Visible
Chapter 19
School…
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang nangyari kahapon.
Naging girlfriend nya kaya talaga si Cass?
At kung oo, ano ang dahilan at nag-break sila?
Pero...kahit gaano ako ka-curious sa bagay na ‘to ay hindi ko parin magawang magtanong.
Dahil…
Natatakot ako sa pwedeng malaman ko.
Nagtaka ako dahil pagdating ko ng school ay may mga reporters na nagkakagulo sa harapan ng school namin at may pinagkakaguluhan sila.
“Mr. Jeon, totoo bang may idini-date kang schoolmate mo dito?”
“Pwede ba naming malaman kung ano ang pangalan nya?”
“Jeon Jungkook, paano na si Cass ng Pinky? Totoo bang hiwalay na kayo?”
Oo, si Jeon Jungkook ang nakatayo doon habang pinoprotektahan naman sya ng isang lalaking may eyeglasses.
At ang ekspresyon ng mukha ni Jungkook…nandidilim ang mukha nya…
“Hindi pa muna kami magsasalita sa bagay na ito” ang lalaking may eyeglasses ang nagsalita. “Hintayin nyo nalang ang announcement namin tungkol dito. Magpapa-press kami so please leave us”
Yun lang saka sila pumasok ng school samantalang hinarangan naman ng mga guards ang mga reporters na nagpupumilit pumasok ng school gate.
Nang dahil lang sa…may idini-date na si Jungkook ay ganito na ang naging reaksyon ng mga tao?
*sigh*
Nagtuloy nalang ako sa loob ng school building at hindi na pinansin ang mga reporters na nagpupumilit paring pumasok.
Mag-isa kong tinahak ang hallway nung umagang iyon.
At tulad ng dati..napapatingin na naman sa akin ang lahat ng nadadaanan ko saka sila magbubulungan.
Alam kong araw-araw na itong nangyayari sa akin pero hindi parin ako komportable na may nakatingin sa akin.
Nabigla pa ako nang…
*clip*
May biglang naglagay ng hairpin sa buhok ko habang naglalakad ako.
Agad naman akong napataas ng mukha and I came face to face with that handsome guy.
“Ayan…para mas makita ko ang mukha ng sarang ko…” he said while smiling.
Agad kong naramdaman ang pagragasa ng dugo sa pisngi ko.
Napaatras ako.
Teka…paano sya napunta sa harapan ko?!
Pero hindi pa man ako nakaka-react ay nakangiti syang nagsalita uli.
“GOOD MORNING!”
Umiwas naman ako ng tingin. “A-anong ginagawa mo dito?…” ang tanong ko
He smiled. “Eh di hinihintay ang girlfriend ko!”
H-hinihintay nya ako?
P-pero b-bakit naman nya gagawin yun?
Pero…natigilan ako nang maalala ko ang nadatnan ko kanina at napatingin sa nakangiti parin nyang mukha.
Paano nya ba nagagawang ngumiti sa akin samantalang kanina ay pinagkakaguluhan sya sa labas?
Napatingin ako sa kanya.
“Aiisssh…pasensya ka na ha kung hindi kita nasundo sa bahay nyo katulad ng ginagawa ng normal na boyfriend…may….may nangyari lang kasi kaya hindi muna ako makakalabas ngayon” he said.
B-boyfriend…?
Oo…boyfriend ko na ang lalaking ito.
Simula nang mangyari ang halik na yun ay alam naming pareho…
Na doon na nagsimula ang relasyon namin…
At…nagkaroon narin kami ng first date.
“Okay ka lang ba?” ang hindi ko makatinging tanong.
“Huh?”
“Kanina…nakita kong…pinagkaguluhan ka ng mga reporters…”
Ngumiti naman sya sa akin. “Okay lang ako. Well, sanay narin ako sa mga ganung makukulit na reporters…”
Saka nya hinawakan ang paanan ng ulo ko.
“Pero teka…nag-aalala ka ba sa akin ha? Ayyeeeee!!!” ang parang kinikilig nyang sabi.
Agad namula ang pisngi ko saka ko sya itinulak.
“H-hindi ah! B-bakit naman ako mag-aalala sa’yo?!” ang deny ko.
“Hay…ang shy talaga ng sarang ko…! Ang cute mo pag nagdi-deny ka”
“A-at sinong nagsasabing nagdi-deny ako?!”
He touched my cheeks at dahil hindi pa ako sanay na hinahawakan nya ako ay feeling ko nasusunog na sa init ang pisngi ko.
“You’re blushing” he said while grinning.
Pikit mata naman akong sumigaw. “H-hindi ah!”
“Sarang…halata na gusto mo talaga ako kaya wag ka ng mag-deny” ang sabi nya habang nakangiti parin ng malapad.
Hindi naman ako nakasagot at namumulang umiwas nalang ako ng tingin.
Oo, gustong-gusto ko ang lalaking ito.
Gustong-gusto ko sya pero hindi ko parin masabi yun sa kanya.
Bigla naman syang nag-pout. “Pero bakit hindi mo parin sinasagot ang tanong ko sa’yo nung isang araw?”
Napatingin ako sa kanya. “A-anong tanong…?”
He smiled. “Kung mahal mo ba ako?”
Hindi ako makapagsalita. At agad naman akong nag-iwas ng tingin.
Hindi ako makatingin sa kanya.
Dahil ngayong itinanong na naman nya yun sa akin ay hindi na naman ako makasagot.
Oo. Mahal kita.
Pero hindi ko alam kung paano sasabihin yun sa kanya.
Napahinga naman sya ng malalim at binitiwan ang pisngi ko.
Napatingin naman ako sa kanya.
But then he smiled again.
“It’s okay.” He said. “Uunti-untihin natin. We’ll make our relationship work by doing it step by step”
Napatingin ako sa kanya at nabigla pa ako nang ilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. At mas lalong uminit ang pisngi ko.
“Afterall…” he whispered in my face. “…alam kong mahal mo talaga ako…”
*********************
“Wow Snow…ang ganda naman ng butterfly na hairpin mo” ang biglang sulpot ni Angel sa harapan ko nung nasa loob na ako ng classroom. “Nakakapanibago yan ah. Ngayon lang kita nakitang mag-ayos”
Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. “Thank you”
Napatulala naman sya sa akin.
Oo, ito kasi ang unang beses na ngumiti ako sa kanya.
“Wow…” she said. “Marunong ka rin palang ngumiti?”
Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang.
Because now that I finally open the locked gates of my invisible world…ita-try kong mag-trust uli sa ibang tao.
“Can you believe this? Nang dahil lang sa nagkaroon ng rumor na may idini-date na si Jungkook Oppa na schoolmate natin ay bumaba ang rating nila?” ang biglang narinig kong sabi ng classmate ko mula sa upuan nya habang nakahawak sa tablet nya.
“What?! Patingin nga!”
At nakiusyoso na ang lahat ng classmates ko maliban sa amin ni Angel.
“Oo nga…ang akala kasi ng mga fans ay si Cass ng Pinky ang idini-date talaga ni Jungkook Oppa kaya siguro nadismaya sila sa nalaman”
“Yeah right...” ang sabi ng isang classmate ko. “Mas bagay naman sila kesa sa Snow na yan dahil pareho silang sikat at kilala sa K-pop world”
“Oh my…” ang isa naman. “I really wished na sana ay sila ni Cass ang magkatuluyan pero bakit kasi kailangan pang makisali ng Snow na yan. Hindi naman sila bagay”
Akala ko ganito lang kadali ang makialam sa ibang tao.
Pero…mahirap pala.
Dati pag may ganitong pag-uusap ay hindi ako naapektuhan.
Dahil wala naman akong pakialam.
Pero ngayong…si Jungkook na ang pinag-uusapan nila ay hindi ko mapigilang…masaktan.
*****************
Nang matapos ang klase namin ay nabigla ako sa nadatnan ko sa labas ng classroom namin.
“KYYYYYAAAAAHHHH!! JUNGKOOK OPPA!!”
Dahil nakatambay sa labas ng room namin habang pinagkakaguluhan sya ng mga estudyanteng nanduon ang gwapong lalaking iyon.
Agad naman syang napataas ng mukha nang makita ako at napangiti ng matamis.
“Sarang!” he called me.
“Wait, can you believe that? Tinawag nyang….sarang…si Snow?!” ang narinig kong tili ng isang classmate ko.
Pero hindi nya pinansin yun at natahimik ang lahat nang magsimula syang maglakad papunta sa akin.
“Ako na ang magdadala ng bag mo” ang nakangiting alok nya at parang ang saya-saya nya.
Pero agad kong inilayo ang bag ko.
Hindi kasi ako sanay na ibang tao pa ang bumibitbit ng gamit ko.
“A-ako na…” ang sabi ko. “Ano bang ginagawa mo dito?”
Saka ako napalingon sa paligid namin at naka-glare sa akin ang mga nanduon.
“Sinusundo ka” then he grin. “Tara, lunch tayo!”
Saka nya ako akmang aakbayan pero agad akong umatras.
Napatingin naman sya sa akin.
Nagbaba nalang ako ng tingin.
“A-ayokong…hinahawakan mo ako…” ang sambit ko.
Oo, dahil sa tuwing hinahawakan nya ako ay parang hindi ako makahinga.
Napahinga naman sya ng malalim din ngumiti din.
“I’m sorry” he said. “Nakalimutan kong mahiyain nga pala ang sarang ko…tara, sabay na tayong mag-lunch!”
At wala na akong nagawa nang nakangiti nya akong hilain sa kamay sa gitna mismo ng mga estudyanteng nanduon.
to be continued...