Chapter 24

1671 Words
Patapos na kaming kumain nang may biglang dumating at sinabing pinapatawag daw si Neri sa Faculty room. Agad namang pumunta doon si Neri. Isa iyon sa mga hinahangaan ko kay Neri, ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagreklamo sa mga pinapagawa sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Lander. Kinuha nito ang number ko para daw alam niya kung saan ako macocontact. May ilang minuto pa ang natitira bago magsimula ang next class kaya nag-cr muna ako. Pagkatapos kong maghilamos ng mukha ay kinapa ko ang panyo ko sa bulsa kaso wala doon. "You can use mine, Hazel." Tumingalo ako at nakita ko si Raiza na inaabot nito ang face towel niya. Nakangiti ito sa akin na para bang wala issue na nangyayari. Ngumiti ito na parang wala itong problema. "Salamat," sabi ko at tinanggap yung panyo. Habang pinupunasam ko ang mukha ko ay nakita ko siyang naghihilamos ng mukha. Nang matapos siya ay nakangiti nitng kinuha ang face towel niya sa akin at ginamit iyon. Namangha ako dahil wala itong kaartehan sa kanyang katawan. "Salamat. Una na 'ko." Lalabas na sana ako kaso bigla itong nagsalita. "Dis he hurt you?" Napahinto ako sa narinig. Bakit siya nagtatanong ng ganyan? "What do you mean?" I asked. "Kasalanan ko ba?" tanong niya ulit sa akin. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Napaka-expressive ng mga mata niya kaya kahit anong expression niya ay agad mahahalata. "A-anong sinasabi mo, Raiza?" naguguluhang tanong ko. Nanlaki ang mga mata ko nang may tumulong luha sa mga mata nito. "R-Raiza..." lumapit ako sa kanya pagkatapos ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Sorry. Hindi ko alam," sabi nito kaya lalo akong naguluhan. "Alam mo, Raiza." Napakalas ako sa yakap niya at tiningnan ang bagong dati. Si Neri na galit na galit na nakatingin kay Raiza. "Nakita kita nung Intrams. I could see your jealousy whenever you see them together," dagdag ni Neri. "Anong sinasabi mo, Neri?" tanong ko. Iyong pakiramdam na ikaw ang pinag-uusapan pero hindi mo alam kung anong pinag-uusapan nila. Tipid na ngumiti sa akin si Neri, "Hazel, masyado kang mabait para hayaan lahat ng mga napapansin mo. Kaya sa bandang huli ikaw ang kinakawawa." When I realized what she's saying, bigla akong nanghina dahil tama ito. "At ikaw, Raiza! Masyado ka ring mabait para hindi pansinin ang nararamdaman mo para lang hindi masaktan ang ibang tao. Sobra sobra ka kung ma-in love," naiiling na sabi ni Neri. Umiiyak pa rin si Raiza habang ako ay nanatiling tahimik. "Alam niyo ba. Hindi ko alam kung anong nakita niyo dun sa Gelong iyon. Wala akong pakialam kung pinsan ko man siya. But he's too much," sabi nito tapos ay huminga ng malalim na para bang kinakalma ang sarili. "He doesn't deserve you, guys." Iyon ang last niyang sinabi bago umalis at iniwan kaming dalawa sa loob. "Do you love him, Hazel?" biglang tanong nito. QAaaaa "Yes." Napapikit ako sa sagot ko. Ayaw ko na pero hindi naman agad mawawala iyon. "Nasabi ko sayo noon na ingatan mo diba? Ingatan mo ang damdamin niya," sabi niya sa akin. "Kasi nasaktan ko siya nang piliin ko si Henry kaysa sa kanya. Importante si Gelo sa akin kaya laking tuwa ko nang malaman kong ikaw yung pinopormahan niya. Because I knew he was in good hands. Kaso hindi ko naman alam na ikaw pala ang masasaktan. I should have told him the same thing I told you." Umiling ako sa sinabi niya. "Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pakiusap," sabi ko. "I'm sorry." Huminga ako ng malalim, pagkatapos ay pilit na ngumiti, "Do you love him?" "Of course," sabi niya pero dinugtungan niya iyon agad, "but I love Henry more." "A-are you together, again?" I asked her. That was a foolish thing to do but can't resist my curiousity. Umiling ito, "No." Hinawakan nito ang kamay ko, "But he's courting me and I can't do anything to stop him. He doesn't know what he is doing. He can't make up his mind." "He's being jerk, as ever. Hazel, there will be regrets. Someday." Nagulat ako sa inasta niya. Bakit siya ganon? Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya? She's too kind. Mabilis niyang binitawan ang kamay ko at tumalikod. May mga estudyante kasing papasok sa banyo. Naghilamos ng mukha si Raiza ulit. Pagkatapos nitong magpunas ng mukha ay ngumiti ito sa akin. "Let's go?" Tumango ako sa kanya at sa ngumiti ko ng tunay sa kanya. Hindi siya ang kaaway ko. Nasa pinakahuling section si Raiza pero dati itong nasa Star Section. Pero sa pagkakaalam ko ay nagpalipat ito ng section para makasama si Henry. Mauuna siyang makarating sa classroom nito dahil nasa may pinakadulo pa ang room namin. Nung nasa pinto na kami ay nakita kong nandoon si Gelo na kausap si Henry. Galit na galit si Gelo pero kampanteng nakasandal lang sa pader si Henry. "You don't have the rights to hurt her. Damn you," Gelo said. Umiwas ako ng tingin nang nakita