Visible Chapter 24 “J-jeon?” ang natulala kong sambit nang pagbukas ko ng pinto ng bahay namin ay si Jeon ang bumungad sa akin. Pero… Nabaguhan ako sa ekpresyon na nasa mukha nya. Wala syang kabuhay-buhay at parang…ang lungkot nya. Hindi na ako nakapagsalita nang maglakad sya papalapit sa akin at niyakap ako. Nabigla ako. “A-anong ginagawa mo dito?” ang hindi ko mapigilang tanong. “I just wanted to see you…” he whispered. “Snow, sino---” Ang sulpot ng stepmom ko mula sa sala. Pero nang makitang si Jeon yun ay agad syang ngumiti at bumalik sa kusina. Gabi na ngayon kaya nagtataka talaga ako kung ano ang ginagawa nya dito sa ganitong oras. “P-pasok ka…” ang nasabi ko lang. Humiwalay naman sya sa akin at sabay kaming pumasok sa sala. “C-can I stay here tonight?” he asked. Nabi

