Chapter 20

1277 Words
Visible Chapter 20 “Say ahhhh…” ang sabi nya habang magkaharap kami ngayon sa gitna ng cafeteria at nakataas ang kutsara nya sa harapan ko. Namula ako. Lalo na’t ngayong nakatingin ang lahat sa direksyon namin. “Oh my God…I really can’t take this!” ang madrama ko pang narinig sa kabilang table saka sila umalis. Napalingon naman ako kay Jungkook na nakangiti parin then he pout. “Oh? Sige na…isubo mo na…ito na oh….say ahhhh…” ang sabi pa nya at parang nanay na nagpapakain sa five years old na anak nya. Pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya. And I wonder… Bakit parang…wala syang pakialam sa mga sinasabi ng mga taong nasa paligid namin? Alam na ba nyang…. …bumaba ang rating nila nang dahil lang sa naging girlfriend nya ako? Pero heto sya ngayon at ipinapakita parin sa kanila na girlfriend nya ako. “Jeon” I called his name. “Stop…” Natigilan naman sya. Saka ako nagtaas ng mukha. “Hindi mo ba nakikita na hindi sila pabor sa ginagawa mo? Alam mo bang…bumaba ang rating ng grupo nyo ng dahil lang sa nalaman ng media na may idini-date kang schoolmate mo?” Ibinaba naman nya ang kutsarang hawak nya at napahinga ng malalim. Then nagtaas sya ng mukha at ngumiti. “Alam ko…” he said. Natigilan naman ako sa sinabi nyang iyon. T-teka…alam nya? Pero.. Bakit…ginagawa parin nya ito? “But they don’t matter to me. Because now, all that matters to me is my sarang…” he said then wink. At hindi ko alam… Pero… Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko nang dahil sa sinabi nyang iyon… Kaya nanatili lang akong nakatulala sa mukha nya. Ako lang ang…nagma-matter sa kanya? “Aiiisshhh…” narinig ko na naman ang korean accent nya. “Bakit Jeon parin ang tawag mo sa akin ha? Diba dapat Oppa na? Boyfriend mo na ako kaya dapat Oppa ang itatawag mo sa akin.” Oppa? Naramdaman kong namula ang pisngi ko. “Sige na…tawagin mo na akong Oppa…!” at pina-sweet nya pa ang pagkakasabi ng Oppa na word. Pero hindi ako nagsalita at napayuko nalang ako habang umiinit parin ang pisngi ko. “O kahit Jungkook nalang kung hindi mo kaya yun” ang pilit parin nya at ngayon ay parang kumikinang ang mga mata nya sa anticipation. Pero hindi parin ako nagsalita at namumula parin akong nakayuko. Ni hindi ko sya matignan ngayon. “Sige na, OPPPPPPPAAAA….” Ang slow motion nya pang sabi. “Repeat after me okay? OPPPPAAAAA…” Pero hindi parin ako nagsalita at nakayuko parin. Samantalang nakatingin parin sya sa akin. But then later on… I heard him sigh. “Aiiisshh…sige na nga…hihintayin ko ang araw na yun na tatawagin mo na akong Oppa…” at namula pa ako sa paraan ng pagkakasabi nya ng Oppa. Dahil nagpaboses babae sya at sweet nyang sinabi yun. K-kaya ko nga kayang…tawagin sya sa ganung paraan? Parang hindi ko kayang iimagine. “So…ito pala ang babaing dahilan ng pagsagot-sagot mo sa akin…” ang biglang sulpot ng boses na yun sa tabi namin. Sabay pa kaming napataas ng mukha at nakita kong yun yung lalaking naka-glasses na kasama nya kaninang umaga. “M-manager?!” ang shock na sambit naman ni Jungkook. Manager? Ito ang…manager ng BTS? Pero ngumiti lang ang lalaking iyon at lumingon sa akin. “Hi Ms. Snow ako nga pala si Mr. Han, ang manager ng BTS. Simula nang makarating ako