kong tumingin sa akin si Henry. Hindi kami nakikita ni Gelo dahil nakatalikod ito sa amin. "You sound like a saint, man," narinig kong sabi ni Henry. Akmang susuntukin ni Gelo si Henry kaso mabilis na lumapit si Raiza sa dalawa. "Gelo, stop!" Huminto si Gelo at maamong tumingin kay Raiza. Umiwas ako ng tingin, dahil sa tingin ni Gelo kay Raiza at dahil na rin nakatitig pa rin sa akin si Henry. "I'm sorry, Rai. I was just trying to have my revenge," sabi ni Gelo. "Shut up!" Napapikit ako sa sigaw ni Raiza. "Walang ginagawang masama sayo si Henry kaya wala kang dapat ipaglaban. Hindi kita boyfriend para protektahan ako, Gelo." Umatras na ako. Nasasaktan ako dahil kay Gelo pero mas nasasaktan ako para sa kanya. Napadilat ako nang may humawak sa wrist ko. "No," nakatitig ito sa mga mata ko, "you stay here." Sinubukan kong alisin yung pagkakahawak ni Henry sa wrist ko pero hindi niya ako binitawan. "Rai naman e..." narinig kong sabi ni Gelo. Para itong bata. Hanggang ngayon hindi pa rin ako napapansin ni Gelo. Nakuha nang nakalapit ni Henry sa akin pero hindi pa rin niya ako napapansin. "Gelo. Stop please." "No." Ngumiti ito kay Raiza, "I won't stop." Iyon lang sabi niya pagkatapos ay tinalikuran na niya si Raiza. Alam kong nagulat ito nang makita niya akong nasa may gilid lang at nanunuod. Pero agad ding napalitan ng galit ang mga tingin niya nang nakita niya si Henry. "Let's go, Zel." Hinawakan nito ang kabilang wrist ko at hinila kaso hindi ako binitawan ni Henry. "Bitawan mo siya," sabi ni Gelo kay Henry. "Binitawan mo na siya, diba?" ganti ni Henry kaya lalong nagalit si Gelo. Hindi nagsalita si Gelo kaya tumawa nang tumawa si Henry at binitawan ang pagkakahawak niya sa akin. Hinila na ako ni Gelo hanggang sa pagpasok namin sa klase. Wala pa ang teacher namin pero kumpleto na ang lahat sa room. "Palit muna tayo, Jus." Narinig kong sabi ni Gelo kay Justin na ikinabigla ko at alam kong kinabigla rin ni Neri na nagmamasid sa may malapit lang. Tumingin muna sa akin si Justin kaya bahagya akong tumango sa kanya. Umupo na si Gelo sa tabi ko. "Zel, please huwag mong lalapitan si Henry," pakiusap ni Gelo pero hindi ito nakatingin sa akin. "Hindi ko siya nilalapitan, siya ang lumalapit," "Edi umiwas ka," sagot nito. "Bakit, Gelo?" naguguluhang bulong ko rito. "Ayaw mo siyang iwasan? Bakit, Zel?" tanong nito pabalik. "Bakit ko siya iiwasan?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Nagbabangayan kami nang pabulong. "f**k it, Hazel. Just ignore him, okay?" matalim ang titig nito sa akin. "Hindi kita boyfriend. Kaya hindi mo dapat ako dinidiktahan. Tinanggal mo na ang karapatan mo sa akin." Nabigla ako sa sinabi ko. Hindi ko akalaing masasabi ko iyon. Pero it feels good. Sa unang pagkakataon ay na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Napatingin sa akin si Gelo at may bahid na pagkabigla sa mukha niya. "You're not Zel." Gusto kong sabihin na nagkakamali siya pero pinigilan ko ang side kong iyon. "Since you broke me, Gelo. I'm not your Hazel, anymore." Nanahimik ito sa sinabi ko, akala ko aalis na siya pero nagsalita itong muli. "Ganun pala, now I know." Tumango tango ito. "Kaya pala lumalandi ka ngayon." Ito na siguro ang pinakamasakit na sinabi ni Gelo sa akin. Pinigilan ko ang mga luha ko. Nakita kong natulala si Gelo sa sinabi niya. "Fvck. H-hindi ko iyon sinasadya. Sorry." Lalo akong nagalit sa sinabi niya. "No. You're right," sabi ko at tumayo. Lumapit ako dun sa classmate kong kilala bilang isang playboy. Nakaupo ito at para bang walang pakialam sa mga nangyayari sa mundo. Kinalbitan ko ang katabi nitong babae. "Pwede bang dito muna ako?" tanong ko sa kanya at tinuro ko ang upuan ko. Ngumiti ito nang makita niyang nakaupo si Gelo sa tabi ng upuan ko. "Sure!" mabilis nitong kinuha ang pen nito at pumunta ba sa pwesto ko. Tinitingnan ako ni Josh habang umuupo ako sa tabi niya. Tinanggal na rin niya ang headphones nito. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya. Ngumisi ito sa akin at inilapit ang upuan niya sa akin. "f**k it. Just f**k it." Napapikit ako nang sinigaw iyon ni Gelo. Hindi ko ito tiningnan na para bang wala akong pakialam. "This is interesting." Narinig kong bulong ni Josh, ito yung classmate ko na playboy. "I'm Hazel Romero," sabi ko at ngumiti ng matamis sa kanya. "Sht. I waited for this moment to come," bulong nito habang nilalapit niya ang labi nito sa tenga ko. Kinilabutan ako sa ginawa niya. Hindi ako sanay sa ganito pero ito ang naaa isip niya. Nasa isip niyang malandi ako kaya bakit hindi ko patunayan? "I'm Joshua Layson. It's really nice to personally meet you," sabi nito. Pagkatapos ay ngumisi, "Sht. This is really happening." Kahit hindi ako kumportable ay ngumiti ako habang tinitingnan ang kapapasok pa lang na teacher namin. So this will be the first guy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD