Chapter 23

1828 Words
Visible Chapter 23 “Jungky Oppa? Are you kidding me?” Pagkasara palang ng pagkasara ng pinto ng kotse na sinakyan nila ay yun ang unang isinalubong sa kanya ni Jungkook. Her brows met. “And why? I just saved your ass back there so maybe I just misheard you from saying Thank You?” “And why should I thank you? You dare to call me in that gay name right in front of the camera and you expect me to thank you?! Are you really trying to piss me off?!” he yelled. “Hey! Don’t yell at me! Kung hindi dahil sa pagtawag ko sayo sa ‘gay name’ na yun ay baka hindi natin sila napaniwala na talagang girlfriend mo ako!” “Don’t flatter yourself young lady, kung hindi rin dahil sa akin ay baka puno parin ng bashes ang site ninyo!” “And who said---” “Okay! Okay! Kakakita nyo palang ay lovers quarrel na agad?” ang sulpot ni Mr. Han sa front seat habang magkatabi naman sila sa backseat. “SHUT UP!” ang sabay pa nilang sigaw saka lumingon sa kani-kanilang window. “Ayyyyeee…don’t be shy. Ms. Cass of Pinky, meet Mr. Jungkook of BTS. Now shake hands, LOVERS” ang tudyo parin ng manager nila saka ito tumawa. Pero napalunok nalang ito ng parehong glare ang natanggap nya sa dalawa. *Saranghae Snow! Saranghae Snow!* “Wait, what is that?” ang takang tanong ni Cass nang marinig ang ringtone na yun. *Saranghae Snow! Saranghae Snow!* “Sarang?” ang agad namang sagot ni Jungkook sa phone nya. Cass put on a smirk. “And here you are lecturing me about your gay name but you have that GAY RINGTONE?” Jungkook glared at her. “Oh, ikaw pala V” ang sagot ni Jungkook sa phone. “Talaga? Kumain na sya ng lunch? Ano?! Halo-halo lang kinain nya?! Wait, pakainin mo ang sarang ko! Dapat marami syang makain dahil napapansin kong pumapayat na ang pisngi nya. Okay, okay. Bye. I’ll call her” Yun lang saka pinatay ni Jungkook ang phone nya. “Tsk, sarang?” si Cass with that smirk on her face. “So totoo pala talaga na may ibang babae kang idini-date sa school nyo. Oh God, so ikaw pala ang may kasalanan kung bakit lumabas ang chismis na yun” “Shut up” Jungkook glared at her. “Oh I won’t shut up!” Cass yelled. “Kung makikipaglandian ka nalang man din, pwede bang marunong ka ding magtago? Nang dahil dyan sa reckless na ginagawa mo kaya nagkaka-da-leche-leche ang career ko! God, gimme a break!” “Bahala ka sa kung ano man ang iisipin mo. Pero para sa akin, ginagawa ko lang ‘to dahil ito ang gusto ng sarang ko. Hindi naman talaga mahalaga sa akin ang career na ‘to pero mahalaga ito sa sarang ko kaya ginagawa ko ang lahat ng ito” ang sabi ni Jungkook saka sya nag-dial sa phone nya. Samantalang natigilan naman si Cass sa sinabi nyang iyon. Ginagawa nito…ang lahat ng ito para sa babaing mahal nya? At hindi para sa sarili nya? “Aiiiissshhh…this hard headed girl, hindi na naman sya makontak…” he said while he kept on dialling on his phone. Samantalang napatitig nalang sya kay Jungkook. Just…who is this guy? **************** “Sigurado ka bang wala ka ng ibang gustong kainin maliban sa halo-halo?” ang tanong nya sa akin habang magkatabi kaming kumakain sa school cafeteria. And as usual… “OH MY GEE, I JUST CAN’T BELIEVE THIS!” “FIRST, SI JUNGKOOK OPPA! NOW, SI TAEHYUNG OPPA NAMAN?!” “ANG FLIRT NYA RIN NOH? AKALA KO PA NAMAN TAHIMIK LANG SYA PERO SA LOOB DIN PALA ANG KULO!” Tumahimik nalang ako at nagsubo na ng halo-halo. Sa araw-araw na nangyayari ito sa akin ay parang unti-unti narin akong nai-immune. Pero… “KKKKKKKKKKKKYYYYYYYYYAAAAAHHHH!!” ang tilian ng mga babaing yun. At paglingon ko… Si Taehyung… Binuhusan nya ng tubig galing sa katabi naming pitcher ang mga babaing nagba-backfight sa akin kanina! Hindi ko napansin na tumayo pala sya mula sa tabi ko at nagpunta sa katabi naming table. At ngayon ay nasa likod sya ng tatlong magkakatabing babae habang hawak ang pitcher na yun. Magagalit na sana sila pero pagharap nilang tatlo ay ang seryosong mukha na yun ni Taehyung ang nakaharap nila. “T-taehyung….o-oppa…” one of the girls stuttered. “I really can’t stand people like you” ang sabi ni Taehyung sa malamig na boses saka nya ako nilingon at ngumiti. “Now, shall we continue eating?” Yun lang saka sya bumalik sa tabi ko at nagpatuloy sa pagsubo ng halo-halo. Parang maiiyak namang nag-walk out ang tatlong babae. Samantalang nanatili parin akong nakatulala sa mukha nya at hindi ako makapaniwala na ginawa nyang yun. Napansin nya siguro yun kaya nilingon nya rin ako. “What?” he asked. “B-bakit…bakit mo sila…binuhusan ng tubig?” He smiled. “Because they bullied you. At hindi ko hahayaang i-bully sa harapan ko ang babaing mahal ng bestfriend ko” Napakurap