ALEXANDRO POINT OF VIEW Mainit ang sikat ng araw sa Maynila, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit mas naningkit ang mga mata ko habang nakaupo sa sulok ng maliit na karinderyang napasukan ko. Ang tunog ng mga kutsarang kumakalansing sa pinggan, ang mga paang nagmamadali sa sementadong sahig, at ang tunog ng trapiko sa labas—lahat ng iyon ay parang humina sa pandinig ko nang mapansin ko ang babaeng iyon. Napadaan lang ako rito. Walang plano, walang direksyon, basta lang gusto kong mapalayo sa lugar na sinalubong ako ng dugo at pagtataksil. Ang mga lalaking pinagkatiwalaan ko, binigyan ng proteksyon at kapangyarihan, sila rin mismo ang nagtangkang humuli sa akin sa sarili kong laro. Akala nila kaya nila akong pabagsakin. Akala nila may puwang ang awa sa akin. Wala. Hindi ko alam kung

