ALEXANDRO POINT OF VIEW Hindi ko alam kung anong mas mahirap—ang ayusin ang motor na nasa harapan ko o ang pigilan ang sarili kong ngumiti nang makita ko siyang papalapit, may dalang pagkain. Nakahawak ako sa isang wrench, habang ang isa ko namang kamay ay puno ng grasa. Kanina pa ako nakatungo, sinusuri ang makina ng motor na ‘to, sinusubukan kung paano aayusin ang problema. Dati, baril lang ang inaatupag ko. Hindi ako sanay sa ganitong klaseng trabaho, pero dahil sa pagpapanggap ko bilang mekaniko, napilitan akong pag-aralan kahit papaano. Isa pa, hindi naman puwedeng magduda ang mga tao sa paligid ko, lalo na siya. Pinunasan ko ng likod ng kamay ko ang pawis sa noo ko, saka lumingon saglit sa paligid. Ilang tauhan ko ang abala rin sa kani-kanilang gawain, pero ang atensyon ko ay

