Visible Chapter 27 Next day… “Pssst!!” Huh? “Psst!” Ang ingay. “Psst!” Ays, sino ba yan ha? Hindi ako makapag-concentrate sa binabasa kong aklat sa school park. “Sarrrraaaangg…!” ang mahinang tawag sa akin ng isang boses. Napalingon naman ako at… Si Jeon Jungkook na naka-coat, naka-sumbrero at naka-shades habang may nakatakip na newspaper sa mukha nya ang nakita ko. Teka, anong ginagawa nya?! At para syang nasa isang action movie na tumakbo papunta sa tabi ko. “A-anong ginagawa mo?” ang lingon ko sa kanya. Buti nalang at dalawa lang kami ang nakatambay sa side na ‘to ng park. He smiled. “Wala lang. Nami-miss ko ang sarang ko.” Agad kong na-feel ang pagragasa ng dugo ko sa pisngi ko. “B-bakit mo naman ako n-namimiss?” ang hindi ko makatinging tanong. “Eh kasi tinatawagan

