Hazel's Point of View
Sa buong afternoon ay si Josh lang ang nakausap ko. Napagalitan nga kami kasi gumawa kami ng sariling mundo. Nagtataka ang mga teacgers namin kaya napapatingin sila kay Gelo. And Gelp did not even show any emotions. As if it was nothing...that I was nothing.
After class ay pumayag ako na ihatid ni Josh sa bahay. I texted our family driver to inform him.
I told him the directions, and he's really fast learner. Maybe, all of the drivers can do that?
Nung nasa tapat na kami ng gate ay bababa na sana ako kaso hinawakan nito ang kamay ko.
"It's really nice meeting you even though I know it's not really your intention to meet me," nakangiting sabi nito sa akin.
Napasmirk ako sa kanya. This is what I like about Josh. He knows I'm playing and he's willing to play with me, too. Anyway, this is what boys love doing. To play. To play with girls. And I'm just trying to do what they like doing. If men can do it, women can do it, too.
Hinalikan niya ako sa pisngi. Kumportable naman ako sa kanya kaya there's no problem with that kiss. I have to get out in my conservative world. I should face the real thing in this real world.
Pagkatapos kong magpaalam at magpasalamat ay umalis na ako.
Papasok pa lang ako sa kuwarto ko nang narinig ko tumunog 'yung phone ko sa loob kaya agad akong pumasok ng kuwarto at kinuha yung phone ko sa may tabi ng macbook ko.
It's an unknown number. Hindi ko iyon sinagot. Namatay na yung tawag at ilang sandali pang ay may natanggap akong message na galing dun sa unknown number.
It says, "Bakla. Sagutin mo 'yung call. Si Pretty Lander to."
Hinintay kong tumawag siya at ilang saglit lang ay nagring na ang phone ko.
"Bakla kaaa!" pagbati nito sa akin.
"Hello."
"Pa-hello hello ka pa d'yan! Mang-aagaw ka!!!" sigaw nito kaya kinailangan ko pang ilayo ang phone ko sa tenga ko. That was loud.
"Sinong inagaw ko sa'yo?" tanong ko kahit na may clue na ako kung sino.
"Ang matagal ko ng pinagpapantasyahan na si Joshua Layson! Kainis ka!" nagsound pa ito na para bang umiiyak. Napailing na lang ako sa mga kalokohan nito.
"But seriously, you don't need make overs pala. Haba na ng hair mo kahit na manang ka."
I soon realized what he just said. Yes, he's right. I thought of Josh's words ealier and he said he was waiting for that moment.
"Hindi naman. Sa totoo lang ako naman 'yung unang lumapit kaya nagmamagandang loob lang siya sa akin na pansinin ako," sabi ko rito pero mukhang hindi naman ito naniwala.
"Hinatid ka pa niya and I bet susunduin ka niya bukas. Kainggit naman!" tapos sumigaw na naman ito.
Nagkwentuhan pa kami at sinabi ko ang totoong nangyari sa amin ni Gelo. Pati yung mga nangyari kanina. And sa huli, ito ang sinabi niya,
"Ang gulo naman ni Gelo. Kaloka! Easy to get ka pala, bakla, biruin mong wala pang isang araw sinagot mo na agad agad nung nanligaw siya."
Pagkatapos ng call ay nagbihis na ako ng pambahay.
Wala akong ganang kumain ng dinner and I know na wala pa si papa. Si mama naman hindi ko alam kung saan nagpunta.
Humiga ako at doon ko narealized na sobrang dami palang nangyari.
Lander. Make over. Raiza. Henry. Gelo. Malandi. Josh. And the kiss.
Napapikit ako and tried to calm down. Feel ko ay sobrang aga kong nainlove kaya namomroblema ako ngayon. 17 isn't the right time to love someone deeply.
The next day. Maaga akong nagising, maaga kasi akong natulog. Bumaba ako para kumain pero madilim pa. Maybe tulog pa silang lahat.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Pero nagulat ako nang biglang may nagsalita. Akala ko kung sino. Si Manang Elsa lang pala.
"Ginulat mo naman ho ako, Manang." sabi ko.
"Nagbanyo ako kanina tapos nakita kitang bumaba kaya sinundan kita. Alam kong gutom ka na. Hindi ka kasi bumaba kagabi," sabi nito habang nagsasalin ng gatas sa isang baso. Pagkatapos ay ibinigay niya sa akin iyon.
"Thank you po."
"Anong gusto mong almusal, Hazel?" tanong sa akin ni Manang Hazel. "Pancakes at itlog?"
Tumitig ako kay manang dahil sinabi niya. Lumitaw ang ngiti at kislap sa mga mata nito. Mabilis kong inilapag ang baso ko sa may counter at mabilis na nilapitan si Manang at niyakap.
Lagi akong maagang gumising dati para magpaluto kay manang. At madalas ay nagpapaturo akong magluto. Siya ang yaya ng papa ko nung bata ito at ngayon ay siya na ang cook namin. Pero nung natutong magluto si mama ay madalang na lang itong magluto. Ayaw na ni papa na nagtatrabaho si Manang Elsa dahil nasa late 60s na ito.
Hindi nakapag-asawa si Manang Elsa at hindi ko alam kung bakit. Pero ang kwento niya sa akin noon ay nagkaboyfriend ito noong dalaga siya
"Namiss ko po kayo." sabi ko habang niyayakap siya. Narinig kong humikbi si manang. Napakaiyakin talaga ni Manang Elsa. Sobrang bait nito.
"Ikaw talagang bata ka. Manang mana ka sa tatay mo. Ginawa niya rin ito sa akin noon nang binata siya. Lagi niyo kong pinapaiyak," tumawa ito habang umiiyak.
"Kwentuhan niyo naman po ako sa love life niyo."
Nagulat ito nang bigla akong naging interasado. Naupo ito kaya upo ako sa harapan niya.
"Si Diego. 'Yung lalaking tanging minahal ko. Dalagita pa lang ako noon siguro kasing-edad mo. May kaya sila samantalang naghihirap ang pamilya namin. Nagka relasyon kami na kung saan tutol ang mga magulang niya. Nagalit ang mga magulang ko sa akin nang malaman nila," huminto saglit ito at parang nananariwa ang mga alaala niya.
"Dapat sila ang magiging kakampi ko kaso hindi. Nagalit sila dahil nagpapaloko daw ako kay Diego. Hindi ko alam kung galit ba sila sa mayayaman o talagang ayaw nila kay Diego."
Namumuo ang mga luha nito nang magpatuloy, "Pinaglaban ako ni Diego. At gusto ring gawin ang kaya niya kaso hindi ko kinaya. Hindi ako kasing tatag niya. Pinaluwas ako ng mga magulang ko sa Maynila at pinahinto sa pag-aaral para magtrabaho. At sa mag-asawang Romero ako nakapasok, ang lolo't lola mo."
"Sobrang galit ako sa mga magulang ko kaya hindi ko sila nagawang bisitahin. Pinapadala ko ang buo kong sahod sa kanila. Wala akong tinitira pa sa sarilu ko. Ang lola mo na ang bumibili ng mga damit ko dahil alam niyang wala akong pambili."
"Nalaman kong nasunog ang bahay namin sa probinsiya at agaw buhay ang inay ko. Si tatay naman ay namatay. Binigyan ako ng pamasahe ng lolo at lola mo para makauwi. Pagkauwi ko wala na akong naabutan. Walang bahay. Walang tatay. Walang nanay. Hindi ko naabutan ang nanay ko." Hinawakan ko ang kamay ni manang. Umiiyak na naman ito.
"Problemado ako sa pera. Wala akong pambayad sa ospital at pampalibing. Wala akong naipon dahil ibinibigay ko ng buo ang mga sahod ko sa magulang ko. Nag-ambagan ang mga kapitbahay upang tumulong. Nahihiya akong lumapit sa lola mo dahil baka isipin nilang sumusobra na ako. Hindi ako humingi pero nang minsang may hinanap ako sa bag ko ay natagpuan ko 'yung isang sobre. Naglalaman iyon ng pera. Alam kong galing iyon kina lola mo."
"Pagkatapos ng libing ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Humingi ako ng bakasyon sa lola mo at pinayagan naman nila ako."
"May nakita akong kaibigan namin ni Diego dati. Sa totoo lang noon ko lang naisip ulit si Diego. Sa sobrang dami nang nangyari kinalimutan ko siya. Pinuntahan ko sila sa bahay nila. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon, wala akong dahilan."
Umiyak nang umiyak si Manang Elsa. Lumapit ako sa kanya at pinatahan siya. Kahit na gusto kong malaman kung anong nangyari kaso pinili ko na lang na manahimik. Hindi ko akalain na ganito ang kwento niya. Napakasayahin niya kasi.
"Manang Elsa, anong nangyari?" nag-aalalang sabi ni papa nang nagising ito.
"Wala ito, hijo. May naalala lang." Kahit na sobrang nag-aalala si papa, pinili rin niyang manahimik. Sigurado ay alam na nito ang kwento ni Manang.
Grabe ang iyak ni Manang Elsa kaya lalo akong nacurious. Ni hindi na nga ito makahinga sa iyak niya kaya mabilis akong kumuha ng pamaypay at isang baso ng tubig.
Napaiyak na lang akong bigla. "Sorry po. Sorry po. Hindi ko na sana kayo hinayaang magkwento," sabi ko habang pinapaypayan siya.
Ngumiti ito sa akin at kumalma, "Hindi mo kasanalan. Hindi lang talaga ako makalimot."
Bumaba si mama at hindi na nagtanong sa nangyari. Hinalikan niya ako sa pisngi at dumiretso sa kusina.
Nakaupo na si papa sa harapan namin ni mannang at kung anu ano ang kinukwento para maiba yung usapan. Thank God kasi tumatawa na ulit si Manang Elsa. Sobrang kinabahan ako doon.
"Baby, maligo ka na doon habang nagluluto ang mommy mo. Sabay sabay na tayong mag-almusal," kiniss ko muna si papa bago umakyat.
Excited akong naligo dahil minsan ko na lang makasama si papa sa breakfast. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. At doon ko nakita si Josh na kausap sina Manang Elsa at sina papa habang hinahanda ng mga katulong ang mga iniluto ni mama.
"Nililigawan mo ba ang baby ko?" tanong ni papa kaya bigla akong kinabahan.
"Nope. Classmates lang," natatawang sabi ni Josh kaya kumunkt ang noo ni papa.
"Good. Because I don't like you for my daughter," prangkang sabi ni papa. Natawa na lang si mama sa kanya.
"Sinong gusto niyo para sa kanya?" This time, seryoso na si Josh.
Hindi pa nakakasagot si dad nang nagsalita ulit si Josh, "I'm rude, yes. But I don't play with girls' feelings. I won't use someone to be a rebound."
Tumingin sa akin si Josh nang sinabi ang huling salita. Kaya napatingin na rin sina papa sa akin.
Nag-igting ang panga ni dad. Mukhang may clue na ito sa nangyari. Obvious naman kasi si Gelo ang pinatatamaan ni Josh.
Kumain kami at pagkatapos ay sumakay na ako sa sasakyan ni Josh. Tama nga si Lander. Susunduin nga niya ako at hindi lang iyon. Nakikain pa talaga ito. Ang walanghiya.
Tawa ito nang tawa habang nasa loob kami ng sasakyan.
"Ang hirap mo palang maging kalaro, Hazel! Your dad is strict!" sabi nito tapos ay humagalpak ito ng tawa. Pinaghahampas ko naman siya sa bag ko.
Nung nasa parking lot, may tumawag kay Josh na dalawang babae kaya sabi niya mauna na ako sa room at kakausapin lang niya yung dalawa.
Napatingin ako sa may pinakagilid ng parking lot. Nakita kong nagtatalo sina Raiza at Gelo.
Raiza's asking him agan to stop and think.
"You love her!" narinig kong sabi ni Raiza.
Tumalim ang tingin ni Gelo sa kanya.
"No! I never loved her! I liked her, okay? But don't be jealous, Rai. Ilaw ang mahal ko." Hinawakan ni Gelo yung pisngi ni Raiza kaso inalis lang iyon ni Raiza.
"I'm not jealous. Please just forget about me. Move on." malamig na sa ni Raiza.
"No."
"You love Hazel. I know it."
"Hindi ako pumapatol sa malandi, Rai."
Sa pagkasabi n'yon ni Gelo ay mabilis na dumapo ang palad ni Rai sa pisngi ni Gelo. Napapikit ako sa lakas ng pagkakasampal niyang iyon.
May naramdaman akong malalamig na mga kamay na tumakip sa mga mata ko. At bumulong sa may tenga ko.
"Next time, just ignore them. It's not healthy for you."
Hindi ko madaling mabuhos ang emosyon ko sa harap ng mga tao pero sa pagkakataong iyon ay bigla akong naluha. Hindi ako sigurado kung kakilala ko nga ang taong tumakip sa mga mata ko. Pero sigurado akong siya ang nakapagpalabas ng mga emosyon ko.
Habang umiiyak sa mga kamay niya ay dahan dahan niya akong inilayo sa lugar na iyon.
Naramdaman ko na lang na inalis niya yung mga kamay niya sa mga mata ko at mabilis siyang naglakad paalis habang pinupunas yung palad niya sa pants nita. Kahit na nakatalikod ito ay nakilala ko siya.
Napangiti ako sa ginawa nung lalaki. Dagdag ito sa mga lalaking hindi ko pweding paglaruan.