dito sa Pilipinas ay lagi ko ng naririnig ang pangalan mo sa apat na sulok ng apartment namin. Jungkook just won’t stop in mentioning your name” Nakita kong namula naman si Jungkook. “M-manager!” Tumawa naman ang manager. “Wow. This is the first time I saw you be shy in front of a lady” Mas lalong namula si Jungkook. Pero biglang sumiryoso ang mukha ng manager at nagsalita. “Now, can I invite you two to have some tea?” ********************** “Alam nyo na sigurong pareho na bumaba ang rating ng BTS nang dahil sa rumor na may idini-date ka Jungkook” ang sabi ni Mr. Han. Nasa apartment kami ngayon ng BTS dahil hindi kami pwedeng mag-tea sa public dahil pagkakaguluhan na naman si Jungkook. Nabigla pa ako nang hawakan ni Jungkook ang kamay ko at nagsalita. “Oo alam ko yun pero hindi mo ako mahihiwalay sa sarang ko” T-teka… P-paano nya nasasabi yun sa manager nya? Napahawak naman ng sentido ang manager nya. “I’m not asking you to do that” Nakita kong nagsalubong naman ang kilay ni Jungkook. “Then what?” Napatingin sa amin si Mr. Han at huminga ng malalim. Then he spoke. “I know it’ll be a little selfish for us to ask this to the both of you…pero…nakapag-usap kami ng manager ng Pinky at nagkakagulo narin doon dahil sa mga nagrereklamong fans….napuno narin ng bash ang site ng Pinky dahil gumagawa lang daw ng kwento ang Pinky na talagang idini-date ni Jungkook si Cass…” K-kung ganun… H-hindi sila totoong nagdi-date?” “Ano bang gusto mong sabihin ha?” si Jungkook. “So…” he looked at Jungkook. “Naisip naming ipalabas na talagang nagdi-date kayong dalawa ni Cass. And in order to do that…pumayag kaming magpa-press at sabihing talagang nagdi-date kayo” Hindi ko alam pero… Sumasakit ang dibdib ko ngayon… “WHAT DID YOU JUST SAID?! PAGMUMUKHAIN NYO KAMING TALAGANG NAGDI-DATE NI CASS PARA LANG TUMAAS ANG RATINGS NATIN?!” ang galit na sigaw ni Jungkook. Pero… Alam kong tama din naman ang manager nila… “Mr. Jeon, this is the only way to save your falling ratings!” At kahit masakit… Alam kong para rin kay Jungkook ang desisyong iyon… “AT GUSTO MONG I-DENY KO ANG GIRLFRIEND KO PARA LANG TUMAAS ANG RATINGS NATIN?!” Kaya… Kaya… Kahit masakit… “It’s okay” ang sambit ko dahilan para sabay silang mapalingon sa akin. Then I smiled. “O-okay lang Jeon…” I whispered. “Sarang….” He whispered na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Importante sa’yo ang career mo at ayokong maging selfish. Ayokong bumagsak kayo nang dahil lang sa nagka-girlfriend ka…” “P-pero…” “Okay lang” I smiled. “Galingan mo ha. Ichi-cheer kita, Jeon…” Samantalang nanatili syang nakatulala sa mukha ko. Waring binabasa ang iniisip ko. Pero ngumiti lang ako. Then I heard him sigh. “Ito ba talaga ang gusto mo? Okay lang sa’yo na i-deny kita?” I nod. For a long moment ay tinititigan nya lang ako. Then he smiled and pats my head. “Then…I’ll do it” Oo, gagawin na nila yun… Ang pagmukhaing may ibang babaing mahal ang lalaking mahal ko… At… Agad naman akong nilapitan ni Mr. Han at halos maputol ang kamay ko sa shakehands nya. “THANK YOU SNOW! YOU’RE GREAT! THANK YOU!” …wala akong ibang magawa kundi ang ngumiti at sabihing okay lang ang lahat ng ito. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD