ATHENA POINT OF VIEW Napabuntong-hininga ako habang pinapanood si Alexandro na walang kahirap-hirap na nagsisilbi sa mga customer. Hindi ko pa rin alam kung paano ko siya napapayag gawin ‘to, pero ngayong andito na siya, parang hindi naman siya nahihirapan. Sa totoo lang, parang mas sanay pa siyang humarap sa tao kaysa sa akin. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagdagsa ng mas maraming customers—lalo na ang mga babae. Halos mapuno ang karinderya sa dami ng mga babaeng biglang dumating. Hindi ko alam kung paano nangyari ‘to, pero ang sigurado ako, hindi sila pumunta rito para sa pagkain. Pumunta sila para kay Alexandro. Napatikom ang kamao ko nang makita ko ang isang grupo ng mga babae na hindi nahihiyang titigan siya. Iba’t ibang klase sila—may estudyante, may office workers

