Visible Chapter 26 Nasa loob ako ng music room ngayon at tumutugtog ng violin. Wala naman talaga akong klase pero gusto ko lang makawala sa sakit na nararamdaman ko. Pero… Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko ay naalala ko ang tawanan nilang dalawa. At kung gaano sila kabagay sa isa’t isa. Hanggang sa natapos na ako sa pagtugtog at napabukas ng mga mata. Pero nabigla ako nang marinig ko ang boses na yun. “So, classical music pala ang itinutugtog mo…” she said. Napataas ako ng mukha at nakita kong nasa pinto ang magandang babaing yun. Si Cass. Pero agad na akong umiwas ng tingin. Naninikip kasi ang dibdib ko ngayong nakita ko ang babaing mas nababagay sa lalaking mahal ko. Naglakad sya papunta sa akin. “Well looks like nagseselos ka sa laging pagsasama namin ni Jungkook” sh

