'yan," pagkukumbinsi ni manong.
"Pwede ho bang ipark niyo na lang sa ibang lugar?" tanong ko.
Tumawa ng bahagya si manong pagkatapos ay umiling. Napabuntong hininga naman ako. Alam ko kasing hindi pwede dahil maraming mga nakaparada. Ito ay marahil ang mga sasakyan ng mga estudyanteng nalate. Nasa loob kasi ang parking lot ng school.
Kinuha ko na ang bag ko at nagdesisyong bumaba na nang nakita kong naglalakad papunta sa pila ng mga latecomers sina Raiza at Gelo.
Naagaw nila ang atensyon ng mga tao kaya nawala ang mga matang kaninang nakatingin sa sasakyan namin. Pero kahit na ganoon ay hindi ko magawang lumabas.
Tumingin ako kay manong na biglang nanahimik. Marahil ay nakita rin nito si Gelo.
"Ma'am, tissue?" sabi nito.
Ngumiti na lang ako kay manong at tinanggap iyon.
"Wala na po kami kaya hindi po siya nagtataksil ha?" pilit akong tumawa kaya napatango naman si manong.
Nabigla kami nang marinig namin ang sunud-sunod na pagbusina ng isang sasakyan sa likuran namin kaya muling nagtinginan ang mga tao sa amin at doon sa sasakyan sa likuran namin.
"Salamat po, Manong," sabi ko bago lumabas.
Pagkalabas ko ay mas lalo kong narinig ang malakas na pagbusina ng sasakyan sa likuran namin. Nung nakita niyang lumabas na ako ay bigla itong tumigil at lumabas.
Familiar sa akin ang lalaki dahil isa ito sa mga taong dumaan noon na may dalang aso noong nagpropose si Gelo sa may park.
"Miss, if you don't want to go inside the school. Then don't. You're disturbing others! Fck!" sigaw nito sa akin.
Narinig kong nagreklamo si manong kaya sinilip ko siya sa loob at ngumiti sa kanya, "Okay lang po ako, manong. Salamat po." sabi ko. Ayaw pa nitong umalis kaso kailangan kaya nagdrive na ito paalis.
Humarap naman ako sa lalaking sinigawan ako. "Sorry sorry," paumanhin ko at bahagya pa akong tumango.
Narinig ko itong nag-tsk kaya tiningnan ko ito. Nakatingin ito sa akin pagkatapos tumingin ito kay Gelo na nasa pila at galit na nakatingin dun sa lalaki.
"Damn stupid," mahinang sabi nung lalaki. Sa pagkakaalam ko ang pangalan nito ay Dennis.
Nasaktan ako sa sinabi niya. Nag-apologize naman ako sa kanya pero bakit ganon? Siguro ay tama sila hindi sa lahat ng pagkakataon ay nadadaan sa sorry ang isang mali.
Nahihiya akong tumingin dun kay Dennis na nakatingin pa rin sa akin.
"Hindi na mauulit," sabi ko rito at nakayukong nakipila sa mga ibang latecomers.
Nagpapasalamat ako na nasa isang pila sina Raiza na ngayon ay hawak hawak ang kamay ni Gelo na nakafist.
"Girl, anyare? Break na?" narinig kong tanong nung isa naming kabatchmate.
Ngumiti ako pagkatapos ay tumangon. Napa-ohh naman yung lalaki...este babae.
"Sabi ko na nga ba eh. Ikaw naman kasi, girl." Napatingin ako sa kanya, "sayang ka kung magpapakamanang ka na lang parati."
Nabigla ako sa sinabi niya. Pero hindi niya binawi iyon bagkus ay umiling-iling pa ito sa akin.
Natahimik na lang ako. Manang ba talaga ako? Parehas lang naman kami ng uniform ng mga ibang girls ha?
Ilang saglit lang ay nagpapasok na yung guard. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkapasok namin. First time ko kasi ito. Linya na namin yung papasok noon pero bago pa kami pumasok, hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon dun sa lalaki s***h babae.
"What should I do?"
Napatingin ito sa akin. Mukhang alam nito na siya ang kinakausap ko.
"Let's meet later?" tanong nito sa akin.
Hindi muna ako sumagot, iniisip ko kung meron ba akong importanteng gagawin.
"Lunch break?" tanong niya ulit kaya umoo na ako.
Pagkapasok namin ay inipon kami sa isang pwesto at doon kami pinagalitan ng guidance counselor. Sinabi nito na absent kami sa first subject namin today.
Akala ko matatapos na sa pagiging absent 'yung punishment namin pero hindi pa pala. Ginrupo kami sa dalawa.
"First group will clean all the comfort rooms expect for the private crs," narinig ko 'yung mga iba na nagrereklamo sila.
"Second group will clean the all the rooms after class," sabi ulit nito. Bigla akong nanlumo dahil mahigit 40 ang classrooms na kailangan naming linisin.
Nung nagkaintindihan na at pagkatapos kaming warningan ay tumingin ito sa akin.
"I don't want you to be here, again, Ms. Romero," sabi nito sa akin.
Napayuko naman ako.
"Opo, hindi na po ako uulit," sabi ko.
"Okay okay. Go to your classrooms," sabi ng guidance counselor bago umalis.
Nung pagkaalis naman niya ay kanya kanya sila ng reklamo. Lalo na ang second group kung saan ako nalagay.
Mas madami kami kesa sa first group kaya okay lang. Kaya naman naming paghati-hatian ang mga classrooms para maglinis. 21 kami sa second group while 8 lang ang nasa first group, kung nasaan sina Raiza at Gelo.
Nsa tapat ako ng pinto ng classroom namin at hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hindi.
"Buksan mo na, 'Zel."
Napalunok ako nang marinig ko ang boses niya. Hindi ako nagsalita at kumatok ako ng dalawang beses at binuksan na ang pinto.
Pagkapasok namin ay nagdidiscuss ang teacher sa harapan na ngayon ay nakatingin na sa akin pati ang mga classmates namin ay nasa amin na rin ang atensyon.
Naghiyawan ang lahat ng nakita kaming sabay na pumasok. Siguro iniisip nila na sabay talaga kaming pumasok ng school.
Habang papunta ako sa pwesto ko ay nahagip ng paningin ko si Neri na ngayon ay galit na galit ang mga mata na nakatingin sa pinsan nito. Pagkatapos ay nang maramdamam niyang may nakatitig sa kanya ay tumingon ito sa akin pero umiwas din ito ng tingin. Umupo na lang ako sa pwesto ko.
Dumating na yung lunch break at nilapitan ako ni Neri.
"Sabay tayo?" hindi ito nakangiti nang itanong niya iyon.
Ngumiti ako sakanya at sinabing, "May kasabay na kasi ako perp kung gusto mong sumabay sa amin okay lang."
"Sasabay na lang ako sa inyo. Sino ba yang kasama mo?" tanong nito sa akin.
Napakamot naman ako ng ulo, "hindi ko alam e. Kakakilala ko lang sa kanya kanina at nakalimutan kong itanong ang pangalan."
"Lalaki ba?" tanong nito. Kaya tamango ako. Lalaki naman talaga iyon pero may pagkababae nga lang.
Nakita kong kumislap ang mga mata niya at napangiti. "Good for you."
Sabay na kaming pumunta sa canteen. Pagkapasok pa lang namin ay agad akong kinawayan nung lalake s***h babae na nakita ko kanina.
"Neri, tara. Ayun siya oh!" sabay turo dun sa lalaki s***h babae.
Nakita kong nabigla si Neri at napakamot na lang ng ulo.
Pagkaupo namin ay biglang itong nagsalita.
"Hey girl, kung ikaw na bumili ng foods, please?" tanong nito kay Neri. Nakita ko namang tumaas ang isang kilay ni Neri.
"Samahan na lang kita--" hindi ko matuloy yung sasabihin ko nang bigla akong paluin nung lalaki s***h babae. Mahina lang naman iyon.
"We're going to discuss pa something," sabi nito.
Tumayo si Neri, "Okay, fine. Where are your money?"
Nagbigay kami ng pera ni lalaki s***h babae tapos umalis na si Neri.
"So girl, clear your schedule on Saturday," simula nito.
"Why?" nalilitong tanong ko.
"Because you want to change," ngumiti ito sa akin. "And that change will start next week."