ako. Just because they….bullied me? “Atsaka isa pa, ayokong kumain na may mga ganung klase ng tao sa paligid. Nakakawalang gana kasing kumain. Now, sure ka talaga na yan lang ang kakainin mo? Baka mag-alala si Jungkook pag nalaman nyang halo-halo lang ang kinain mo” Nilingon ko nalang uli ang halo-halo at sumubo uli. “No, okay lang sa akin ‘to. Ngayon lang kasi ako uli nakakakain ng ganito. Atsaka isa pa…dating street vendor ang Mama ko at ito ang ibinebenta nya noong bata pa ako kaya…sa tuwing nakakakita ako ng halo-halo…naalala ko ang Mama ko…” He smiled. “Talaga? Alam mo, pareho tayong may naalala sa halo-halo” Napalingon ako sa kanya kaya nagpatuloy sya. “Yung first love ko kasi…ito ang ibinigay nya sa akin noon bago ako umalis at bumalik ng Korea…” ang nakangiti nyang kwento pero malungkot ang mga mata nya. “Nahanap mo na ba sya?” ang tanong ko. Sa totoo lang ay ngayon lang ako nakipag-usap uli sa ibang tao maliban kay Jungkook. Pero…ngayong nabuksan na ang mundo ko…disidido na akong magpapasok ng ibang tao dito. Ngumiti sya ng malungkot. “Hindi parin eh. Atsaka, ibang Angel pala ang itinuro mo sa akin noon. For a moment, akala ko sya na talaga…” “Sorry…” ang nasabi ko lang. “No, it’s okay” he said at ngumiti. “Thank you parin kasi for a moment ay binigyan mo ako ng pag-asa na makikita ko sya…” “Okay” ang sagot ko. He laugh. “Talagang hindi ka palasalita noh? God…paano ba nakakatagal sayo si Jungkook?” “I don’t know…” ang sabi ko lang at doon ko nakita na naubos ko na ang halo-halo ko. Kaya tumayo na ako at nilingon sya. “Thank you sa libre” ang sabi ko. “Teka, aalis ka na agad?” “Oo, may next class pa ako” “Ahh…” ang sabi nya lang. Tatalikod na sana ako pero may naalala pa akong sabihin. “Taehyung” I called his name kaya natigilan sya. “May hihilingin lang sana akong pabor” Parang napatulala naman sya sa akin. Dahil siguro sa first time ko syang tawagin sa pangalan nya. “A-ano yun?” he recovered. “Sana…wala ng ibang makakaalam pa sa pag-iyak ko kanina…can you promise me that?” “Pero---” “Please” I beg. “Ayokong malaman ni Jungkook…” For a moment ay natahimik lang sya habang nakaawang ang bibig at nakatitig sa akin. Pero later on ay huminga din sya ng malalim. Then he smiled. “Okay” ******************* “WHAT?! PAPAARALIN NYO AKO SA SCHOOL NILA PARA LANG MAS MAPALABAS NA TALAGANG NAGDI-DATE KAMI?!” ang sigaw na yun ni Cass ang gumuluntang sa buong practice room ng BTS habang magkakaharap sila sa sala. “Calm down Cass…” ang sabi naman ng isang babae na eleganteng nakasuot ng business attire. Ito ang manager nya na si Ms. Lee. “Panandalian lang naman Ms. Cass.” Ang patuloy ni Ms. Lee. “Ilang months lang ang ilalagi mo katulad ng sa BTS. And don’t worry about your career because you will still be making songs while studying” Napa-cross arms naman si Cass at padabog na naupo sa sofa. “Eh ano pang magagawa ko?” Saka nya nilingon si Jungkook na kanina pa busy sa pag-dial sa phone nya. “I HAVE TO STAY HERE AND IT’S ALL THANKS TO YOU AND YOUR SARANG!” she yelled. Agad namang nagsalubong ang kilay ni Jungkook. “Hey! Okay lang na ako lang ang sisihin mo pero ibang usapan na kung isasali mo pa ang sarang ko!” “Yeah right! Pakisabi mo nalang sa sarang mo na mas mabuting umalis ka nalang sa pagiging leader ng BTS kung hindi mo rin kayang alagaan ang pangalan mo! You’re just dragging me here!” Napatayo naman si Jungkook at akmang susugurin si Cass. “You---!” Buti naman at naawat sya ni Mr. Han. Pero tumayo si Cass at hinarap din sya. “O ano? Sasaktan mo ako? Sasaktan mo ako? Then go ahead! Nang makita naman ng mga tao ang pasa sa akin at para may masabi naman silang speculations na sinaktan mo ako and then sasabihin lang natin na NAHULOG LANG AKO SA HAGDAN KAYA NAGKAPASA AKO! IT’S JUST A CYCLE HERE! SO YOUNG MAN, WAKE UP! ANG LAHAT NG TAO AY NAKATINGIN SA’YO! KAYA KUNG HINDI MO KAYANG PANGALAGAAN ANG PANGALAN MO AY MAS MABUTING UMALIS KA NALANG SA MUNDO NA ‘TO! I’VE WORKED SO HARD TO GET IN THIS SPOTLIGHT AND I WON’T LET ANYONE DRAG ME DOWN!” “Cass!” ang sigaw ni Ms. Lee at hinarap sya. “STOP!” Pero agad namang nandilim ang mukha ni Jungkook nang dahil sa mga sinabi nya. “I had enough” ang sambit nito sa malamig na boses. Agad naman itong nilapitan ni Mr. Han. “Jungkoo—” Pero agad na itong tumalikod at walang paalam na umalis. At hindi nya alam pero… Nakaramdam sya ng guilt sa nakita nya dito. Napasobra ata ang pagsasalita nya kaya hindi na sya nakapag-preno. Kaya ngayon… Punong-puno sya ng guilt sa dibdib nya at hindi nya alam kung ano ang gagawin. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD