Dumating si Neri na nakabusangot ang mukha at hindi nagdadala ng pagkain.
"Nasaan 'yung mga pagkain?" tanong ni Lander. Siya 'yung lalaki s***h babae.
"Maraming nakapila," simpleng sagot ni Neri pagkatapos ay umupo ito sa tabi ko bale kaharap naming dalawa si Lander.
"Edi sana pumila ka na. Nasayang lang ang oras," reklamo ni Lander. Inirapan naman siya ni Neri kaya umirap din si Lander.
"Hoy, bakla ka, huwag mo kong maganyan ganyan. Che!"
"Ikaw ang huwag akong ganyanin!" sigaw pabalik ni Lander.
"President ako ng class namin," immature na sabi ni Neri.
"O ano ngayon? Ahead naman ako ng one year sa'yo," pagdepensa ni Lander sa sarili. Sasagot pa sana si Nero kaso biglang may dalawang lalaki na kabatch namin na may dalang tray ng mga pagkain.
"Para kay Neri," sabay na sabi nung dalawang lalaki.
"Ay bet! Mga gwapo!" bulalas ni Lander. Nilakiham naman siya ng mga mata ni Neri.
"Thank you, boys," ngumiti pa ito sa mga lalaki. Ngumiting pabalik yung mga lalaki bago umalis.
Pagkaalis ng mga lalaki ay bahagyang itinulak ni Lander si Neri.
"Plastik," sabi nito kay Neri.
"The hell you care," sabi ni Neri sabay irap.
"Gwapo pa naman yung dalawa." Nakita kong bumuntong hininga pa si Lander na para bang pinanghihinayang yung mga lalaki.
"Edi sa'yo na," sagot naman ni Neri. Kumuha na ako ng pagkain at nagsimula ng kumain. Hinayaan ko na b yung dalawa hanggang manahimik.
"Anyway, paano mo nakilala si Hazel?" biglang tanong ni Neri. Hindi na ako sumagot at hinayaan na lang si Lander kung ano man ang sasabihin niya.
"Kanina sa pila ng mga latecomers and she's asking for my help," sabi ni Lander pagkatapos ay sumubo ito ng pagkain.
"Anong help?" tumingin sa akin si Neri pero bumaling ulit kay Lander at naghintay ng sagot.
"Make over."
Namilog naman ang mga mata ni Neri na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Oh my God! Oh my God!" Malakas ang pagkakabi ni Neri kaya napapatingin ang ibang students sa table namin.
"Sama ako! Ako ang mamimili ng mga damit niya!" suggestion ni Neri. Pero tumaas lang ang isang kilay ni Lander.
"No, I can manage," masungit na sabi nito.
"No. We already did that before," Neri told him.
Tumingin naman sa akin si Lander, "Oh really?"
"Yes, kaso hindi naman niya sinusuot."
Tinaas ni Lander yung isang kilay nito sa akin, "Sige, sama ka sa amin sa Saturday. Let's turn this frog into a beautiful princess."
Tumawa naman si Neri, "Tanga! Prince yung palaka at hindi princess."
"Tanga ka rin! Magkaiba 'to. Yung sa prince, kinikiss lang. E ito kailangan pang magwaldas ng pera!" paliwanag ni Lander kaya natawa na lang ako.
"Pero yung make over ko sayo...may bayad,"sabi ni Lander.
Tumango naman ako. Kaya ko pa naman sigurong bayaran ang talent fee niya.
"Business na business ha!" singit ni Neri.
"Yung payment ay hindi pera," tumigil ito saglit at tumingin sa akin, "I want to show my skills to everyone before leaving our school, Hazel. Can you help me?" tanong nito sa akin.
"Ano bang gagawin ko?" tanong ko.
"Sasali ka ng Wonderstruck Pageant kung saan ako ang magiging stylist mo."
Nabigla ako sa sinabi niya. "Seryoso?"
Tiningnan ko si Neri na biglang napaisip.
"Hindi ba't si Raiza 'yung last defending Queen?" tanong ko.
Sa school kasi namin kung nanalo ka ng pageant nung first year, pwede ka pa ring sumali ulit to maintain your crown. Si Raiza ay two years na siyang Crown holder.
"So?" inirapan ako ni Lander, "ikaw na naman ang next."
"Pwede bang iba na lang? Hindi ko kasi kayang sumali sa mga ganyang contest."
"Kaya nga nandito ako para tulungan ka," sabi pa niya.
Tumingin ako kay Neri na tahimik pa rin hanggang ngayon. Tumango ito na para bang sumasang-ayon ito.
"O sige. Pero hindi ko mapapangakong mananalo ako ha," sabi ko kaya umirap na naman siya sa akin.
"Ano ka ba! 6 months preparation pa! Ako gagawa ng gown mo!" pabulong ma sabi ni Lander pero punung puno ng energy.
"It's better to keep this as a secret muna ha? Oh my God, I'm so excited!"
Sabay kaming umiling ni Neri pagkatapos ay sumubo na ng pagkain.
This is really happening.